Carlo Aquino talks about Angelica Panganiban and Maja Salvador

IMAGE 0


"Alam ko naman na masaya na siya ngayon sa lovelife niya. Kung saan naman siya masaya, masaya rin po ako para sa kanya," says Carlo Aquino about ex-girlfriend Angelica Panganiban. The ex-couple was together for three weeks in the US for a series of shows.



Last September 3 ay nag-celebrate ang young actor na si Carlo Aquino ng kanyang 22nd birthday. Ayon sa Viva star, nag-dinner lang daw sila sa bahay kasama ang kanyang bandmates sa bandang Kollide.

Pero bago ang kanyang kaarawan, nag-spend ng halos tatlong linggo si Carlo sa Amerika kung saan nagkaroon siya ng shows kasama ang dating ka-loveteam at girlfriend na si Angelica Panganiban.



"Okay po yung naging show namin. Masaya kasi ang sarap mag-perform sa mga Filipino sa US dahil ramdam na ramdam mo ang saya nila at saka yung pagkasabik nila sa mga Pinoy artists. Lalo na noong nasa Chicago po kami," masayang kuwento ni Carlo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ipinatawag na presscon for Viva Artist birthday celebrants sa buwang ito.



Kumusta naman silang dalawa ni Angelica sa US?



"Okay naman po kami ni Angel," sagot ni Carlo. "Magkaibigan naman po kaming dalawa. Matagal na naman kaming kahit wala na yung relationship, magkaibigan pa rin naman kami. Saka nagkaroon din kami ng chance na parang nag-reunion kami ng ibang barkada namin, like si Ketchup [Eusebio]."



Wala bang nanumbalik na feelings?



"Ay, wala na po!" bulalas niya. "Alam ko naman na masaya na siya ngayon sa love life niya. Kung saan naman siya masaya, masaya rin po ako para sa kanya."



Hindi na ba siya nakakaramdam ng kahit konting selos, especially kapag may mga times na magkasama silang dalawa tulad noong nasa US sila, pero ang kausap naman ni Angelica sa telepono ay ang boyfriend nitong si Derek Ramsey?



"Wala po," sagot niya. "Tsaka halos ang ginawa ko naman po sa Amerika, natulog! Kapag nasa sasakyan kami papunta ng ibang lugar, tulog ako. Para po kasing nag-a-adjust pa yung katawa ko sa time dun. Kaya nung nakapag-adjust na ko, wala na, tapos na, pauwi na sila.



"Ako po kasi, nag-spend pa rin ako dun ng one week and a half. Nagpunta po ako ng Maryland dahil nandoon naman yung iba kong tito," lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Kumusta naman ang pakikitungo nila ni Derek sa isa't isa?



"Hindi pa po kasi kami magkakilala ni Derek," sabi ni Carlo. "Never pa kaming nagkasama or na-introduce sa isa't isa. Kami naman ni Angel, hindi naman po namin siya napagkukuwentuhan."

ZERO LOVE LIFE. When it comes to Carlo's love life, talagang sa ngayon daw ay zero ito. Wala raw siyang bagong nililigawan or girlfriend kaya.



"Wala, e, wala talaga. At saka parang ayoko rin namang maghanap. Kung meron na lang. Pero ngayon, okay lang naman na wala. Iyon nga lang, minsan kasi, parang ang hirap din gumawa ng kanta. Siyempre, iba kapag may inspirasyon ka, mas madaling makapag-create ng kanta."



Masasabi rin naman daw ni Carlo na tapos na rin ang chapter ng panliligaw niya kay Maja Salvador. Siya ba yung tumigil or pinatigil siya?



"Pinatigil po ako," pag-amin ni Carlo. "Si Maja po mismo yung nagsabi na huwag na lang daw, huwag muna. Hindi ko lang po alam kung may nagsabi sa kanya. Pero sabi naman po niya sa akin, lahat naman daw kasi pinatigil muna. Kumbaga, career muna talaga yung dapat niyang harapin."



Ano ang naging pakiramdam niya nang sabihin sa kanya ni Maja na tumigil na siya sa panliligaw?



"Wala naman po akong magagawa. Pangit naman yata kung ipagpipilitan ko pa rin ang sarili ko kung ganung sinabihan na nga ako na itigil na lang muna," sabi ng young actor.



Given the proper time, may balak ba siyang ligawang muli si Maja?



"Ewan ko lang, hindi ko pa alam. Hindi muna siguro sa ngayon," sagot ni Carlo.



SHOWBIZ CAREER. Career-wise, may ipapalabas daw siyang independent film by next year, ang Karne. Pero other than that, wala pa raw siyang ibang projects tulad ng TV show or movie.



"Wala pa nga, e. Nananawagan nga ako," natatawang pagbibiro pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Aware daw si Carlo na sa dami ng artista ngayon, masuwerte na rin basta meron kang kahit isang regular show sa telebisyon.



"Ako, kung may taping ako, let's say three times a week, para sa akin okay na ‘yon. Suwerte na rin ‘yon dahil sa dami nga ng mga artista ngayon," aniya.



Ang huling regular show ni Carlo ay ang Sine Novela na Sinasamba Kita sa GMA-7. If ever daw ay wish ni Carlo na makagawa muli ng soap opera. Since Viva artist naman siya, hindi rin tali si Carlo sa isang network lang. Puwede siyang lumabas sa ABS-CBN o sa GMA-7.



Hindi rin itinanggi ni Carlo na nami-miss niya ang panahon na halos sunud-sunod ang mga pelikulang ginagawa niya na halos lahat ng roles niya ay pang-award.



"Oo! Sobrang nakaka-miss ‘yon," pag-amin niya. "Siyempre ang sarap na yung mga ginagawa mong pelikula, alam mong halos lahat ng character na ginagampanan mo, may highlight na pang-award talaga.



"Pero ganun talaga. Ngayon naman, kahit paano, nabibigyan pa rin ng magagandang projects, mostly sa independent films. Busy rin naman ako sa banda naming Kollide. Nang magpunta ako sa US, nagdala rin ako ng ilang copies ng album, marami-rami rin ‘yon at nabili namang lahat," saad ni Carlo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN