Maja Salvador reveals her choices for leading men

IMAGE 0


Given a choice, young actress Maja Salvador prefers the following young actors as her leading men: John Prats, John Wayne Sace, and Jason Abalos.



Last Sunday, November 11, ay ni-launch na sa ASAP ‘07 ang album ng ABS-CBN soap opera na Pangarap na Bituin, kung saan ayon kay Maja Salvador ay meron silang duet ng kapareha niya ritong si Jay-R Siaboc. Kaugnay nito, napabalita na tila nagpaparamdam na kay Maja si Jay-R, pero sinabi ng young actress na ni hindi nga raw niya masasabing nagte-text-an man lang sila ng singer.



Pero hindi ba't niregaluhan pa siya ng necklace ni Jay-R?



"Nagbigay po siya ng necklace, pero pagkatapos po ng necklace, nawala na siya," natatawang sabi ni Maja sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang One More Chance.



MAJA'S CHOICES.
Maraming young actors na ipinapareha kay Maja, kaya pinapili namin siya kung sino sa mga naipapareha ang type niyang ka-loveteam talaga.



"Ang dami po, e... Sa sayawan, si John Prats ang gusto kong maging partner. Sa acting, sobrang galing ni John Wayne Sace, di ba? Kaya lang, ewan ko kung ano na ang nangyari sa kanya," natawa niyang sabi.



"Si Jason Abalos naman, nandoon na, e. Nandoon na ang lahat. May kiligan. May chemistry kami, pero yung management pa rin ang namimili. So kung ako po ang mamimili, basta...hayun...nasa tatlo "



May mga press people na nagbigay ng komento kay Maja na tipong sa tatlo, sila ni Jason ang nakikitaan ng chemistry na hindi naman kinontra ni Maja. Pero dugtong din ng young actress, "Sinasabi rin po nila kapag scene naman daw po namin ni Jay-R sa Pangarap, tumataas daw po ang rating."



One entertainment writer also told Maja, "Okay rin naman kayo ni John Wayne if... Yun nga lang, nasaan na ba siya?"

Then Maja said, "Sa totoo lang po, nasasayangan po akong talaga kay John Wayne."



Willing ba siya to give John Wayne one more chance?



"Why not?" mabilis na sagot ni Maja. "Siguro po kung magseseryoso lang po siyang talaga at ipa-prioritize niya pong talaga ang career niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Sa ngayon, wala na raw silang communication. Pero napapansin daw ni Maja na nahihiya si John Wayne sa kanya tuwing magkikita sila. Kaya tinanong ng PEP si Maja kung saan nanggagaling ang hiya ni John Wayne sa kanya.



"Hindi ko rin po alam...ewan ko po," natatawa niyang sabi.



What about Carlo Aquino, isa sa mga young actor na openly ay nagsabing niligawan siya? Is he willing to give Carlo one more chance?



"Hala! Wala pa nga akong ibinibigay na chance, so bakit one more chance kaagad?" tawa naman ni Maja.

ANNA LIZA. Samantala, ayaw naman munang pag-usapan ni Maja ang remake ng long-running soap opera na Anna Liza, na unang pinagbidahan ng namayapa nang si Julie Vega.



Although before the end of November na raw ang pagsisimula ng taping nito, naniniwala si Maja na hangga't hindi pa talaga naipapalabas ay puwedeng ma-preempt ang lahat kahit sinasabing siya na ang makabagong Anna Liza.



"Mahirap po kasi, e," pag-iwas ni Maja. "Ang dami nga po na nagte-taping ‘tapos hindi pa rin po maipapalabas or naipapalabas. So mahirap pong talaga."



ABS-CBN'S NEXT IMPORTANT STAR. Ano naman ang masasabi ni Maja na siya na raw ang ginu-groom ng ABS-CBN as their next important star?



"Sa akin po, kung sinasabi po nila ‘yon, ang suwerte ko po. Mag-e-expect po ako, pero hindi po yung ganoon na ganoon kasi po ang dami pong pumapasok na artista. Ang daming nag-aartista. Siguro sa ngayon, marami lang pong project na naibibigay sa akin. Pero hindi ko po inilalagay sa utak ko na ako na ang next Claudine Barretto, blah, blah, blah..."



Ayaw ring i-entertain ni Maja ang sinasabing among the Kapamilya stars, tila sila ang magkakumpitensiya ni Shaina Magdayao. May nagsasabi rin na tila nauungusan na ni Maja ang nakababatang kapatid ni Vina Morales ngayon. Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi ko naman po ano kasi ‘yon... Siyempre po, management naman po ang nagbibigay sa amin ng mga traba-trabaho. Pero yung sa akin po kasi, okay rin naman po yung work ni Shaina ngayon.



"Happy rin po ako kasi magkasama rin po kami sa UD4. Siguro, suwerte ko nga lang po talaga dahil napapasama po ako sa malalaking projects tulad nga po sa Pangarap na Bituin. Napasali po ako sa soap ni Sarah Geronino na ang role ko nga po ay papansin," pahayag ni Maja.



Pero binigyang-diin ng young actress na kung meron man daw siyang bagay na hindi ginagawa ay ang makipag-compete.

"Hindi po talaga, yun po ang ayoko, yung makipag-compete. At kami po ni Shaina, okay po kami," giit ni Maja.



"At saka, ako po, mas malaki ang respeto ko sa mga naunang artista. Like with Shaina po, mas matagal na po siya sa akin sa showbiz. May iba po kasi na parang, "O, ‘eto na ako ngayon. Pero ikaw ang tagal mo na, naunahan pa kita.' May ganoon po kasing talaga, e.



"Sa akin po hindi, sobrang respeto ang ibinibigay ko. Yung minsan, inaalalayan ko pa si Shaina. Na gusto ko, wala siyang maramdaman."



SHAINA & JOHN. But the irony of it nga raw, ang dating nanliligaw or naka-MU niya na si John Prats ang sinasabing bagong manliligaw ngayon ni Shaina.



"Ang sa akin naman po, tapos na si John sa buhay ko. So, okay lang sa akin ‘yon," sabi ni Maja.



May insidente bang napag-usapan nila ni Shaina si John?



"Hindi po, wala," sagot niya. " Kasi, ang sa akin naman, private lives na nila ‘yon. Ang sa akin lang, ASAP, rehearsal... Sige, ‘yan ang pag-usapan natin. Pero kapag mga private part na ng buhay natin... Kasi siyempre, ayoko rin namang makabastos na ‘Uy, ganito raw kayo...ganyan...ganyan. Kaya ako, kung magkuwento sila, okay. Kung hindi, okay lang din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nilinaw ni Maja na hindi naman niya sinasabing hindi niya nagustuhan si John.



"Hindi naman po sa hindi nataypan, kasi mas ginusto na lang din po namin ni John na parang barkada. Kasi dumating din po kasi sa level na nagte-text, yung parang MU na may sweet-sweet na level na. Pero parang hindi lang namin nakakayanan dahil kapag nagkikita kami, nagkakaroon kami ng ilangan.

"So, nag-usap kaming dalawa na siguro mas maganda kung parang barkada na lang. So ngayon po, kapag nagkikita kami, nagyayakapan kami, batukan... Yung talagang barkada po. Parang pinagtagpo po kaming dalawa na barkada pong talaga," paliwanag ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN