Unang milyonaryo sa pagbabalik ng "Kapamilya, Deal Or No Deal"


Kilalanin ang unang milyonaryo sa ABS-CBN show na ito pagkatapos magpahinga ng host na si Kris Aquino (sa larawan) mula sa panganganak.


Isang KTV manager ang unang nanalo ng P1 million sa primetime game show na Kapamilya Deal or No Deal ng ABS-CBN na mapapanood ngayong gabi, July 10, 2007.



Siya si Jennel Montero na nanindigan sa kanyang napiling briefcase at tinanggihan ang offer ni Banker sa halagang P600,000. Siyempre pa, labis ang katuwaan ni Jennel nang buksan na ang briefcase na naglalaman ng P1 million.



"Inilaban ko ang briefcase na napili ko dahil iyon ang numero ng birthday ng asawa ko," galak na sabi ni Jennel.



Ito na ang pinakamalaking napanalunan ng isang studio constestant mula noong bumalik sa ere ang game show ni Kris Aquino noong Hunyo at matapos ang exciting na episode kung saan nanalo sina Coney Reyes at Aiza Seguerra ng higit sa P700,000 noong isang linggo.



Ayon kay Jennel, pangarap niya talaga ang manalo upang mabigyan ng sariling tahanan ang kanyang pamilya. Sa sobrang kagustuhang matupad ito, hindi niya ininda ang hirap at pumila ng alas sais ng umaga sa ABS-CBN compound at sinuwerte namang napili bilang studio contestant.



"Kahit pa nga hindi financially ang reward wala pa rin katalo-talo sa Kapamilya Deal Or No Deal. Masarap yung experience ng pagiging studio contestant. At sobrang saya ang hatid ng show sa mga tao. Dito nga sa amin, malalaman mo ‘pag Deal Or No Deal na kasi talagang maingay at lahat nag-te-text," ang masayang kuwento pa ni Jennel matapos manalo ng P1 million.



Itinaas na ng game show ang top prize sa P3 million na maaaring mapanalunan ang isang studio contestant. Maaari ring manalo ang mga manonood hanggang P1.5 million gabi-gabi sa pamamagitan ng Ka-TEXT, Deal Or No Deal promo ng naturang programa.



Mapapanood ang Kapamilya Deal Or No Deal mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN primetime bida pagkatapos ng Ysabella.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN