Maja Salvador admits Rayver Cruz has a big chance if he courts her

IMAGE 0


"Kami kasi ni Rayver, parang childhood friends na. Kasi sa Spirits [their defunct horror series] pa lang, magkasama na kami. ‘Tapos lagi rin kaming nagkikita sa ASAP, ‘tapos sa mga raket din. Kaya siguro sobrang kumportable na kami sa isa't isa," says Maja Salvador about Rayver Cruz (not in photo).



Sina Maja Salvador at Rayver Cruz ang partner sa isang episode kamakailan ng Your Song ng ABS-CBN. Ayon sa mga nakapanood ng nasabing show, may chemistry sina Rayver at Maja. Bagay na bagay raw ang dalawa at iminungkahi pa nga nila na kay Maja na lang daw sana ipareha si Rayver at huwag na kay Shaina Magdayao.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Maja kanina, April 6, sa ASAP ‘08 ay sinabi niya na natutuwa siya sa magandang comment ng mga tao sa tambalan nila ni Rayver.

Sabi ni Maja, "Siyempre po natutuwa ako na parang ang dami nang ipinareha po sa akin, ‘tapos parang sabi nga nila, itong si Rayver ang pinakamalakas na partner ni Maja. So natutuwa po kaming dalawa ni Rayver. Kaya lang siyempre, management pa rin po ang nagde-decide.

"Katulad ngayon, hindi pa rin siya ang 100 percent na ka-love team ko kasi may Jay-R [Siaboc] pa ako na ka-partner sa Kapitan Boom, ‘tapos may Jon Avila pa ako. ‘Tapos si Rayver, may gagawin po kaming ibang project," paliwanag ng young actress.

Bakit paiba-iba ang ipinapareha sa kanya ng ABS-CBN?

"Hindi ko nga rin po matanong sa management kung bakit ganoon," sagot niya.

Pero kung papipiliin siya, sino ang gusto talaga niyang maging ka-loveteam?

"Ako naman po, hindi ako choosy, e," ani Maja. "Kahit naman sino, okay lang sa akin basta madaling mapakisamahan sa trabaho."

Kung nalilito ang fans ni Maja kung sino ba talaga ang permanent na ka-love team niya ay ganun din pala si Maja.

"Yun nga rin po. Sinasabi ko na lang sa kanila [fans], ‘Pasensiya na lang po kayo. Pati ako nalilito.' Pero natutuwa na rin po ako kasi kahit naman kanino ako ipareha ay tinatanggap ng mga tao," saad ni Maja.

Kung sila na ni Rayver ang magiging love team at tuluyan nang bubuwagin ang Shaina-Rayver love team, hindi ba siya nagwo-worry na baka magalit sa kanya si Shaina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, hindi naman kami batang-isip ni Shaina... Alam naman po namin na trabaho lang naman ito. Saka hindi naman po niya choice, saka hindi ko rin po choice na mamili kung sino ang gusto naming ka-love team. Siyempre, management po. Kaya wala naman kaming karapatan na...alam ninyo po yun, na magtampo o magalit sa isa't isa. Hindi naman po talaga kami ang nagde-decide," paliwanag ng young actress.

Sabi ni Rayver sa isang panayam sa kanya ay mas kumportable siya na katrabaho o kapareha si Maja kesa kay Shaina. Ano ang masasabi rito ni Maja?

"Paano ko ba ie-explain?" tanong niya. "Kami kasi ni Rayver, parang childhood friends na. Kasi sa Spirits [their defunct horror series] pa lang, magkasama na kami. ‘Tapos lagi rin kaming nagkikita sa ASAP, ‘tapos sa mga raket din. Kaya siguro sobrang kumportable na kami sa isa't isa."

Kung sakaling dumating ang time na ma-develop si Rayver kay Maja at ligawan siya ng binata, sinabi ng dalaga na may maaasahan naman daw sa kanya si Rayver.

"Oo naman! Dyusko, may maasahan talaga siya sa akin!" bulalas ni Maja.

Nagpaparamdam na ba sa kanya si Rayver?

"Sasabihin ko pa lang po, magparamdam siya!" tawa ni Maja.

So, type niya si Rayver?

"Sino ba naman ang hindi magkaka-type sa kanya. Wow!" pagtatapos ni Maja.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN