Mula sa Puso star Lauren Young downplays comparison with sister Megan Young


The young cast of Mula sa Puso include (top frame, from left) Enrique Gil, Lauren Young and JM de Guzman. They will be joined by veteran stars (bottom frame, from left) Dawn Zulueta, Ariel Rivera and Eula Valdez.


Matatandaang isa sa mga tinangkilik ng mga manonoood na soap opera noong 1997 ay ang Claudine Barretto-Rico Yan starrer na Mula Sa Puso.


Ngayong 2011, matutunghayan muli ang makulay na kwento nina Via at Gabriel malipas ang 14 na taon. Ito ang maghuhudyat rin ng pagbabalik telebisyon ni Dawn Zulueta bilang Magda at pagbabalik sa ABS-CBN nina Ariel Rivera bilang Fernando at Eula Valdes bilang si Selina. Si Eula naman ang napili na gumanap sa kontrabida role na kinamuhian ng mga manonoood nang gampanan ito ni Princess Punzalan.


Ayon kay Direk Wenn Deramas, special request niya daw sina Dawn, Ariel at Eula upang tanggapin niya muli ng pagdidirehe ng teleseryeng ito. Aniya, "Kung hindi sila, ayaw kong gawin ang project na ito."


Ang young actress na si Lauren Young naman ang gaganap bilang Via, ang karakter na unang ginampanan ni Claudine Barretto.

Pinagbibidahan ito ng mga baguhang actor na sina JM De Guzman na napili na bigyang buhay ang role ni Gabriel (na unang ginampanan ng namayapa nang aktor na si Rico Yan). Samantala, si Enrique Gil naman ang napiling gumanap kay Michael, ang karakter dati ni Diether Ocampo.


Aminado si Lauren na siya ay nakakaramdam ng nerbiyos dahil sa laki ng responsibilidad na naka-atas sa kanya bilang bida sa primetime teleserye na ito.


Ano ang pakiramdam na ikaw ang napili na maging bida sa remake na ito?



"Siyempre, very overwhelmed dahil napakalaking proyekto nito. And I’m reprising the role of Ms. Claudine Barretto... [Big shoes] to fill. Pero at the same time, napakasaya ko po. Kinakabahan po ako pero I’m just really happy."


Hindi ba nag-selos ang kapatid niyang si Megan Young dahil mas nauna pa siyang nagkaroon ng launching soap opera kahit na mas matagal na sa industriya si Megan?



"Actually, si Megan, she’s coming out with Precious Hearts Romances presents Hiyas naman po. That’s coming out soon. Siguro ayoko rin ma-compare sa sister ko dahil magka-iba kami ng field. Siya more on hosting, ako talaga I really want to do drama. I know people are still going to compare us but I guess, if there’s no comparison, I won’t be able to work hard and improve... so I don’t think it’s a bad thing naman."


Si Zanjoe Marudo ang napili bilang leading man ni Megan Young sa Precious Hearts Romances presents Hiyas.


Nagkaroon rin ng pagkakataon ang PEP na makapanayam si Wenn Deramas, ang director ng orihinal at remake ng Mula sa Puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Bakit sa dinami rami ng nag-audition, si Lauren Young ang napiling gumanap sa karakter ni Via (Claudine Barreto) sa remake ng Mula Sa Puso?

"Magaling rumehisto si Lauren, ang galing ng timing, meron siyang ’spunk,’ nakita ko sa kanya noong una pa lang yung karakter na hinahanap ko kay Via, yung hindi umaarte, yung natural na arte. Yung marunong lumaban, yung medyo mataray ang dating.

"Kilala natin si Via na laking America na kapag kinanti mo, kailangan yung lumalaban at hindi lalamya-lamya. Bagay na bagay sa kanya yung karakter na yun kaya out of 120 na nag audition, si Lauren yung kinakitaan ko ng karakter na babagay kay Via at nag-blend siya ng magandang maganda sa karakter nina JM at Enrique na ka-partner niya dito.

"Kasi iba na ngayon yung audition, e. Di lang ikaw yung aarte, kailangan marunong kang mag-blend sa kapartner mo para makita mo na kaagad kung me chemistry yung dalawang karakter at nakita ko yun sa mga karakter nina Lauren, JM at Enrique."


Anong ipagmamalaki ng Mula sa Puso ngayon compared sa Mula sa Puso noon?


"Yung kwento... kasi yun naman yung minahal ng tao, e. Iba ang kwento ng Mula sa Puso. Yung hindi pinakita noon sa Mula sa Puso na ikukwento lang ni Jacklyn Jose na kung paano nasunog ang mukha ni Magda, kung paano nawala si Via, dito ipakikita namin ngayon yung eksenang yun. Kaya imposibleng hindi mo kapitan yung teleseryeng ito. Yung nga lang kinuwento, very effective na, how much more na ipinakita namin ngayon yung pangyayaring iyon dito."


Bakit kailangang i-remake itong Mula Sa Puso compared sa ibang successful teleserye ng ABS-CBN?


"Idea ni Ma’am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president] ’to, kasi di ba successful yung Mara Clara. Tatlo ang nasa listahan ni Ma’am Charo na i-re remake ng ABS-CBN. Yung Mara Clara nga, itong Mula sa Puso, yung pangatlo di ko matandaan pero parang Esperanza o Pangako Sa ’Yo."


"Bakit Mula sa Puso? Matatandaan natin inabot ng 74% ang rating ng Mula sa Puso noon at walang nakatalo ng taas ng rating na ’yan. At sa two years na pagpapalabas ng Mula sa Puso noon, grand slam ang inabot na awards ng soap opera na ito: PMPC Star Awards for TV, Catholic Mass Media Awards. Naging Best Actress si Jaclyn Jose sa ibang bansa at si Princess Punzalan naman dito sa Pilipinas, Guillermo Award-Best TV Show. Halos lahat ng awards hinakot ng Mula sa Puso noon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Anong pinagkaiba nitong Mula sa Puso noon at Mula sa Puso ngayon?


"Hindi pinagkaiba in terms of kwento ha, pero yung treatment, it’s really different. Mas pinaganda yung production, mas ginastusan. Sa artista mo pa lang Dawn Zulueta, Ariel Rivera at Eula Valdes, makikita mo nang bigatin talaga. Yung pabalikin mo sila sa teleserye, its really something. Buti na lang sobra ang suporta sa akin ni Direk Lauren Dyogi at nang creative staff niya.

"Sinabi ko, ’Kung gusto mo ng rating, eto dapat ang casting natin.’ Buti na lang isang sabi lang kina Dawn, Eula at Ariel ay nag-yes agad sila. Good thing na pumayag sila, kasi kung hindi sila pumayag, talagang mahihirapan ako. Kasi ang daming binibigay na pangalan, e, pero sabi ko hindi, eto mga gusto ko. Isa pa, gustong-gusto kong maka-trabaho si Dawn Zulueta, kaya na-excite ako lalong gawin ’tong project kasi may Eula at Dawn na ko."


Tinanong rin si Direk Wenn sa press con, Ano ang mga gusto niyang itama sa version ng Mula sa Puso na gagawin ngayong 2011?


"Una sa lahat yung mounting ng mga eksena... para maging mas logical at believable sa panahon ngayon.


"Pangalawa, yung pagkukwento, kung matatandaan n’yo, ang kwento namin nagsimula sa debut, si Claudine malaki na, abduction, nilagay sa ilalim ng lupa. Ngayon po, sinimulan namin ang kwento kung paano nagsimula ang lahat. Magsisimula ito sa kwento ni Magda, si Fernando at Selina. So mas magiging interesting ito dahil alam n’yo ang pinanggagalingan ng mga tao. So mas mamahalin n’yo ang mga karakter kasi nakita n’yong bata sila, although first three days lang na mapapanood na bata sila."


Mapapanood ang "reimagination" ng Mula sa Puso simula ngayong Lunes, March 28, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN