Coco Martin, Maja Salvador and Andi Eigenmann’s characters find love amidst conflict in Minsan Lang Kita Iibigin


Coco Martin feels lucky to be given the chance to work with Maja Salvador (in photo) and Andi Eigenmann in Minsan Lang Kita Iibigin.


PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:


"Ang bida ng Minsan Lang Kita Iibigin na si Coco Martin ay naitambal na sa maraming magagandang aktres sa industriya. Ngunit wala pang napapabalita kung sino ang nililigawan talaga ng aktor.


"Ngayong dalawang babae ang kanyang kapareha sa high-rating na primetime serye sa ABS-CBN, ang Minsan Lang Kita Iibigin, sino kaya ang kanyang natitipuhan?


"Kung sino po ang gusto ko sa kanila... nakakalito po eh, hahaha! Biro lang ho. Sa totoo lang po pareho silang masarap ka-trabaho," pahayag ni Coco. "Kahit sino siguro matutuwa pagnagkaroon sila ng opportunity na makasama sa isang project sina Andi [Eigenmann] at Maja [Salvador]. Swerte po ako na nabigyan po ako ng chance na ganun," dagdag ng aktor.


"Naka-focus ang aktor sa kanyang career ngayon bilang isang aktor. "Sa ngayon po kasi naka-focus po talaga ako sa trabaho. Pero malay po natin di ba? Di naman natin masasabi kung kailan darating ang pag-ibig. hehehe," masayang sagot ni Coco.


"Samantala, sa mga susunod na tagpo sa Minsan Lang Kita Iibigin, patuloy na uusbong ang pagiibigan nina Krista (Maja) at Alexander (Coco) at Gabrielle (Andi) at Javier (Coco) habang patindi ng patindi ang mga aksyong magaganap sa pagitan ng iba pang karakter sa kwento.


"Huwag bibitaw sa umiigting mga tagpo sa Minsan Lang Kita Iibigin, Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN pagkatapos ng Mutya."


Ed’s Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN