AJ Muhlach and Nadine Lustre to star in TV5’s reprise of P.S. I Love You


AJ Muhlach and Nadine Lustre feels honored, excited and happy with the big project given to them by TV5 and Viva Entertainment.


Masayang-masaya ang tambalang AJ Muhlach at Nadine Lustre dahil pagbibidahan nila ang upcoming primetime show ng TV5, ang P.S. I Love You.

Ang show na ito’y pagpapatuloy ng kuwento nina Mark at Kristine mula sa popular 80’s film nito, na pinagbidahan nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Nadine at AJ kanina, September 16, sa Viva Office sa Tektite Building, Mandaluyong City.

Para kay AJ, matinding excitement at kaba ang naramdaman niya nang ibigay sa kanya ang proyektong ito.

"Kinakabahan ako kasi siyempre ibang ano ’to, e, ibang-iba sa Bagets, di ba?

"So, ’tsaka ma-drama na ’to, mga makaka-trabaho ko, talagang magagaling, beterano na."

Samantala, para kay Nadine, isang malaking karangalan naman na ipagkatiwala sa kanya ang ganito kalaking proyekto.

"Parang it’s an honor na makasama, na trusted ako na... na trusted ako ng Viva to give me this project, and masaya ako and excited."

THE PRESSURE. Bagama’t excited, masaya, at honored and dalawa na mabigyan ng ganitong kalaking project, aminado silang malaki ang expectation sa kanila ng mga tao.

Ang pressure na makipagsabayan sa mga beteranong artista ang inaalala ni Nadine.

Aniya, "Siyempre may pressure for me kasi, ahm, kasi P.S. I love You, di ba, tumatak yun, e.

"So, lahat ng mga tao, makikita nila yung mga kasama ko magagaling umarte, e, ako kasi kaka-start ko lang po sa acting.

"So, nape-pressure po ako kasi baka yung mga tao sabihin nila, ’Ay, hindi naman marunong umarte,’ so yun po."

Para naman kay AJ, mas pinili niya na tignan ang oportunidad na ito bilang isang achievement sa kanyang showbiz career.

"In a way may pressure siya, kaya lang mas ano, e, mas proud ako na pinili ako ng Viva [Entertainment] na ako yung gumanap sa role na ’to," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tsaka, siyempre maging dad ko siya [Gabby Concepcion].

"Isa na ’to sa mga achievements ko na makatrabaho yung isa sa mga pinakasikat na artista."

Kaugnay nito, inalam ng PEP.ph kung sino ba sa mga artistang kasama nila ang pinakahihintay nilang maka-eksena.

Ang pangalang Gabby Concepcion at Dina Bonnevie ang isinagot ng dalawang young stars.

Sinabi ni AJ, "Siyempre excited din ako kasi gusto ko na ma-meet si Mr. Gabby Concepcion.

"Kasi hindi siya nakasama ngayon sa story conference, so mas lalo akong na-e-excite.

"Parang gusto kong magpapaturo ako sa kanya umakting, ganun, kung paano ba yung ginagawa niya."

Habang si Nadine naman, "Siyempre po kay miss Dina Bonnevie ’tsaka kay sir Gabby Concepcion.

"Kasi big stars na, e, parang masaya ako though pressured at the same time na makatrabaho sila.

"Kasi, siyempre, kilalang-kilala na sila, ’tas ako nagsa-start pa lang.

"So, yun po I’m excited po, really excited na makatrabaho sila."

Sina Robert Cabral at Elaine Lozano ang mga direktor para sa P.S. I Love You, na nakatakdang i-ere Nobyembre ng taong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN