Maja Salvador says Jason Abalos is a better kisser than Patrick Garcia


When asked to name who is the better kisser between Jason Abalos (left) and Patrick Garcia (right), Maja Salvador admitted: "Yung kay Patrick, smack-smack lang, wala pa kaming torrid. Yung kay Jason, bigay-todo kaagad. Kasi ganun yung character, e. ’Pag kay Patrick, pa-sweet ako, pa-virgin; ’pag kay Jason, bigay-todo. As of now, sorry Patrick, pero kay Jason ako."


Ngayong 2012, muling magbabalik ang bagong installment ng Precious Heart Romances series, ang Lumayo Ka Man Sa Akin. Ito ay pagbibidahan ni Maja Salvador at Jason Abalos kasama ang nagbabalik Kapamilya na si Patrick Garcia bilang kanilang ka love-triangle.

Huling napanood si Patrick sa ABS-CBN sa teleseryeng Kampanerang Kuba at Darating Ang Umaga limang taon na ang nakakaraan. Ito rin ang pagbabalik telebisyon ni Ina Raymundo na ngayon lang nagbabalik showbiz matapos magdesisyong huminto saglit para pagtuunan ang pamilya.



SYNOPSIS. PHR presents Lumayo Ka Man Sa Akin follows the struggles of Janine del Castillo, a young woman who is on the verge of repeating her mother’s mistake as she chooses between two different paths of love. Despite having a good life, Janine still feels something missing in her life. She may be beautiful, smart, rich, and engaged to handsome and accomplished lawyer Matthew De Vega (Patrick Garcia), but she feels incomplete as she longs for her biological mother.



One day, her dad finally reveals the truth about her mom and how she was borne of an illicit love affair. When Maurice (Ariel Rivera) met Consuelo (Ina Raymundo), he wasn’t aware that she was married to another man. Maurice was left with no choice but to take care of Janine when Consuelo had to go back to her real family.



Upon learning the truth, Janine began her search for her mom and find the answers herself. But along the way, she will meet Jake Falcon (Jason Abalos), a gorgeous, young hunk who will make her think twice about marrying Matthew. The two will share romantic and intense moments together that will complicate things for Janine.



In the end, how will Janine decide? Who should she choose: Matthew, the man who is right for her or Jake, the man whom she truly loves? Will Janine commit the same mistake that her mom did in the past?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Precious Hearts Romances presents Lumayo Ka Man Sa Akin will start airing this Monday, January 23, weekday afternoons after Pinoy Big Brother Unliday on ABS-CBN.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang mga bida ng teleserye sa presscon na ginanap kamakailan.



Ano ang karakter mo dito sa teleserye?

MAJA SALVADOR. "Ako po si Janine Del Castillo dito. Isa akong interior designer, perfect wife material. Si Janine kasi ay naghahangad ng isang maganda at perpektong pamilya, lahat ginagawa niya para mapansin at mapamahal sa tatay nya. Nabuhay siya na sa pagaakala niya ay wala na siyang nanay, pero yun pala, sa pagsisimula ng journey ni Janine ay malalaman niya na buhay pala yung nanay niya, dun niya mas makikilala yung sarili nya, dun niya uumpisahang kumpletuhan yung pagkatao niya."

How would you compare your kissing scene with Patrick Garcia at Jason Abalos? Sino ang best kisser sa dalawa?

Maja: "Yung kay Patrick, smack-smack lang walang torrid, yung kay Jason, todo bigay na kaagad, e. Kasi ganun yung character niya, e, kasi yung kay Patrick pa sweet ako, pa virgin; pag kay Jason, bigay todo. As of now, yung masasabi kong better kisser, sorry Patrick (sabay tingin kay Patrick) si Jason yung better kisser. (sabay tawa) Pero in fairness kay Patrick nakakarami siya ng kiss sa neck ko pero hanggang dun lang. Di pa siya tumotodo sa lips. Pinaka-aabangan ko po yun. Hahaha!"

Anong lesson ang mapupulot ng mga manunuod dito pag pinanuod nila itong bago ninyong teleserye?

Maja: "Dito po, ipakikita naming lahat ng pwedeng mangyari sa pag ibig, tama man o mali, mangyayaring mangyayari talaga. Pag tumibok na kasi yung puso mo ay di mo na mapipigilan kung mali man yung nararamdaman mo or tama,pag pag-ibig na yung pinag-uusapan, wala ka nang kawala."



JASON ABALOS. "Ako rito si Jake Falcon. Isa akong self-made man na may mga pinagdaanan sa buhay na hindi niya tanggap, kumbaga nangako siya sa sarili niya na kahit anong mangyari ay hindi na siya masasaktan uli dahil sa pag-ibig. Sa istorya nito parang lahat ng relasyon sa kanya ay laro lang, hanggang sa makilala nya si Janine."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kamusta ka trabaho si Maja sa teleseryeng ito? Pang ilang tambalan n’yo na ito?

Jason: "Nakaka excite ka trabaho si Maja, although maraming beses na kaming magkatrabaho. Ito siguro yung pangalawang pinakamalaki kasi yung isa ay yung Nagsimula sa Puso. Ako kasi lagi akong nae-excite na katrabaho si Maja, e, kasi si Maja tuwing makikita at nakakatrabaho ko laging may bago sa kanya. Meron akong natutunan. Masasabi ko ring pinaka daring work ko to with Maja."

Paano mo pinaghandaan yung role mo rito? Especially may mga topless scene ka rito na pinakita dun sa trailer na pinakita mo ang abs mo?

Jason: "Hindi ako handa nang i-shoot namin yun. Di ko alam na may scene na ganun that day. Sobra nila akong pinilit on that scene. Kinailangan talaga sa eksena that day, e, kaya di na ko nakapaghandang mag workout that time."

Kamusta ka trabaho si Patrick Garcia?

Jason: "Na eexcite ako para sa kanya, eto kasi ang pagbabalik niya sa ABS-CBN, kumbaga nakikita ko yung eagerness niyang magtrabaho ulit. Ako kasi pag nabakante rin ako ng matagal parang pagbalik ko, andun yung eagerness kong magtrabaho uli, yung gigil ko andun, e. Yung kay Patrick, ganun yung naramdaman ko."

PATRICK GARCIA. "Ang role ko rito ay si Matthew De Vega, isa business lawyer na in love sa character ni Maja na si Janine. Ang hangad ko lang ay magkaroon ng perfect life with the perfect family na kumpleto. At nakikita ko yung perfect family na yun being a wife kay Janine."

Kamusta ka trabaho si Maja?

"Ok naman, masaya! Full of energy at hindi siya boring."

Sinabi mo na nakatrabaho mo na siya before. Paano mo ikukumpara si Maja before sa Maja ngayon? Ano yung pagbabagong nakita mo sa kanya?

"Halos wala naman pero mas mature siya ngayon."

Kamusta naman ka trabaho si Jason?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes. It’s my first time to work with Jason. Pero hindi pa kasi kami nagkakaroon ng eksena together, so wala pa akong masyadong masabi sa kanya."

Ano yung aabangan ng mga manonood dito kay Patrick Garcia sa teleseryeng ito?

"Siguro, yung mas mature role, yun, more of kissing scenes. A little bit more sensual."

Kasama rin nina Maja, Jason at Patrick ang ibang artista tulad nina Ina Raymudo, Ina Feleo, Ariel Rivera, Kathleen Hermosa,Toby Alejar, Mico Palanca, Bettina Carlos at John Arcilla.

Mapapanood ang Precious Hearts Romances presents Lumayo Ka Man Sa Akin simula ngayong Lunes (January 23) pagkatapos ng Pinoy Big Brother Unliday sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN