100 Days to Heaven trends worldwide on Twitter


Coney Reyes (left) recalls, "When this [100 Days to Heaven] was offered to me, I think tamang-tama na yung pahinga ko. Plus my youngest son Vico has graduated recently, though he’s planning to pursue law. Tamang-tama ang pagdating ng project na ito kasi after Ysabella yun ang talagang mahirap. Parang feeling ko ayoko muna magtrabaho. Yung role ko sa [Ysabella] as Victoria Amarillo parang kailangan kong magp


Dahil sa dami ng nagpakita na suporta, nakilala sa Twitter world ang bagong ABS-CBN show na 100 Days to Heaven.


Sa ganap na 9 p.m. kagabi, May 9, umabot ang #100daystoheaven sa top spot ng Trending Topics worldwide sa microblogging site na Twitter. Ito ay sumabay sa pilot episode kanina ng naturang palabas na pinagbibidahan ng child actress na si Xyriel Manabat at veteran actress Coney Reyes.


Si Ms. Coney ay gumaganap bilang Anna Manalastas, ang may-ari ng pinakamalaking toy factory sa bansa. Dahil sa kanyang mapait na nakaraan, naging isa siyang masungit na negosyante na kinamumuhian ng lahat.


Nang namatay siya, nakipag-areglo siya sa langit na pabalikin siya sa mundo upang ayusin ang kanyang mga nagawang mali. Pinayagan siya na makabalik sa lupa ngunit kailangan niya ito gawin sa loob ng 100 araw at mabubuhay siyang muli bilang isang 7 taong gulang na bata (na ginagampanan ni Xyriel).


Kasama rin sa cast sina Jodi Sta. Maria, Joel Torre, Mark Gil, Dominic Ochoa, Valerie Concepcion, Rafael Rosell, at Smokey Manaloto. Introducing rin dito ang bagong child star na si Louise Abuel at si Neil Coleta na nakilala dahil sa isang popular iced tea commercial.


Pinapalabas ang 100 Days to Heaven pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN.

INTIMIDATED BY VETERAN ACTRESS. Sa isang panayam kay Xyriel bago ipalabas ang programa, inamin nito na noong una raw ay natakot siya na makatrabaho si Ms. Coney pero di nagtagal ay naging mabuti ang kanilang samahan sa trabaho.

"Masaya pong kasama si Tita Connie, naglalambingan po kami," ani Xyriel. "Akala ko po nung una ay suplada siya, yun po pala, napakabait."


Ayon sa seven-year old child star, madaming naituro sa kanya si Tita Coney. "Sabi niya po, simple lang po dapat yung pagsasalita. Huwag po yung parang binasa o yung parang memorized. Tapos di dapat nakakunot yung noo kasi po magiging matanda yung hitsura."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Natutunan ko din po na dapat, diretso maglakad," aniya.


Willing namang matuto mula kay Tita Coney si Xyriel. "Kahit po tapos na po mag-shooting nung mga eksena ko, nanonood pa rin po ako sa kanya."

"Noong una po, nahiya po ako sa kanya. Nung tumagal po, hindi na po," pag-amin ni Xyriel tungkol sa veteran actress.


HONING ACTING SKILLS OF XYRIEL. Dahil sa iisang character ang kanilang gagampanan, kinailangan nilang maghanda nang mabuti.


Kinuwento ni Ms. Coney kung paano niya tinutulungan si Xyriel na magampanan ang younger version ni Anna Manalastas.


"We went through a workshop together. She had to see how I was going to portray Anna Manalastas. So may mga bahagi na sasabihin ko: ’Ah, hindi ganyan magpo-portray si Anna Manalastas.’"

"I’m teaching here how to use her eyes more. Hindi kailangan kumunot ’yung noo pag nagagalit."

"Ang bilis niyang maka-pickup. Hindi naman siya mahirap turuan e. Talagang interesado ang batang iyan. Walang problema," sabi ni Coney.

Bilang mentor na nga ng batang aktres, tinutulungan din ni Coney si Xyriel na maintindihan ang role niya bilang aktres. "Lagi kong pinapaalala sa kanya kung bakit binigyan siya ng Diyos ng talent na ganyan. Kung bakit siya sikat, kung bakit siya kilala. ’May purpose ang Panginoon. Gusto niyang gamitin mo iyan para maging good example.’"

Ngayon lang niya nakatrabaho si Xyriel, at maganda ang feedback ng veteran actress sa kanya. "Namamangha ako sa galing ng batang iyan! She’s only 7 years old, pero nakikita ko yung dedication niya sa trabaho. Parang big playground para sa kanya yung set. Kapag kailangan nang umarte, mag-memorize ng lines, nandoon yung attention niya."

Hindi naman naging mahirap para kay Coney na maka-relate kay Xyriel. "I have a three-year-old and a one-year-old grandson. So lagi akong nakikipag-interact sa mga bagets. Kaya siguro di ako masyadong nahihirapan makipag-interact sa bagets."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

COMPLETELY DIFFERENT ROLES. Naiiba ang role na ito para kay Xyriel. Inihambing niya ito sa pagganap niya sa una niyang fantaserye na Agua Bendita. "Sa Agua Bendita po kasi, doble-kara [ako]. Dito naman po, suplada. Medyo nahirapan po akong maging suplada."

Para naman kay Ms. Coney, "ibang klase, kasi mayroon akong alter ego."


"I treat it the same as any other role that’s offered to me. I want to do my work well. I try to do my homework. I read my script, I try to make my breakdown. I try to see kung saan nanggagaling si Anna Manalastas."


"Kasi ayokong i-portray siya na parang caricature. Ayokong i-portray siya bilang the usual galit-galit. Kasi tao siya na nasaktan. May background siya e, may backstory kung bakit siya ganoon. She was a sweet young girl, she grew up motherless kasi namatay yung mommy niya nung maliit pa siya. She grew up with the father who was very strict, a disciplinarian. She had to fend for herself nang namatay yung tatay niya. The situations in her life made her hard, so naiintindihan natin kung bakit siya naging ganoon."

"Yun yung trabaho ko. Kailangan ipaintindi sa mga viewers kung paano at bakit siya naging ganoon. I hope that I will be successful in portraying that."


Ito ang nagsisilibing pagbabalik ni Ms. Coney matapos ang kanyang pagganap bilang Victoria Amarillo sa teleserye na Ysabella.

LESSONS TO BE LEARNED FROM THE SHOW. Tulad ng inspirational show na May Bukas Pa, ang 100 Days To Heaven ay naglalayong magbahagi ng higit sa entertainment sa mga manonood. "Madami po silang matututunan na aral dito sa kuwento ni Madam Anna Manalastas," sabi ni Xyriel.


Para naman kay Ms. Coney, ito ang mensahe ng kanilang palabas: "Gusto nating ipakita sa mga tao na may pag-asa sa buhay. Nakikita natin, ang daming nangyayari sa paligid natin at sa buong mundo, nakikita nating wala tayong control sa ano mang nangyayari. Only God has complete control over everything. We want to show people that even if you’re going through hardships-ang dami kasing nadi-discourage at nadi-disillusion, sobrang wala nang pag-asa-gusto naming ipakita na may pag-asa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi natin kailangang intayin pa na mamatay tayo. Ngayon, pag-desisyunan natin araw-araw kung ano yung gagawin natin: magtulungan, magpatawaran, magmahalan."

"’Di lang sila ma-e-entertain, you will be encouraged, inspired, makaka-identify at empathize kayo sa iba’t ibang mga characters."

"Gusto lang namin talagang mabigyan ng kaunting hope yung mga tao. Gusto namin mapangiti sila at mapaisip na: may pag-asa pa pala. Hindi pala katapusan ito ng mundo. Puwede palang ma-solusyunan. It begins with you. What you’re going to do, your attitude, kung paano mo ginagawa ang mga bagay-bagay.

"You don’t really have to do much to help other people. Malay mo, yung taong nginitian mo, may ibang klase ang pinagdadaanan. Nung nginitian mo, nagkaroon ng pag-asa. A kind word, an encouraging word can bring so much hope to somebody. Sabi nga, a cheerful smile, a kind word could really bring something good in other people."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN