Geoff Eigenmann says newcomer Carla Abellana "is a natural"

IMAGE 0


Geoff Eigemann says he's not the type to kiss and tell. Asked about his first kissing scene with Carla Abellana, Rosalinda's leading man just says: "Well, my smile says it all! Hanggang doon lang ang puwedeng kong masabi."


Sa tuluy-tuloy na taping para sa bagong GMA-7 primetime series na Rosalinda sa Taal, Batangas, lalong tumitibay ang bonding nina Carla Abellana at ang leading man niyang si Geoff Eigenmann.

Ayon kay Geoff, marami na nga raw siyang nadiskubre sa kanyang leading lady. Kabilang na roon ay ang mga pareho nilang gusto sa iba't ibang bagay.

"Mula sa pagkain, TV shows, different places and even sa ibang paniniwala ay nagkakapareho kami. Madalas kasi kaming magkuwentuhan ni Carla kapag wala kaming take.

"It's funny nga kasi kung ano ang nasa isip ko, yun din ang naiisip niya minsan. Kaya magandang sign iyon na we were both meant to be in this show. So doon pa lang, alam na namin that we have this chemistry. Magkasundo na kami kaagad.

"Parati ko ngang sinasabi na wala akong naiisip pang puwedeng gumanap na Rosalinda kundi si Carla lang. Bagay na bagay sa kanya ang role talaga," ngiti pa ni Geoff.

Nabawasan na nga raw ang pagiging mahiyain ni Carla, na unang napansin ni Geoff noong una silang nagkasama sa taping.

"It's not Carla's fault because this is her first acting job. Pero we went through an acting workshop kaya medyo naging at ease na siya sa trabaho namin. Ako naman, since I've more experience sa acting, I am here to support her. Kung meron siyang hindi magawang eksena, she can always ask me to help her.

"Pero so far, wala akong nakikitang hindi niya kaya. I know for a fact that Carla is not used to staying up late. Maaga nga raw siyang matulog parati and she's such a homebody. Pero dito sa set, nakikipagpuyatan siya. Sometimes umaga na kami natatapos but Carla is still up and full of energy. Sinanay na niya ang katawan niya sa trabaho namin."

"SHE'S A NATURAL." Sa assessment nga ni Geoff ng performance ni Carla as Rosalinda, pasado na ito sa kanyang debut role sa TV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She's a natural. Kuhang-kuha niya agad ang character niya sa series. And she's so refreshing to watch on TV rin. Lalo na when she smiles, parang tumitigil ang mundo sa ngiti pa lang niya.

"Overall, Carla is getting there. At nararamdaman ko na she wants this and she wants to do better pa. I can feel that she's out to do her best parati.

"Plus magaling kasi ang nagdidirek sa amin na si Direk Maryo [J. delos Reyes]. He really guided us sa taping namin. He really made Rosalinda an exciting show to watch out for."

Naikuwento rin ni Geoff na may mga nakunan na silang kissing scenes ni Carla. Ayaw pang masyadong magkuwento ni Geoff dahil gusto niyang abangan ito ng mga manonood.

"How does the first kiss feel with Carla? Well, my smile says it all! Hanggang doon lang ang puwedeng kong masabi," pabirong sabi ni Geoff.

At tulad nga ni Carla ay may kaba ring nararamdaman si Geoff dahil sa nalalapit na pagpalabas ng Rosalinda. Positive naman daw parati mag-isip si Geoff kaya alam niyang maganda ang kalalabasan ng kanilang show.

"I should be used to it na kasi ang dami ko nang series na ginawa in the past. But with Rosalinda, iba ang kaba na nararamdaman ko. Both Carla and I are very excited and at the same time we're kind of scared din. But that's okay. We know that we made a good show and we want people to see it.

"Base naman sa nakikita kong pagpunta ng mga tao sa taping namin dito sa Taal, curious din sila sa show namin at papanoorin daw nila ang Rosalinda. Ang tawag na nga nila sa amin dito ay Rosalinda at Fernando Jose. Kaya doon pa lang, malakas na ang dating ng show. We all pray that Rosalinda does well para sulit ang mga pinaghirapan namin sa taping," pagtatapos ni Geoff Eigenmann.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN