Maja Salvador gets her biggest break via "My Kuya's wedding"

Apr 10, 2007
Young actress Maja Salvador plays the lead role in Regal Entertainment's My Kuya's Wedding.

Tuloy na tuloy na ang paggawa ni Maja Salvador ng kanyang first major movie mula sa Regal Entertainment. Ito ay ang My Kuya's Wedding kung saan makakasama niya sina Ryan Agoncillo, Pauleen Luna, at Jason Abalos.

Si Ryan ang gaganap na kanyang kuyang ikakasal, si Pauleen ang bride, at si Jason naman ang love interest ni Maja.



April 17 ang target first shooting day ng My Kuya's Wedding na ididirek ni Topel Lee. Ito ang third movie ni Direk Topel na nagdidirek na ng TV commercials. The first being the "Yaya" episode ng Shake Rattle & Roll 8 na lahok ng Regal sa December filmfest last year at ang ipalalabas pa lang na Ouija ng GMA Films at Viva Films starring Judy Ann Santos and Jolina Magdangal.

Hot na hot nga ang career ngayon ni Maja. Recently, magkasunod siyang nanalo as best new actress sa Golden Screen Awards ng Enpress at sa Star Awards for Movies naman ng PMPC.

Continue reading below ↓



Last year inilunsad ng Star Cinema ang loveteam nina Maja and Jason via First Day High, kung saan kasama rin sina Geoff Eigenmann, Gerald Anderson, and Kim Chiu.



But this time, si Mother Lily Monteverde ng Regal ang susugal with My Kuya's Wedding na positibo ring tatangkilikin ng fans, gaya ng mainit na pagtanggap ng moviegoers sa Happy Hearts na pinagbidahan naman nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz, na like Jason and Maja, are also ABS-CBN talents.



Ang mangyayari'y mauuna palang gawin ni Ryan ang My Kuya's Wedding bago yung sa kanila ng kanyang girlfriend na si Juday na pamamahalaan naman ni Direk Joel Lamangan.



Samantala, hindi lang sa movies at TV hataw ngayon si Maja. Siya ang ipinalit kay Claudine Barretto bilang female endorser ng Folded & Hung.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actress Maja Salvador plays the lead role in Regal Entertainment's My Kuya's Wedding.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results