Maja Salvador clarifies Jon Avila is not courting her

by Rose Garcia
Jul 29, 2008
"Wala naman po talagang ligawan. Wala po talaga... Yun nga po kasi ang lumalabas. Pero, bakit nga ba kay Jon lang ako naiintriga? E, sweet naman po ako sa lahat, pare-pareho lang," clarifies Maja Salvador.

Back-to-back ang ginanap na press conference sa 9501 Restaurant kagabi, July 28 para sa dalawang shows ng ABS-CBN, ang Kapitan Boom at Varga. Back-to-back din kasi ang mapapanood sa Sabado sa pagtatapos ng Kapitan Boom at pagpasok naman ng bagong fantaserye na pagbibidahan ni Mariel Rodriguez, ang Varga.

EVERYONE'S HAPPY. Sa presscon nga para sa farewell episode ng Kapitan Boom, present dito ang leading lady nina Jon Avila at Jay-R Siaboc na si Maja Salvador. Siyempre pa, una nang itinanong sa kanya ay kung ano talaga ang katotohanan sa likod ng mga isyu tungkol sa kanya at sa dalawang leading men niya.

Continue reading below ↓

Aniya, "Naku, wala po, sawi pa rin po, pero masaya," nakangiti niyang pahayag sa press na naroon, kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal). "At saka, alam naman natin na masaya si Jay-R. Masaya rin naman si Jon. Sa Kapitan Boom, siyempre po, nag-end-up ako sa kanilang dalawa dahil iisa lang naman po silang dalawa."

Naintriga naman ang entertainment press dahil sa sinabi ni Maja na masaya si Jay-R. Tila kinumpirma na raw ni Maja na meron ngang girlfriend ang singer-actor? Kaya nang tanungin ng press tungkol dito si Jay-R, nakitanong na rin mismo si Maja at direkta ngang tinanong si Jay-R kung meron nga ba itong girlfriend.

Game namang sumagot si Jay-R, "Meron, oo!"

THE COURTING ENDS? Kay Jon naman, samantala, posible kayang matapos na rin ang pagli-link sa kanila ni Maja ngayong matatapos na rin ang Kapitan Boom? Balita kasing nanliligaw raw si Jon kay Maja habang kasagsagan ng Kapitan Boom.

Continue reading below ↓

"Wala naman po talagang ligawan. Wala po talaga... Yun nga po kasi ang lumalabas. Pero, bakit nga ba kay Jon lang ako naiintriga? E, sweet naman po ako sa lahat, pare-pareho lang," nagtataka pang tanong ni Maja.

Bakit nga ba?

"Well, siguro po kasi, si Jon kasi, mahilig po kasi siyang magbasa ng mga diyaryo. ‘Tapos, kinabukasan, sasabihin niya sa akin, ‘Uy, Maj, me lumabas sa atin sa diyaryo, sorry ha, naiintriga tayo.' Ako naman, natatawa lang sa kanya. Like, ano ka ba, okey lang yun, ganoon talaga..."

Aminado si Jon na isa si Maja sa mga crush nito. Kung sakali nga bang ligawan siya ng binata kahit tapos na ang series nila, magugustuhan kaya niya ang binata?

"Tingnan na lang po natin kung manliligaw nga po. Depende naman po kasi yun sa intensiyon ng lalaki. Siguro po si Jon, gusto ko pa po siyang makilala as a person, hindi lang as Kapitan Boom."

Continue reading below ↓

WORKING RELATIONSHIP. Ayon kay Maja, kung may mami-miss man daw siya sa Kapitan Boom, ito ay ang working relationship nilang lahat.

"Mami-miss ko pong talaga ang mga cast, staff.... Kapag hindi po kami nagte-take, sobrang kulitan kaming lahat, tawanan. Masaya po talaga. At saka, mamimiss ko rin katrabaho si Jay-R kasi, yung scene naming dalawa, palaging ang kulit, para kaming aso't pusa."

On the other hand, marami ang nakapansin kay Maja na blooming siya lately, pero siya na mismo ang nagsabi na kung anuman ang reason ng sinasabing pagiging blooming niya, hindi raw ito 'sino' kundi 'ano'.

"Siguro po, masaya lang po ako ako dahil hindi ako pinapabayaan ng ABS-CBN. Siyempre po, magaganda po ang ibinibigay nilang shows sa akin. So, siyempre po naman, kailangan ko po itong suklian din at magpaganda pa po ako dapat," nakangiti niyang sabi.

NEW LOVE TEAM. Halatang ayaw pang-i-divulge ni Maja kung ano ang bagong show na gagawin niya, pero siya na mismo ang nagkumpirma na kahapon daw ay nag-story conference na sila for a new show.

Continue reading below ↓

And from a PEP source, ito na nga raw ang napapabalitang family drama na pagbibidahan ni Maja at posibleng maglu-launch sa bagong team-up nila ni Geoff Eigenmann.

Happy ba siya sa mga nangyayari sa career niya?

"Opo naman! Dati, nag-start po ako, supporting lang po ako. Yun nga po yung sinasabi ko na ang ABS, hindi po nila ko pinapabayaan. Kaya sobrang suwerte ko pong talaga."

Read Next
Read More Stories About
Maja Salvador
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wala naman po talagang ligawan. Wala po talaga... Yun nga po kasi ang lumalabas. Pero, bakit nga ba kay Jon lang ako naiintriga? E, sweet naman po ako sa lahat, pare-pareho lang," clarifies Maja Salvador.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results