Connie Sison and Ivan Mayrina are both On Call


Hindi raw bagay para kay Connie Sison ang pag-aartista. "Kasi siguro hindi ko talaga kayang umiyak. Iyakin ako pero hanggang banyo lang," saad ng news anchor ng On Call. Kasama ni Connie si Ivan Mayrina sa bagong programa na mapapanood sa GMA News TV simula February 28, 2011.


Masaya ang reporter at news anchor na si Connie Sison dahil may bago siyang show sa bagong GMA News TV. Ito ay ang On Call, isang daily public service program, kasama si Ivan Mayrina.

Halos isang taon ding nagkasama sina Connie at Ivan sa News on Q, ang dating primetime news program sa QTV-11.

Kung panggabi ang programa nila noon, panghapon naman ang On Call.

"4 to 5 PM po siya, Monday to Friday. Konsepto niya, parang may balita, at saka may serbisyo talaga. In other words, tututok kami sa mga problema na puwedeng tugunan, may mga interviews, ganun," saad ni Connie.

Ang format daw ng On Call ay ang pagsagot sa mga phone call ng mga manonood, at pagbibigay ng panadaliang solusyon dito.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Connie noong February 9, sinabi nito ang dahilan kung bakit pinagkakatiwalaan ng GMA-7 ang tandem niya with Ivan.

"Kami, parang magbarkada, magkaibigan, na parang magkapatid na. Nag-uusap. Magka-batch kami nito, magkasing-edad kami," saad nito.

Sumang-ayon dito si Ivan, na katabi ni Connie sa interview.

"Pareho kami ng edad, pareho kaming may dalawang anak, pareho kaming pinag-uusapan namin yung bills sa bahay, mga anak. Pag pasaway yung anak mo, anong gagawin mo," saad ng male newscaster.

Dagdag pa ni Connie, madalas daw silang magkantahan sa gitna ng bawat newscast sa News on Q.

"Sa amin nga, sa newscast, pagka may lull, nagkakantahan kami," sabi niya.

BEING A REPORTER. Kahit pa may bago nang programa sa GMA News TV si Connie ay hindi niya raw iiwanan ang field reporting.

Hanggang ngayon ay nagre-report pa rin si Connie sa labas ng newsroom. Napapanood ang kanyang mga reports sa 24 Oras at Saksi.

"I don’t feel na kailangan kong i-give up yun e, kasi nandun din yung passion ko talaga. Bilang reporter, I think that’s where you get your credibility first and foremost. Nandun yung parte ng career namin talaga na makikita kung gaano ka kalalim," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Connie, dapat daw na maging reporter din ang mga news anchors para maging fulfilled ang kanilang career sa pagbabalita.

"Hindi ka newsreader, ikaw yung nagsusulat ng sarili mong reports. Kumbaga, ikaw yung captain of this ship ng team mo, ng mga kasama mo," saad niya.

Sa Lunes, February 28, na magsisimula ang GMA News TV at ang On Call.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN