Carlo Aquino vs. Jason Abalos for Maja Salvador's heart?

IMAGE 0


Carlo Aquino (right) has admitted that he is courting young actress Maja Salvador (center), but Jason Abalos (left) is reportedly also coming into the picture.


"Mukhang may tulog," ito ang binitawang statement ng isa sa malalapit na kaibigan ni Maja Salvador tungkol sa napapabalitang panunuyo ni Carlo Aquino sa dalaga.

May mapagkakatiwalaang source na nagsabi sa amin na kahit na nga pursigido si Carlo sa panliligaw nito kay Maja ay tila magkakaroon ito ng problema sa ilang mga taong malalapit sa young actress.

"Medyo hindi kasi marunong mangilala si Carlo. Nakukulangan kami sa effort niya. Tuloy nagiging kuwestiyon sa amin ang sincerity ng kanyang motive," tsika ng source namin.

"Ano naman kasi ang mga efforts na sa tingin nila ay hindi pumapasa sa kanilang panlasa para kay Maja?" ganting tanong naman namin.

"Well, dala siguro ng kanyang nakagawian na sa ibang mga niligawan niya, mas marami pa kaming naririnig sa mga showbiz balita kesa sa mismong nakikita namin siyang manligaw sa dalaga namin. Tawagin na nating old-fashioned kami, pero iba pa rin kapag marunong magpakilala ng kanyang intensyon ang isang binata, 'di ba?" sagot ng aming source.

Nang minsan naming makapanayam ang dating girlfriend at ngayo'y close friend pa rin ni Carlo na si Angelica Panganiban, kinumpirma ng dalaga na sa pagkukuwento ng binata sa kanya ay si Maja na nga ang bagong pinopormahan nito.

"Of course, boto ako kay Maja para kay Carlo," sabi ni Angelica sa amin.

Subalit nang aming sabihin na tila mas mahigpit na karibal ni Carlo ang young actor na si Jason Abalos—being the more likeable and seemingly friendly to Maja's relatives—napangiti na lang ang dalaga. Friend din niya kasi ang binata dahil bukod sa twice na niya itong naging leading man (TV and movie) ay may open communication din sila.

Ang ka-loveteam ni Maja na si Jason nga ang tila mas gustong i-push ng mga nasa paligid nila for the simple reason na mas okay raw ito sa kanilang panlasa at mas bagay sa dalaga. In fact, ang mismong tiyuhin ni Maja na si Phillip Salvador ay consistent sa pagbibigay ng magagandang paglalarawan sa binata, at sa katunayan ay kabilang ito sa isang basketball team na pinamumunuan ng Daddy Ipe ni Maja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, sa Carlo versus Jason over Maja, bakit hindi natin tanungin ang mismong dalaga kung sino sa tingin niya ang mag-a-advance sa semis ng puso niya? Abangan!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN