Maja Salvador on Sarah Geronimo: "Ano lang ba ako kumpara sa kanya?"

IMAGE 0


"Ano po, hindi ko masasabi siyempre na kami ang pinaglalaban o pinagsasabong. Kasi ano na 'yan e, Popstar Princess na 'yan, e. Iba siya, e. Sarah Geronimo na 'yan. Laging puno yung concert niya sa Araneta Coliseum. Tapos Box Office Queen na rin siya, di ba?" says Maja Salvador (in photo) about being pitted against Sarah Geronimo.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, February 4, ang young actress na si Maja Salvador sa launching niya bilang endorser ng Sisters Sanitary Napkin. Ayon sa dalaga, sobrang happy siya na napili siyang maging endorser ng nasabing produkto.


"Masaya ako na meron na namang isang product na nagtitiwala po sa akin na maging endorser nila. Sobrang saya ko po dahil kapamilya na ako ng Sisters. Sana magustuhan ng mga kabataan. Sobrang kumportable talagang gamitin, aalagaan ka. Kumbaga, walang mintis na pag-aalaga yung ibibigay ng Sisters," sabi ni Maja.


Speaking of alagaan, ayaw ba niyang alagaan ulit siya ng ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino?


"Ay, wala po muna dun. Ano ba yun?" nagulat na sagot ni Maja. "Tingnan po muna natin ngayong 2009. Hindi ko pa po masasagot talaga, e."


MAJA VS. SARAH. Mabenta si Maja bilang product endorser. Ayon nga sa dalaga ay pang-siyam niya nang endorsement ang Sisters Sanitary Napkin. Pero kung sunud-sunod ang endorsements ni Maja ay hindi rin naman nagpapatalbog sa kanya si Sarah Geronimo. Kabi-kabila rin ang ini-endorse nitong mga produkto. Sina Maja at Sarah nga raw ngayon ang magkalaban sa mga young actress pagdating sa paramihan ng mga ini-endorse na products.


Pero para kay Maja, hindi niya itinuturing na kalaban si Sarah bilang product endorser.


"Ate ko yun, e," sambit niya. "Kasi siyempre, kung ito yung ibinigay sa amin na i-endorse naming product, siyempre kailangan namin, di ba, i-endorse nang wala yung...hindi puwedeng makipaglaban. Ang pangit naman pag makikipag-compete ka po. Kumbaga, eto lang, masaya lang dahil Sisters ako, ganun."


Close ba siya kay Sarah.


"Opo! Ate ko po yun, e."


Kaya raw "ate" ang tawag ni Maja kay Sarah dahil magkapatid ang role nila sa dati nilang serye sa ABS-CBN, Pangarap na Bituin.


Pero aware ba si Maja na pinagsasabong o pinaglalaban sila ngayon ni Sarah? Kumbaga, sila ang sinasabing magkalaban ngayon sa in terms of popularity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Ano po, hindi ko masasabi siyempre na kami ang pinaglalaban o pinagsasabong. Kasi ano na 'yan e, Popstar Princess na 'yan, e. Iba siya, e. Sarah Geronimo na 'yan. Laging puno yung concert niya sa Araneta Coliseum. Tapos Box Office Queen na rin siya, di ba?

"E ako, ano lang ba ako kumpara sa kanya? Malayo pa po ako kung nasaan ngayon si Ate Sarah," saad ni Maja.

HORROR PRINCESS. Malapit na ang Valentine's Day. May makaka-date ba si Maja sa araw na yun?


"Ay, may shooting po ako," sagot niya. "Nakita ko na sa schedule ko, naka-block off para sa shooting,"


Horror film ang gagawing pelikula ni Maja mula sa Star Cinema titled Momoo. Makakasama niya rito sina Jake Cuenca, Shaina Magdayao, at Geoff Eigenmann.


Gumawa na dati ng horror film si Maja, Sukob, mula rin sa Star Cinema. Napanood din siya sa Nginiig at Spirits na pawang horror shows din. Kaya naman kung si Kris Aquino raw ang Horror Queen, si Maja naman daw ang Horror Princess.


Okey lang naman daw kay Maja na tawagin siyang Horror Princess.


"Why not, kung tawagin man po akong horror princess? 'Tsaka respeto na lang po sa nagbinyag sa akin, sa nagbigay ng title na yun."


Since may shooting nga si Maja sa Valentine's Day, instead na makipag-date, ibig bang sabihin nito ay handa niyang i-sacrifice muna ang kanyang lovelife para sa kanyang career?


"Kailangan naman po talaga, ang priority muna e, trabaho. Kasi yung love, makakapaghintay naman. Darating naman po yung tamang panahon talaga," ani Maja bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN