Marian Rivera still mum about the real score with Dingdong Dantes

IMAGE 0


"Maging masaya na lang kayo sa amin, kasi masaya kaming magkasama. Masaya kami na open na kaming nakakalabas ngayon, nagdi-dinner, nanonood ng sine... Hindi tulad noon na gusto man naming lumabas, hindi kami natutuloy dahil baka may sabihin ang mga tao," says Marian Rivera about rumored boyfriend Dingdong Dantes.


Wearing a red backless long gown, masayang bumati si Marian Rivera sa mga taga-Summit Media at entertainment press for the launch and unveiling ng cover ng YES! 100 Most Beautiful Stars 2009 kahapon, June 22, sa Patricia Room ng Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Sa third volume ng naturang special issue ng YES! ay si Marian Rivera ang nasa cover; after Judy Ann Santos (2007) and KC Concepcion (2008). Anong feeling na after Judy Ann and KC ay siya naman ang cover girl ngayon ng ng YES! 100 Most Beautiful Stars?

"Happy," sagot ni Marian. "'Saka thank you talaga sa YES!, lagi kasi nila akong isinasali sa mga ganitong list nila."

Para sa kanya, ano ba talaga ang beautiful?

"Marami... Kapag happy ka, beautiful ka. Marami kang projects, beautiful ka!" sagot ng aktres.

Kapag in love ba siya ay beautiful din siya?

"Siyempre naman!" natatawa niyang sagot.

Sino ba ang nagpapaganda sa kanya?

"Marami...projects, endorsements! Naku, alam n'yo na 'yon!" tawa niya ulit.

DINGDONG DANTES. Iba ang glow ng face ni Marian nang makausap namin siya, halatang in love talaga siya. May nagtanong kung kailan pa naging sila ni Dingdong Dantes at kung kailan daw ang monthsary nila.

"Monthsary?" napahalakhak na balik-tanong ni Marian. "Maging masaya na lang kayo sa amin, kasi masaya kaming magkasama. Masaya kami na open na kaming nakakalabas ngayon, nagdi-dinner, nanonood ng sine... Hindi tulad noon na gusto man naming lumabas, hindi kami natutuloy dahil baka may sabihin ang mga tao."

Ano ang gagawin niya sakaling minsang magkasama sila ni Dingdong ay makasalubong nila ang ex-girlfriend ng aktor na si Karylle?

"Hindi ko alam," mabilis na sagot ni Marian. "Ayaw kong pangunahan, ayaw kong isipin 'yon. Puwede kong sabihin na ganito ang gagawin ko, pero hindi. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling dumating ang oras na 'yon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Totoo bang "Hon" ang tawagan nila ni Dingdong? May nakarinig daw kasi na ganito ang tawagan nila noong anniversary special ng GMA-7 sa backstage ng Araneta Coliseum. Totoo rin bang humahalik muna sila sa isa't isa bilang paalam kapag aalis ang isa sa kanila?

"Sa amin na lang 'yon. Ibalato na lang ninyo sa amin 'yon!" natatawang wika ni Marian.

CARLA ABELLANA. Nagkakilala na si Marian at ang baguhang aktres na si Carla Abellana, na gaganap sa Pinoy adaptation ng Mexicanovela na Rosalinda. Maraming nagsasabing magkahawig sila. Alam ba ni Marian na fan niya si Carla?

"Talaga? Salamat!" bulalas ni Marian. "Nagkakilala na kami ni Carla sa isang event ng GMA Network. Pero last Friday [June 19] lang kami nagkausap nang interbyuhin kami sa 59th anniversary special ng GMA. Napansin ko, tahimik siya, mahinhin."

Hindi ba siya nati-threaten sa pagpasok ni Carla sa GMA-7?

"Hindi naman," sagot niya. "Nirerespeto ko po kung sino ang gusto ng mga fans. Alam ko kung sino ako at kung paano ako pinapahalagahan ng GMA. What's important, pareho kaming Kapuso at may kanya-kanya kaming projects. Dumaan din ako sa ganung stage. Naranasan ko rin ang maging baguhan, tapos ibinigay sa akin ang Marimar at doon nagsimula ang lahat."

After niyang gampanan ang role ni Thalia sa Marimar, ipapasa na ba niya kay Carla ang pagiging Pinoy Thalia sa Rosalinda?

"Oo naman, di ba? Nakakatuwa nga na dumarami na ang leading ladies sa GMA-7. Mas marami, mas masaya," ani Marian.

KATRINA HALILI. Muling naungkat ang tungkol sa issue sa kanila ni Katrina Halili. Ayon sa lumabas na reports ay tinanggihan daw ni Marian na maging kontrabida si Katrina sa Darna. Totoo ba ito?

"Hindi naman po 'yon totoo," tanggi ni Marian. "Aminin nating mahusay na artista si Katrina, at sino naman ako para pangunahan ang management na pumili ng makakasama ko? Until now, hindi ko pa talaga alam kung sinu-sino ang mga makakasama ko sa Darna, na mas marami yata ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi niya sa kontrobersiyang kinahaharap ngayon ni Katrina kaugnay ng pagkalat ng sex video nito with Hayden Kho?

"Ang hirap din pong makisawsaw," pauna niya. "Pero ako bilang babae, nasaktan ako para kay Katrina. Sa akin, dapat ay nirerespeto ang isang babae."

DARNA. Speaking of Darna, kasalukuyan nang nagte-training si Marian para sa kanyang susunod na primetime series sa GMA-7.

"I guess, ready na ako kung magte-taping na kami," sabi niya. "I heard by first week of July, start na kami dahil first week of August ang tentative pilot week namin. Excited na ako dahil bukod sa mga babaeng makakalaban ko sa series, may mga lalaki na rin daw akong makakalaban; isa si Paolo [Contis]. Hindi ko pa lamang alam kung ano ang role niya.

"Sa Thursday [June 25], magpi-fitting na ako ng final costume ko as Darna. Yung isinuot ko sa teaser, hindi pa 'yon ang talagang costume ko. Isusunod daw nila sa original costume ni Darna," banggit pa ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN