Dina Bonnevie paired with Gabby Concepcion; feels challenged to portray a "weak" character in TV5 teleserye


Dina Bonnevie (in photo) is paired once again with Gabby Concepcion in TV5’s sequel of P.S. I Love You,. It will air its pilot episode on November 21, after Glamorosa.


Nag-alangan noong una ang aktres na si Dina Bonnevie na tanggapin ang role na Kristine sa ginawang sequel teleserye ng TV5 sa pelikulang P.S. I Love You.

Ang karakter kasi na ito’y unang ginanapan ni Megastar Sharon Cuneta, kasama ang kanyang real life love team na si Gabby Concepcion—ang gumanap na Mark sa nasabing pelikula na pinalabas noong 1981.

Si Gabby pa rin ang gaganap sa naturang role sa ginawang sequel na ito.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Dina noong Miyerkules, Nobyembre 16, sa presscon ng P.S. I Love You na ginanap sa Renaissance Tower, sa Ortigas, Pasig City.

"Ako, for me no’ng una akong sinabihan ako ’yong gaganap sa role ni Sharon, medyo natakot ako kasi baka hanapin ng tao ’yong Sharon-Gabby [love team]," pag-amin niya.

"But actually it’s a sequel na hindi naman siya totally ’yong P.S. I Love You dati.

"Ngayon maganda ’yong twist na hindi pala sila nagkatuluyan ni Mark. Marami, maraming twists."

CHALLENGING ROLE. Masaya si Dina dahil sa kanya ipinagkatiwala ang role na ito ni Kristine.

Gayunman, naging challenge sa kanya ang pagganap dito dahil na din sa mga nakasanayan niyang roles noon.

Paliwanag niya, "Medyo nahirapan lang ako kasi most of my roles, medyo bida-kontra bida ako, here parang medyo weak.

"Later on siguro magbabago ’yong character ko, but I already adjusted. In the beginning nahirapan ako kasi I’m really used to play power-woman roles, so, biglang helpless.

"On the first few scenes, nakikita ko si Dina, si Kristine ito and Kristine is weak. So, medyo nahirapan ako na I have to keep remembering that Kristine is weak."

At dahil nga "weak" ang karakter ni Kristine, karamihan sa mga scenes na kinukunan kay Dina ay umiiyak siya.

Pero, dahil sa role na ito’y nadiskubre niya ang iba pa niyang kakayahan bilang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya, "Actually nahirapan ako kasi nga sabi ko kay Boss [Vic], ’boss, ang dami ko nang ginawang soap, pero itong soap lang ang sobrang, kung hindi siya near insanity parang nervous breakdown naman, iyak ng iyak, kung hindi naman sobrang fear.’

"Sabi ko, it’s a new horizon that I’m trying to discover here, sabi niya, ’ayaw mo ’yan magiging wider ang range ng acting mo, hindi lang ’yong mga normal roles na ginagawa mo kundi may kakaiba.’

"Pero, ’yon nga nadi-discover ko na ’yong gano’ng klase nang breakdown na soft, ’yong talagang hindi si Dina ’to.

"Maganda, pero this is really hard. Siguro, this is one of my hardest soaps, mahirap siya, hindi madali ’yong role."

WORKING WITH GABBY. Matapos ang mahabang panahon ay ngayon lamang muli magkakatrabaho sina Dina at Gabby.

Isa kasi sa mga sumikat na pinagbidahan nila noon ay ang Katorse (1891), kasama ang pumanaw na nobyo noon ni Dina na si Alfie Anido.

Kinuwento ni Dina sa PEP.ph na malaki na ang pinagbago ni Gabby pagdating sa pag-arte. Hindi tulad noon, mas seryoso na daw ito sa pagpo-portray ng kanyang karakter.

"Well, Gabby is more matured in his acting now," komento ni Dina.

"Siyempre no’ng Katorse puro teeny bopper lang kami, puro pa-cute, but he’s still the malokong Gabby.

"I remember when we were doing Katorse, Alfie [Anido] was the serious one and Gabby was the playful one.

"Now, I can say na nagbago na si Gabby, talagang seryoso na sa acting, ’pag nakita niya ako umiiyak na, marunong na siya magpa-teary eyed, whereas before, hindi mangyayari ’yon kasi lagi siyang naglalaro.

"I think he’s matured na rin as a person kaya gano’n."

Ang iba pang cast members ng sequel ng P.S. I Love You ay sina AJ Muhlach, Nadine Lustre, Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Candy Pangilinan, Cheska Iñigo, Michael Flores, Say Alonzo, Jaycee Parker, Melissa Mendez, Nikki Bacolod, Al Chris Galura, Sarah Polvereni, at Cogie Domingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay co-produced ng TV5 at Viva TV, sa direksyon nina Robert Quebral at Elaine Lozano. Mapapanood ang P.S. I Love You simula ngayong Lunes, Nobyembre 21, pagkatapos ng Glamorosa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN