Oyo Sotto to play Leon the hunter on TV5’s adaptation of Bangis


Oyo Sotto feels sad that he wasn’t able to be part of TV5’s remake of Iskul Bukol. However, he is grateful to be chosen to topbill the TV adaptation of Carlo J. Caparas’ Bangis. Oyo will be paired with Danita Paner (left), who plays an environmentalist in the upcoming TV5 show.


Kamakailan lang ay napabalita na inurong sa Setyembre ang airing date ng Utol Kong Hoodlum, ang remake na pagbibidahan nina JC de Vera at Jasmine Curtis-Smith.

Sa pahayag ng TV5 Vice-President for Entertainment na si Perci Intalan, ito daw ay ginawa nila bilang respeto sa original action star ng pelikula, si Robin Padilla. May ongoing soap opera ngayon si Robin sa rival network na ABS-CBN, ang Guns and Roses. (CLICK HERE for related article)

Pero dahil sa may mga naka-line up silang palabas, hindi nahirapan ang TV5 na humanap ng replacement para sa mababakanteng slot ng Mga Nagbabagang Bulaklak na magtatapos na ngayong Biyernes, June 17.

Ang Mga Nagbabagang Bulaklak ay papalitan ng upcoming fantaseryeng Bangis, na pagbibidahan ni Oyo Sotto at Danita Paner.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Oyo sa set nila sa Bailem, Cavite noong Lunes, June 13, sinabi niyang pang buong pamilya ang programang ito.

"Pambata talaga siya and at the same time pang may edad," sabi ni Oyo, na gaganap bilang isang hunter. Ang kanyang leading lady na si Danita Paner naman ay gaganap bilang isang environmentalist.

LEON THE HUNTER. Sa TV adaptation ng komiks na ito ni Carlo J. Caparas, gagampanan ni Oyo ang karakter ni Leon.

"Leon yung character ko dito, hunter ako," sabi ni Oyo sa PEP.ph.

"Ang pinapatay lang namin yung mga mababangis na hayop. Kasi yung back story ko, yung mga magulang ko pinatay ng buwaya.

"So nagkaroon ako ng galit sa mga buwaya kaya hinu-hunt ko sila tapos pinapatay ko."

Pero kahit naman daw matapang ang kanyang role dito, hindi naman daw ganun sa totoong buhay si Oyo.

"Mukha lang siguro, kasi ang daming nagsasabi sa akin na bago ko sila naging kaibigan ang angas ko daw, ang yabang ko daw.

"Siguro yung mukha ko lang, kasi madalas parang tahimik lang ako, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Hindi naman [ako] suplado, pero hindi ako yung magsta-start ng conversation. So kung kakausapin po ako, sasagot ako, pero quiet lang ako."

Marami aniya ang dapat abangan sa kanilang palabas. Halos hindi raw mae-emphasize ang love story sa palabas na ito, na sa tingin niya ay makakabuti para sa kanila.

"More on adventure talaga [ito].

"’Tsaka, siguro mas maganda na din yun, e. Kasi kung magko-concentrate ka na naman dun sa love story, another soap na naman, e."

ON ISKUL BUKOL. Isa si Oyo Sotto sa mga kinukonsidera dati na maging parte ng remake ng Iskul Bukol. Ang orihinal na bida ng Iskul Bukol ay sina Joey de Leon (tatay ni Keempee de Leon), Vic Sotto (tatay ni Oyo) at Tito Sotto.

Pinatotohanan ito ni Oyo, at aminado itong nanghinayang siya na hindi ito natuloy.

"Sayang talaga kasi ang sarap gumawa ng sitcom, e.

"Minsan mabilis lang yun, e, kahit mag-adlib ka nang mag-adlib basta andun yung comedy n’yo ok, e."

Pero kalaunan daw ay naisip nilang hindi na rin makakabuting sila ang gumanap sa remake ng nasabing palabas.

"Naisip namin, nung movie ng Iskul Bukol kami nag-uusap, na kung ire-remake kasi yung Iskul Bukol, ewan ko ha, para sa akin parang hindi na tama na kami din, e.

"Kasi ginampanan na ng mga tatay namin, e, kung baga naging legend na yung TVJ dahil sa mga ginawa nila dati, Iskul Bukol.

"So kung gagawin naming [yun], parang medyo off na din, hindi na rin maganda kung kami yung nandoon."

Pero kahit hindi natuloy ang pagganap niya sa Iskul Bukol, malaki ang pasasalamt niya sa TV5 na binigyan siya ng isang magandang proyekto.

Kaya naman ang masasabi lang ni Oyo sa oportunidad na binigay sa kanya ng Kapatid network: "Thankful, ’tsaka siyempre grateful din sa TV5, kasi pinagkakatiwalaan nila kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN