Maja Salvador happy for Ryan-Juday-Piolo reconciliation at her father's wake

IMAGE 0


It was during the wake of Maja Salvador's (in photo) father, Ross Rival, that sweethearts Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo finally reconciled with Piolo Pascual. "Masaya ako na ang papa ko ang naging way para maayos ang isang gulo," she says.


Kakatwa man kung iisipin na ang burol pa ng ama ni Maja Salvador na si Ross Rival ang naging tulay upang matuldukan ang matagal-tagal ding hidwaan sa pagitan ng magkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo vs Piolo Pascual.



Matagal ding pinag-usapan ang nasabing alitan, kung saan hindi naging klaro sa simula pa lang kung ano ba talaga ang pinag-ugatan ng lahat. Hanggang ngayon ay nananatili pa ring palaisipan ang dahilan, pero para sa iba, ang mahalaga ay closed chapter na ito sa buhay nila Judy Ann, Ryan, at Piolo.



Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Maja last Sunday, December 2, sa dressing room ng ASAP ‘07, sinabi niya na wala siyang alam na may hidwaan pala sina Juday, Ryan, at Piolo. Pero masaya ang young actress na natapos na ito at naging daan pa ang burol ng namayapang ama para magkaayos sila.



"Wala akong idea talaga, pero siyempre, masaya ako na ang papa ko ang naging way para maayos ang isang gulo. Parang, ‘Ay, ang saya naman na dun pa sa wake ni Papa natapos ang isang hidwaan.' Parang ganun," pahayag ni Maja.

Bilang isang anak ay sinabi ni Maja na masakit ang pagkawala ng kanyang ama, pero tanggap na raw nilang magkakapatid ang nangyari.



"Ang nasa isip kasi namin, ayaw ni Papa na malungkot kami. So kaming magkakapatid, tinanggap na lang namin nang maluwag sa dibdib para maging masaya at tahimik na rin si Papa," sabi ng young actress.

Ilang araw na lang ang bibilangin ay mawawala na sa ere ang Pangarap na Bituin, kung saan gumaganap si Maja bilang isa sa Jewel sisters. Itinanggi ni Maja ang balita na kaya raw bigla itong matitigbak sa ere ay dahil sa mababang ratings nito.



"Ganun talaga, kasi hanggang December lang talaga ang Pangarap na Bituin," paliwanag ng young actress. "Hindi totoong mababa ang ratings niya kasi number one ang Marimar [katapat na programa ng Pangarap na Bituin], pangalawa kami sa buong Pilipinas. Saka bukod sa nakaplano na hanggang December lang talaga siya, may kanya-kanya ring trabaho ang mga kasama ko dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Usap-usapan na si Maja ang gagawa ng remake ng Annaliza na ginampanan noon ng namayapang child actress na si Julie Vega. Naging honest naman si Maja sa pagsasabing wala pa palang kasiguraduhan kung matutuloy ba niyang gawin ang remake o hindi.



"Hindi pa siya ganun ka-sure kasi baka magustuhan ng mga tao yung batang Annaliza [to be played by Ella Cruz]. I can't also give details kasi baka ma-preempt. Kinausap na rin naman ako ng management na hanggang wala pa, baka ilagay muna ako sa ibang projects ng ABS," lahad ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN