Carmina Villarroel returns to acting via GMA-7’s afternoon drama series Pahiram ng Isang Ina


After years of being a host, Carmina Villarroel returns to acting via GMA-7’s afternoon drama series titled Pahiram ng Isang Ina .


Maaari nga bang mahiram ang pagmamahal ng isang ina?

Ito ang tanong ng pinakabagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Pahiram ng Isang Ina.

Ito’y kuwento ni Emily (Carmina Villarroel), isang negosyanteng mapapalapit ang loob sa mga ulilang sila Berna (Bea Binene) at Andoy (Martin delos Santos), na makakahanap ng pag-aaruga ng isang ina sa kanya.

Dahil sa mapait na nakaraan, hirap magtiwala sa ibang tao si Emily, kaya naman iilan lang ang kanyang pinagkakatiwalaan. Isa na dito ang pinsan niyang si Andrea (Maxene Magalona).

Laging nakahandang tumulong at umalalay sa kanyang pinsan si Andrea, na siya namang hindi maintindihan ng kasintahan nitong si Ryan (Marco Alcaraz).

Pero nang malagay sa panganib ang buhay ni Emily, ang magkapatid na Berna at Andoy ang tumulong sa kanya, na umabot pa sa pagkataong nagpanggap silang mga anak nito.

Una’y tutol si Andrea sa ginawang ito ng magkapatid, ngunit nang magbalik ang sakim sa pera ng dating asawa ni Emily na si Johnny (Antonio Aquitania) at anak nitong si Luke (Jhake Vargas), pumayag na siyang magpanggap sila Berna at Andoy upang hindi magtagumpay si Johnny.

Gayunman, hindi hahayaan ni Johnny at ng kanyang nobyang si Eloisa (Bubbles Paraiso), na mahadlangan ang kanilang planong makuha ang kayamanan ni Emily.

Ngunit sa oras na gumaling si Emily, kailangan niyang alamin kung sino ang karapatdapat sa kanyang tiwala: ang magkapatid na Berna at Andoy ba, o ang mag-amang Johnny at Luke?

Iyan ang isa sa mga katanungan sasagutin sa pagsisimula ng Pahiram ng Isang Ina sa Lunes, August 15, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Ilan pa sa mga kasama sa drama series ay sina Tony Mabesa, Jim Pebangco, Shyr Valdez, Rita Iringan, Mike Magat, at Ama Quiambao; sa direksyon ni Direk Joel Lamangan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN