Maja Salvador confirms ex-PDA scholar Chad Peralta is her

IMAGE 0


"Libre naman siyang mag-text kahit kanino, kasi wala namankaming relasyon. Isa lang kaming textmates sometimes," says Maja Salvador about former Pinoy Dream Academy scholar Chad Peralta (isnet).



Nagulat si Maja Salvador nang malaman niya na umamin na angex-Pinoy Dream Academy scholar na si Chad Peralta na tine-text niya ang youngactress. Nangyari ang pag-amin ni Chad nang mag-guest siya sa morning show ninaBoy Abunda at Kris Aquino sa ABS-CBN, ang Boy & Kris. Hindi naman nag-denysi Maja tungkol dito.

"Nagte-text nga po pero yun nga, hindi ako palasagot. Hindinaman ako reply nang reply din po," saad ni Maja sa PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Pero ayon kay Chad, sinasagot naman daw siya ni Maja kapagtine-text niya ang young actress.

"Opo," pag-amin naman ni Maja. "Like kunwari, ‘How are you?'ganyan. ‘Tapos sabi ko, ‘I'm okay.' Mahilig daw siyang magluto ngspaghetti. Kasi sa ASAP po, nag-uusap kami, yun lang. Puro spaghetti angpinag-uusapan namin."

Hindi pa ba niya natitikman ang spaghetti ni Chad?

"Hindi pa niya ako binibigyan, e!" tawa ni Chad.

Gusto ba niyang tikman ang spaghetti ni Chad?

Natawa muna si Maja bago sumagot. "Yung luto niyangspaghetti!"

Totoo bang niyaya siya ni Chad na mag-date?

"Hindi, hindi naman date yun. Sabi niya, mag-dinner daw. E,kasi sabi niya, ‘Do you want to have dinner?' Hindi naman niya sinabi namag-date tayo, e," sabi ni Maja.

Ano kaya ang isinagot ni Maja?

"Sabi ko, 'Pag may oras, sige.'"

Type ba niya si Chad?

"E, hindi pa nagpupursige."

Paanong pagpupursige ba ang gusto niyang gawin ni Chad?

"Hindi, siyempre po kahit na parang pinapahirapan ng babae kung gusto ng lalaki, di ba?"

Bukod kay Maja, inamin din ni Chad na tine-text niya si Bea Alonzo. Alam ba itoni Maja?

"Ay, hindi po!" nagulat na sabi ni Maja. "Sa inyo ko lang po nalaman yun. Peroyun nga, sinabi ko libre naman siyang mag-text kahit kanino, kasi wala namankaming relasyon. Isa lang kaming textmates sometimes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero inamin ni Maja na masaya siya sa pagti-text sa kanya ni Chad.

"Kumuha pa siya ng Sun Cellular. Hindi kasi, di ba, Sun Cellular endorser poako? Sabi niya, ‘This is my Sun number.' ‘Ay, ang taray! Kumuha pa ng SunCellular! Doon ko na siya nireplayan!" natatawang kuwento ni Maja.

Napatili na lang si Maja nang sinabi naming mukhang may pag-asa si Chad sakanya.

TV & MOVIE PROJECTS. Samantala, kahit na-shelve na ang supposed to be launching soap opera niya naAnnaliza, meron naman agad ipinalit na proyekto para kay Maja, ang Moonriver.

"Masaya siyempre, kasi parang yung trust nga po ng management sa akin. Peronandun po yung pressure, yung kaba. Hindi ko pa po alam kung sino ang mgamakakasama ko doon."

Kasabay nito ay may movie rin na gagawin si Maja with JakeCuenca and Shaina Magdayao.

"Dati po kay Bea yun," sabi ni Maja sa pelikulang isu-shootniya. "Meron na akong make-up test."

Makakatambal naman ni Maja si Geoff Eigenmann sa proyektong ito. Unang nakasamani Maja si Geoff sa pelikulang First Day High.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN