Nasaan Ka Elisa? director says their afternoon soap opera is similar to CSI


"Mala-CSI [Crime Scene Investigation] ang dating ng teleseryeng ito, may pagka suspense-drama ang istorya. Talagang maaaliw ang mga manonood at aabangan nila kung ano talaga ang nangyari kay Elisa," says director Jerome Pobocan about Nasaan Ka Elisa?, which stars Melissa Ricks (in photo).


Nasaan ka Elisa? ang unang solong teleserye na pagbibidahan ni Melissa Ricks tuwing hapon sa ABS-CBN simula March 21.

Ito ang Philippine adaptation ng Donde Esta Elisa? na nakilala sa buong mundo matapos itong i-produce ng TV giant Telemundo noong nakaraang taon. Magmula noon, iba’t ibang bansa na ang nagpalabas ng mystery drama na ito kabilang ang Venezuela, Georgia, Spain, Croatia, Ecuador, Nicaragua, Peru, Mexico, Lithuania, Poland, Iran at Romania.

Iikot ang istorya sa paghahanap kay Elisa Altamira (Melissa), ang panganay na anak ng pamilyang Altamira. Iniisip ng mga magulang niya na isa siyang "perfect daughter" ngunit may mga lihim pala itong tinatago tulad ng pagiging "wild" nito at makikitang nagsasayaw sa bar.

Sa interview kay Melissa na naganap sa press preview noong March 8, inamin ng aktres na masaya siya dahil kakaibang proyeto ang binigay sa kanya ng Kapamilya Network.

"Maganda talaga yung kuwento ng Nasaan ka Elisa? It’s different from other dramatic teleseryes na puro iyakan lang. Dito may halong adventure at merong mystery na magaganap sa istorya. At talagang susubaybayan ng mga manonood ang bawat pangyayari sa paghahanap sa akin.

"Nagpapasalamat talaga ako sa ABS-CBN sa magandang break na binigay sa ’kin dito sa Nasaan Ka Elisa? Kakaiba talaga ang role ko rito. Tatanungin n’yo sa sarali n’yo kung perfect daughter nga ba ako?"

Ayon naman kay Direk Jerome Pobocan, "Mala-CSI [Crime Scene Investigation] ang dating ng teleserye ito, may pagka-suspense-drama ang istorya. Talagang maaaliw ang mga manonood at aabangan nila kung ano talaga ang nangyari kay Elisa."

Nagkaroon ng pagkakataon ang media na mapanood ang unang dalawang episodes ng Nasaan ka Elisa?


SYNOPSIS. Ito ang kwento ng pamilya Altamira na pilit hinahanap si Elisa (Melissa Ricks), ang panganay na anak na naging "desaparecido."

Hindi malaman ng mga magulang ni Elisa, sina Mariano Altamira (Albert Martinez) at Dana Altamira (Agot Isidro) kung ano ang kanilang gagawin. Dahil dito, kinuha nila ang serbisyo nina Cristobal Rivas (Joem Bascon) at Giselle Santillan (Desiree del Valle). Magsasanib-puwersa silang dalawa bilang detective upang hanapin si Elisa.

Si Isabella de Leon, ang batang bida sa dating GMA-7 sitcom na Daddy-Didodu, ay isa nang ganap na dalaginding. Mapapanood siya sa ABS-CBN teleserye na ito bilang Chrissy Altamira na kapatid ni Elisa. Nakababatang kapatid rin nila rito ang isa sa mga bida ng Goin’ Bulilit na si Alexa Ilacad bilang si Ella Altamira.

Magmula nang mawala si Elisa, unti unting nabunyag ang sikreto ng miyembro ng pamilya, kamag-anak at kaibigan ng nawawalang dalaga. Mauungkat rin ang mga pangyayaring matagal nang ibinaon sa limot. Sa gitna ng masugid na paghahanap kay Elisa, maraming suspek na posibleng dahilan ng kanyang pagkawala ang lilitaw–ang mga magulang ni Elisa, mga tiyuhin, mga pinsan, mga kamag-aral, mga luma’t bagong empleyado ng Altamira business.

Ang katanungan ng teleserye na ito...nasaan nga ba si Elisa? At sino nga ba talaga ang salarin sa pagkawala niya?

Sa unang pagkakataon ay gagampanan ni Vina Morales ang pagiging kontrabida bilang si Cecille Caceres. Siya ang ambisyosa at dominanteng kapatid ni Mariano (Albert Martinez) na gustong palitan ang kanyang kapatid sa pagiging presidente ng kanilang kumpanya.

Magbabalik telebisyon rin si Eric Fructuoso pagkatapos ng kanyang pagganap bilang kontrabida sa Martha Cecilia’s Kristine. Siya ang gaganap na Bruno Da Silva, ang live-in partner ni Cecille (Vina). Si Edward Caceres (Aldred Gatchalian) ay anak ni Cecille sa kanyang unang asawa.

Si Viviana Rincon (Mickey Ferriols) ay kapatid rin nina Mariano at Cecille. Ang asawa ni Viviana ay si Joey Rincon (Christopher Roxas) at ang kanilang ampon na anak ay si Santi (Franco Daza)

Ang best friend ni Mariano na si Nick (Allen Dizon) ay ang accountant ng mga Altamira. Dati ay nagbiro siya na yayaman siya kung dudukutin niya si Elisa, ngunit hindi nabahala rito si Mariano. Tulad ng ibang karakter, marami ring lihim itong si Nick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood na ang kakaibang mystery family suspense drama na ito na naging tanyag sa iba’t ibang parte ng mundo. Abangan ang sagot sa katanungang Nasaan ka Elisa? Ipalalabas ito tuwing hapon simula March 21 sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN