Why Maja Salvador turned down Carlo Aquino after 3 months

IMAGE 0


"Pag may boyfriend ka, dapat alam mo ang limitations mo, alam mo kung hanggang saan lang," says Maja Salvador.


Pinagtatakhan ng marami kung bakit pinaabot pa ng young actress na si Maja Salvador ang tatlong buwan bago ito nagdesisyong i-turn down ang panliligaw sa kanya ni Carlo Aquino. Kung wala talagang pag-asa ay diniretso na lang daw sana ni Maja si Carlo na wala itong maasahan sa kanya. Sa paningin ng iba ay lumalabas na pinaasa lang ng dalaga ang binata.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Maja last Sunday sa ASAP '07 at dito ay nagbigay siya ng paliwanag sa ginawang desisyon.



"Hindi ko naman kasi alam na nanliligaw na pala siya, akala ko magkaibigan lang kami. Ayoko namang mag-assume na porke't nagte-text sa akin ang isang lalake, sasabihin ko na agad na nanliligaw siya sa akin. Baka sabihin naman, nagpi-feeling ako, di ba? For me kasi, kung nanliligaw ka ba o hindi, bahala na lang sila. Basta ako nakikisama lang ako nang maayos," paliwanag niya.



May mga kuwentong lumabas na ang closeness daw nina Maja at Angelica Panganiban, na ex-girlfriend ni Carlo, ang ikinunsidera ni Maja kung bakit nagdesisyon siya na bastedin ang young actor.

Ano ang masasabi ni Maja rito?



"It's not her, but ‘yong pagpapahalaga ko sa career ko," paglilinaw ni Maja. "Wala akong year na maibibigay kung kailan ba ako puwedeng mag-boyfriend. Kahit ngayon puwede, kaya lang, ‘yong set of priorities ko kasi ang iniisip ko.



"Pag may boyfriend ka, dapat alam mo ang limitations mo, alam mo kung hanggang saan lang. Right now kasi, 80 percent ang ibinibigay ko sa work, 15 percent sa family at sa sarili ko, at five percent na lang ang maibibigay ko sa lovelife ko kung saka-sakali."

Paliwanag pa ng rising young actress, "Ayokong sirain ‘yong opportunities at tiwalang ibinibigay sa akin ng Star Magic, ng ABS-CBN, Star Cinema, at iba pang movie outfits."



Marami ang humuhula na sa ganda ng itinatakbo ng career ni Maja ay maaaring sundan niya ang yapak ni Claudine Barretto. Regular siyang mapapanood sa ASAP '07 at magsisimula na rin siyang mag-taping para sa bagong soap opera ng ABS-CBN, ang Pangarap Na Bituin. Sa pelikula naman ay kasalukuyan niyang ginagawa ang My Kuya's Wedding para sa Regal Entertainment, kung saan kasama niya sina Ryan Agoncillo at Pauleen Luna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN