Geoff Eigenmann on Carla Abellana: "Sobrang daling ma-in love sa kanya actually."

IMAGE 0


Less than a week prior to the launch of Rosalinda, Geoff Eigenmann tells PEP that he and Carla Abellana feel the pressure seems to intensify. "This is my very big project in GMA. 'Tapos, siya [Carla] naman, it's her first project. We both feel the same kind of pressure naman sa ini-expect ng mga tao with the ratings, our chemistry together," said the 24-year-old actor.


Tila naging isang musical show ang Rosalinda sa ginanap na press launch sa Studio 5 ng GMA-7 kagabi, June 30. Parehong kumanta sina Geoff Eigenmann, ang gaganap na Fernando Jose, at ang baguhang si Carla Abellana, na siya namang magiging bida. At base sa nakita ng entertainment press, masasabing may chemistry ang dalawa.

Magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ng binatang anak nina Michael de Mesa at Gina Alajar.

"'Eto na, start na," ang bati niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "I'm very excited about the show, of course. This is the biggest show I've ever been part of, so I'm very excited, I'm very privileged."

Bale ito ang biggest break ni Geoff sa TV at ito naman ang launching show ni Carla, kakayanin kaya nila ang pressure?

"Well, yeah, kasama na rin yun. Sa overall picture, it's part of it, pero I take things slowly. Bahala na...I'll see what will happen next week. Tingnan na lang natin kung ano ang magiging response ng mga tao sa amin. For me, yun ang pinaka-important. It's not really the rating, kung hindi kung paano siya yayakapin ng mga tao."

Handa na ba siya na maging Fernando Jose, na naging popular leading man noong unang ipalabas ang Rosalinda sa bansa?

"Hopefully...hopefully," nakangiti niyang sabi. "Yun nga, malaki ang expectation sa character, so, hopefully I can pull it off. Sa lahat ng mga character na na-portray ko before, si Fernando Jose yung pinakamalalim. Pinaka-dark talaga. It's very different from all the roles that I played. Hopefully, I can give justice to the role."

Bilang paghahanda para sa naturang role, pinapanood ni Geoff ang original version ng soap na pinagbidahan ni Thalia. Pinag-aaralan daw ng 24-year-old actor ang mga kilos ni Fernando Carillo, ang Venezuelan-born actor na naging leading man ni Thalia sa Rosalinda.

Pero siniguro ni Geoff na meron siyang sariling istilo: "Siyempre, meron akong sariling diskarte with the character. But, of course, yung mga nuances ni Fernando Jose, yung what made him [as] him, nandoon pa rin yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman sila ng kanyang leading lady?

"We're enjoying," ang sagot ng binata. "Every taping masaya. Kahit na inaabot na kami ng umaga, masaya pa rin kami sa set."

Ang work ang nagmimistulang bonding moments nila. Aniya, "Each day na magkasama kami, I learn something new about her, so, enjoy naman. Matagal pa ang pagsasamahan namin."

Hindi nakuntento ang PEP sa maiikling sagot ni Geoff kaya kinulit namin siya about Carla. So far, ano na ang pagkakakilala niya rito?

"Ang dami, ang dami...sobrang sarap niyang kasama. When it comes to work, very professional siya. Even if it's her first try, hindi siya nahihiyang magpaturo. Wala siyang pretension at all. Sobrang light niyang kasama. Kahit mahirap ang eksena at mga gagawin niya, ano pa rin, nakikisama pa rin siya with everyone. Walang ere at all," kuwento niya.

For now, natutuwa siya na smooth ang kanilang work relationship. Since baguhan si Carla, umaalalay daw siya sa kanyang leading lady.

Sabi niya, "Tinatanong ko siya kung ano ang gusto niyang gawin. Kung kinakabahan siya, kung meron siyang gustong malaman, like details on how to tackle it, hindi ko naman siya tinuturuan, I just give her idea on how to do it."

Mahigit isang buwan na silang nagkakatrabaho pero hanggang sa set pa lang ang kanilang friendship. "Nagkaka-text na, tawagan...pero yung labas-labas, hindi pa," pag-amin ng binata. "Kasi, we're really busy with our taping, so, wala talaga kaming time. 'Pagka-taping namin, uwi, tulog, pahinga, pagkagising, taping again."

May chance ba na magkagustuhan silang dalawa?

"Of course, of course..." ang mabilis nitong sagot. "There's nothing not to like about Carla. There's no mean bone. Sobrang daling ma-in love sa kanya actually."

Pero dugtong din niya, "Yun nga lang sa ngayon, siyempre, even Carla herself, ang priority talaga ngayon is our career."

Nagpadala na raw siya ng flower kay Carla?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Huh?" ang reaksiyon ni Geoff habang nakangiti. "Maraming flowers palagi sa set namin."

Birthday daw yata ni Carla noon...

""Well, ano lang, it's just a token lang. Parang I feel lang that it would be a nice gesture. First day rin niya sa set."

Kelan naman kaya mahahanay ang tambalan nila ni Carla sa loveteam nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at ang sumisikat na Aljur Abrenica-Kris Bernal tandem?

"Hopefully, we can live up to the people's expectation. Kung ano ang makikita ng mga tao. Kung tanggapin nila, sana tuluy-tuloy just like with the success that they had. It's not just with the show lang naman but it's with our chemistry together."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN