Newbie actor Renz Fernandez teams up with Kim Chiu on Your Song Presents Kim


"Madalas ko nga makalimutan yung mga linya ko dahil sa sobrang ganda niya," says Renz Fernandez about working with Kim Chiu for the last episode of Your Song Presents Kim, which will be shown this Sunday, March 27, on ABS-CBN after ASAP Rocks.


Makakatambal ni Kim Chiu ang baguhang aktor na si Renz Fernandez, anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino, sa huling palabas ng Your Song presents Kim ngayong Linggo, Marso 27.

Bilang unang sabak niya sa pag-arte, inilahad ni Renz ang kanyang pakiramdam at kung gaano niya ikinararangal na makatrabaho ang tinaguriang Teleserye Princess ng ABS-CBN.

"Feeling ko napaka-blessed ko po na makatrabaho si Kim sa unang-unang project ko. Feeling ko ang swerte ako at honored tsaka thank you talaga," sabi ni Renz.

Nagkakilala sina Kim at Renz sa mismong taping ng palabas. Pinakilala sila ni Direk Jerry Lopez-Sineneng sa isa’t isa. Nang makita ni Renz si Kim, tumatak umano agad ang kagandahan ng dalaga sa kanya.

Dahil dito, "Madalas ko nga makalimutan yung mga linya ko dahil sa sobrang ganda niya," ang sabi ng batang aktor.

Nang tanungin kung paano mailalarawan ni Renz si Kim bilang isang leading lady, idiniin niya ang kabaitan at talento ng aktres na naranasan niya.

"Magaling po siya, tapos mabait, mapasensya dahil ang dami kong mali. Minsan ang daming cut, pero okay lang sa kanya, So yun, mapasensya at maganda," aniya.

Sa episode na ito ng Your Song Presents Kim, gagampanan ni Renz ang karakter ni Jepoy na isang fighter. Samantalang si Kim naman ang gaganap bilang Abbey, isang sosyal na galing sa France.

Bagamat magkaiba ang mundong ginagalawan, magiging malapit ang dalawa sa isa’t isa. Ngunit paano nila mababasag ang hadlang sa kanilang magkaibang estado sa buhay?

Tunghayan ang unang pagtatambal nina Kim at Renz sa darating na linggo, Marso 27, sa Your Song Presents Kim, pagkatapos ng ASAP Rocks sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN