Maja Salvador accepts tag as "Horror Princess"

IMAGE 0


"Siyempre, kung anumang title ang ibigay sa akin ng taumbayan, ng management, tatanggapin ko yun. Sobrang ikakatuwa ko po yun. Kasi kumbaga, 'Uy, si Horror Princess!' Siyempre alam na nila na si Maja Salvador," says the young actress.


Matapos purihin ang galing sa pag-arte ni Maja Salvador sa blockbuster horror movie na Sukob with Kris Aquino and Claudine Barretto, balik-horror na naman ang young actress sa 16th anniversary offering ng Star Cinema na Villa Estrella, directed by Rico Ilarde at showing na on July 1. Kasama ni Maja rito sina Shaina Magdayao, Jake Cuenca, at Geoff Eigenmann.

HORROR PRINCESS. Dahil nga sa kanyang pagbabalik-horror, ano ang feeling ni Maja na tinatawag siya ngayong "Horror Princess?" Totoo rin bang ayaw raw niyang patawag ng title na ito?

"Salamat po. Yun nga po, sabi sa akin sa E-Live noong Sabado, ayoko raw mabansagan na 'Horror Princess.' Bakit naman hindi? Siyempre, kung anumang title ang ibigay sa akin ng taumbayan, ng management, tatanggapin ko yun. Sobrang ikakatuwa ko po yun. Kasi kumbaga, 'Uy, si Horror Princess!' Siyempre alam na nila na si Maja Salvador. So, nakakatuwa po, kaya bakit tatanggihan ko po?" paglilinaw ni Maja nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng Villa Estrella na ginanap kagabi, June 11, sa 9501 restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Nagmamadali na sanang umalis si Maja after the presscon dahil may taping pa siya ng May Bukas Pa sa Pampanga. Pero malugod naman siyang nagbigay ng kaunting panayam sa PEP at iba pang press na gusto siyang makausap.

Ano ba ang role niya sa Villa Estrella?

"Ako si Giselle, isa ako sa makakaranas ng kung anuman ang mangyayari sa Villa Estrella. Abangan n'yo dahil kakaibang Maja, kakaibang Shaina ang makikita n'yo. Sobrang, alam n'yo yun, pati kayo mapapagod, mahihingal, malilito kung ano ba talaga ang mangyayari sa istorya. Panoorin n'yo."

Wala bang sapawan sa kanilang dalawa ni Shaina in terms of acting sa Villa Estrella?

"Wala po," sagot ni Maja. "Ang masaya po kasi sa amin ni Shaina, nagtulungan po kami sa bawat eksena. Kasi hindi naman kailangang magsapawan. Kasi pag nagsapawan po, baka ikapangit pa ng pelikula namin. So, bawat eksena talaga namin, tulungan kami. Pinag-uusapan talaga namin ni Shaina kung paano namin gagawin yung eksena, kung papaano yung atake niya para wala nga pong sapawan na mangyari."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa cast ng Villa Estrella si Geoff Eigenmann, pero hindi ito naka-attend sa presscon. Dapat sana ay magiging katambal din ni Maja si Geoff sa isang teleserye sa ABS-CBN, subalit hindi na ito matutuloy dahil bumalik na sa GMA-7 ang aktor matapos ang kontrata nito sa Star Magic at ABS-CBN. Ano ang feeling ni Maja na wala na sa ABS-CBN si Geoff?

"Siyempre nakakalungkot po. E, hindi naman po ako yung puwedeng mag-decide sa kung anuman yung ikakabuti ni Geoff. Kung dun [GMA-7] nga po ang ikakaganda ng career niya, siyempre masaya na rin ako para kay Geoff," saad ni Geoff.


SUKOB VS. VILLA ESTRELLA. Mas mabigat ba kesa sa Sukob ang role niya sa Villa Estrella?

"Opo naman," sagot ni Maja. "Sa Sukob, grabe yung challenge sa akin dun. Eto [Villa Estrella] mas matindi, mas pisikal, iba. Nakaka-challenge gawin yung movie. Nandun yung pressure na parang pag-iisipan mo yung bawat eksena, kung paano mo ibibigay, kung paano mo iaarte, ganun po. So, kailangan n'yo pong abangan kasi grabe, as in 200 percent yung ibinigay namin ni Shaina dito, as in dinoble po namin."

Para sa kanya, ano ang mas nakakatakot: Sukob o Villa Estrella?

"Siyempre, magkaiba po naman ng kuwento. Depende po kasi sa istorya, e."

Nagkaroon si Maja ng kakaiba at nakakatakot na experience sa shooting nila sa lumang resort sa Tanay, Rizal.

"Dun po sa standby area po namin, yung CR po kasi doon, hindi masyadong nasasara. Parang... Kunwari kapag nagte-take si Shaina, si Jake, tapos ako yung naiiwan doon, feeling ko po minsan, parang may nagmamasid, may nakatingin sa akin, yung ganun po. So, imbes na nasa standby area po ako, bumababa na lang ako sa set," kuwento ni Maja.


CARLO AQUINO. Kinumusta naman ng PEP kay Maja si Carlo Aquino, na balitang nanliligaw ulit sa aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, parang kailangan ko nang mag-taping!" pabirong iwas ni Maja na sagutin ang tanong.

Pero tuloy sa pangungulit ang press kay Maja kaya napilitan na rin itong sumagot. Aniya, "Ganun pa rin po, magsasawa kayo sa sagot ko. Lagi pa rin po siyang nagpupunta sa bahay. Nagte-text, nagtatawagan. Ngayon lang po...

"Siguro ang bago, hindi kami masyadong nagkikita kasi magkaiba [ang schedules]... Kunwari Tuesday, Thursday ang taping ko, siya MWF naman. So, wala talaga, parang halos isang buwan na kaming hindi nagkikita. Pero nandun pa rin po yung communication."

Wala pa bang development sa muling panunuyo ni Carlo sa kanya?

"Hanggang ganun pa rin po talaga."

Pero si Carlo pa rin ba ang pinaka-close na lalaki sa puso niya ngayon?

"Opo, opo. Marami naman..." sagot niya.

Marami ba? Pero mas pabor daw ba ang pamilya niya kay Carlo?

"Opo, mas iba kasi yung effort nung tao [Carlo]. So, yun."

Hindi pa ba siya allowed na magkaroon ng karelasyon ulit?

"Allowed naman po," aniya. "Kaya lang nga po, meron kasi akong topak minsan na kahit puwede, minsan nagde-decide ako ng para sa sarili ko, na parang mas kailangan kong mag-focus sa career, ganyan. So, kahit na nandun yung communication, nandun yung kilig-kilig, ganyan-ganyan, 'pag tinopak ako, ay, ayoko na muna! As in nawawala talaga bigla yung communication."

Pero may pag-asa ba si Carlo na muling makuha ang pagmamahal niya?

"Tingnan po natin ngayong 2009. Panoorin n'yo po muna yung Villa Estrella sa July 1!" natatawang pagtatapos ni Maja, na nagmamadali nang umalis para mag-taping ng May Bukas Pa sa Pampanga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN