Richard Gomez heads to Malaysia to tape TV5’s The Biggest Game Show in The World-Asia


Richard Gomez will tape The Biggest Game Show in The World-Asia in Kuala Lumpur, Malaysia.


Lumipad na noong Sabado, October 29, bandang alas tres ng hapon patungong Kuala Lumpur, Malaysia si Richard Gomez para sa gagawing taping ng pinakabago at pinakamalaking game show ng TV5, ang The Biggest Game Show in The World-Asia.


Ang nasabing show ay pangungunahan ng apat sa naglalakihang TV networks sa Asia: ang RCTI ng Indonesia, Kantana ng Thailand, VTC9 ng Vietnam at TV5 naman para sa PIlipinas.

Kaya naman ng makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa NAIA 1 bago siya tumulak pa-Malaysia, masaya siya at ipinagmamalaki ang pagkapili sa kanya ng TV5 para maging host ng show. Aniya, "Parang it seems like ako yung magho-host ng show na ’to [for the Philippine team], kasi iba’t ibang bansa ang maglalaban, e, for the team Philippines meron tayong 30 participants, mag-lalaban laban, matira ang matibay."

"For every country meron silang host, so pinagsama sama nila ang iba’t ibang bansa dun may kanya kanya kayong show na ginagawa, inside that game show, labu-labo ’to kaya masaya."

Patuloy pa ni Goma (palayaw ni Richard), "Malaki yung set up dun, kasinglaki siguro ng Rizal Memorial Complex ang sports arena ng Malaysia. Gagawin sa Kuala Lumpur [ang taping]."

Apat na bansa ang maglalaban-laban para sa iisang goal, at kasabay nito, lumipad na rin kahapon via Diosdado Macapagal Airport ang 3o participants ng Pilipinas. Kabilang sa kanila ang isang indie actor, dalawang reality show graduates, iba’t ibang modelo at isang miyembro ng all male group.

KAPATID O KAPAMILYA?


Inusisa na rin ng PEP.ph si Goma kung totoong pumirma siya ng exclusive contract sa ABS-CBN. Pero paglilinaw ng TV host-actor, "Nasa TV5 pa rin ako, I have The Biggest Game Show, Talentadong Pinoy, but I’m doing a soap sa ABS-CBN. I’m doing a show contract, with ABS-CBN, not a talent contract na exclusive, kasi I can’t sign an exclusive contract with ABS-CBN, kasi meron pa akong shows sa TV5."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy pa niya, "Wala, I’m doing a soap for ABS-CBN, Walang Hanggan, kasama si Dawn Zulueta, hanggang dun muna."

Inusisa din namin sa kanya ang pagkakaroon niya ng malalaking show sa dalawang malalaking network, kung paano niya ito hina-handle. Sagot niya, "Hindi naman conflicting yung mga shows. Kinausap ko muna ang management natin dito sa TV5, sabi ko tingnan ko anong plano nila for a drama shows. I think nahirapan sila sa programming sa gabi, so ang schedule nila matagal pa, so ang sabi ko sa kanila, is it possible if I explore doing a show sa ABS-CBN. Sabi nila go ahead, ang bait naman ng TV5, e. For as long as hindi conflicting ang shows, okay lang."

MISSING LUCY TORRES AND JULIANNA.

Matagal-tagal mamamalagi si Goma sa Malaysia dahil dun kukunan ang buong season ng show kaya naman itinanong na din naming kung paano siya nagpaalam kay Julianna, ang kanilang unica hija ni Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

Pag-amin niya, "Alam mo galing ako ng Ormoc, pero kagabi sinabi ko kay Julianna, I’ll be gone for quite a while, hindi mo muna ako makikita, pero sinabi ko na meron namang i-chat at Skype, e, kaya puwedeng magkita gabi gabi."

"I think the beauty of technology now is that it brings us closer together, dati kasi puro telepono lang, sulat sulat, with your loved ones, ngayon, basically wala ka dun pero nagkikita pa rin kayo kaya nababawasan ang pagka-miss sa mga loved ones."

Kay Lucy naman nagkausap naman daw sila ng masinsinan bago siya lumipad papuntang Kuala Lumpur. "Kagabi ang tagal naming nagkukuwentuhan sabi ko medyo matatagalan ako kaya pagbalik ko exciting na naman. Hahaha!"

Sinundan naman namin ng tanong na pagbalik niya baby number 2 na kaya ang mabuo? Sagot niyang may halong tawa, "Sana nga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN