Happy, Yipee, Yehey! hopes to replicate the success of Wowowee


Happy, Yipee, Yehey! will be hosted by (from left, standing) Bentong, Jobert Austria, John Estrada, Randy Santiago as well as guest hosts Matteo Guidicelli and Sam Milby. They will also be joined by (seated, from left) Bianca Manalo, Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga and Melai Cantiveros. Regarding negative comments about their show, Direk Bobot Mortiz said: "Magandang challenge sa amin yun para mas pagandahin yung show na ito at to prove them wrong. Lahat na


"Happy Yipee Yehey!" ang sigaw nina Randy Santiago, John Estrada, Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga at Bianca Manalo sa presscon na ginanap noong Martes, February 8, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN compound.


Sila mga main hosts ng pinakabagong noontime show ng ABS-CBN kasama sina Melai Cantiveros, Jobert, Bentong. Guest hosts din sina Sam Milby, Matteo Guidicelli at John Prats. Gaganapin ang pilot episode ng Happy, Yipee, Yehey! sa darating na Sabado, February 12, sa Ynares Complex sa Pasig City.


Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Bobot Mortiz, binaggit nito ang mga dapat abangan ng mga manonood sa bagong palabas na ito.


"Kung kinagiliwan n’yo ang Wowowee at Pilipinas Win na Win, mas kagigiliwan n’yo ang noontime show na ito. Mas masaya at kwela. Di man kami magpapamigay milyon milyon pera dito, pero magbibigay kami ng milyung milyong saya sa mga tao sa pananghalian. Kung naalala n’yo kung gaano kakwela sina John at Randy sa Magandang Tanghali Bayan noon, makikita n’yo sila rito ngayon na mas kwela at masaya."


Di pa man nagsisimula ang kanilang noontime bagong noontime show, marami na ang nagsasabi hindi ito magtatagal at hindi magre rate dahil katapat sa ang Eat Bulaga!


Ito ang naging pahayag ng director sa mga bumabatikos na ito: "Maganda ’yan! Maganda yung comment na yun! Magandang challenge sa amin yun para mas pagandahin yung show na ito at to prove them wrong. Lahat naman nagsisimula sa ganun kaliit, parang yung Wowowee noon madami rin ang nagsasabi na di daw ito magre rate pero tingnan mo naman yung inabot ng Wowowee. Ganito rin ’tong show na ito bigyan lang kami kaunting time para mapalaki ito. Di naman kami naghahangad ng malaking rating basta importante magkaroon lang kami ng marka sa noontime."


Ano naman kaya ang aabangang mga games ng mga tao sa noon time show na ito?

"Maraming fun games, e, mahirap i-explika pero maraming matutuwa sa mga bagong games namin na siguradong magugustuhan nila, parang kung maalala nyo yung MTB [Magandang Tanghali Bayan] parang ganun! Ganun! Ibabalik natin yung ganun kasaya at mas higit pa," sabi pa ni Direk Bobot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Paano ba nabuo yung concepto para sama-samahin ang mga hosts na ito?

Paliwanag ng assistant director na si Willie Cuevas: "Nagsimula kami sa dalawa sina John at Randy, tapos nag build na kami dun sa dalawa. Siyempre kinuha po naming yung cross section ng society natin, magre-represent sa society natin gaya ng dalawang ito, sina Jobert Austria at Bentong na alam naman nating pang masa yung dating. Tapos kinuha natin yung magagaling mag-host na sina Mariel at Toni. At ang mga nakakatawang sina Melai [Cantiveros] at Bianca [Manalo]. At siyempre yung pampakilig ng mga girls na sina John Prats, Sam Milby at Matteo Guidicelli."

Dagdag pa ni John Estrada: "Bago po namin tinanggap ang show na ito, madami po kaming pinagdaanan at ang promise lang ng ABS-CBN management sa amin, e, at ang hinihiling po namin at hindi po namin gagawin ’to, hindi para kumalaban kanino man. Gagawin namin ’to para magbigay ng saya para sa mga taong nangangailangan."


Pinapangangako ng mga hosts na gagawin nilang happy ang mga tututok sa kanilang programa tuwing tanghali. Inaasahan rin na mapapa Yipee sa dami ng mga kakaibang palaro at mapapa Yehey ang mga kalahok at mga manonood sa laki ng mga pa-premyo.


Ang Happy, Yipee, Yehey! ay magsisimulang umere ngayong Sabado, February 12, sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN