Rayver Cruz has not made moves to court Sarah Geronimo to avoid the "gamitan" issue

IMAGE 0


Young actor Rayver Cruz answers issues linking him to three ABS-CBN stars: Sarah Geronimo, Melissa Ricks, and Maja Salvador.


Bigla na lang pumasok ang isyu tungkol kay Melissa Ricks sa nananahimik na mundo ni Rayver Cruz noon. Nabulabog pati ang fans ni Sarah Geronimo, na kinikilig na sana nang husto sa mga pasaring na tipong nanliligaw na raw si Rayver sa Pop Princess.

Pero natatawa na lang si Rayver sa mga balitang ito.

"Nagulat nga ako, kasi may mga balita pang kesyo nagdi-dinner daw ako nang madalas sa bahay nina Melissa," sabi ng young actor sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nagtataka rin ako. Unang-una, hindi ko nga alam kung paano pumunta sa bahay nina Melissa. Imposible talaga!"

Dagdag niya, "Kami ni Melissa, tawa nang tawa. Nagkausap kami noon, sa airport pa lang, paalis na kami para sa Star Magic tour sa U.S., nabanggit ko sa kanya na natsitsismis na kami. Ka-close ko lang si Melissa, at magkakasama kami sa dressing room 'pag may ASAP '09. Si Kim Chiu also, Matt [Evans].

"Palagay ko, nagkatsimis na ganyan kasi kapag may mga show kami o parties na pinupuntahan, laging late si Matt, e. Nagkakasabay kami ni Melissa palagi. Ayun, akala nila, kami na. Magkaibigan lang kami ni Mel."

May sinasabing ang talaga raw kasintahan nitong si Melissa ay si Jake Cuenca. May alam ba si Rayver dito?

"Hindi ko alam!" ang tawa niya. "Tanungin n'yo sila. Wala talaga akong alam."

Nadulas ang dila ni Rayver sa pagsasabing "taken" na rin Melissa, gaya sa mga naunang na-link sa kanya—gaya ni Shaina Magdyao na may John Prats na. Binawi lang ni Rayver at sinabing si Shaina ang ibig niyang tukuyin.

SARAH GERONIMO. Aminado si Rayver na si Sarah na lang ang available na pupuwede talaga niyang ligawan. Pero ang totoo raw, never niya pang niligawan si Sarah. Dahil sa gamitan issue raw. Baka sabihin ng kung sino na nanliligaw lamang siya para makuhang katambal ang box-office star na si Sarah. May balak kasi ang Viva Films na pagtambalin sina Sarah at Rayver sa isang pelikula, pero ang ina na ni Sarah na si Mommy Divine ang tumanggi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala na rin akong magagawa kung tumanggi sila, o ayaw nila," sabi ni Rayver. "Nasa kanila naman yun, and I won't take it against any of them. Naniniwala naman ako na kung ano ang para sa akin, darating na lang yun.

"Mayroon pa naman sigurong ibang pagkakataon para sa akin. At saka yung gamitan, hindi naman totoo 'yan. Hindi nga lang maiaalis sa ibang tao na ganoon ang isipin sa akin dahil Sarah Geronimo na 'yan, e. Malaking pangalan na."

Napapailing na dugtong ng binata, "Yun din ang dahilan kung bakit ayokong pasukan ng panliligaw kay Sarah, dahil tiyak na 'yan ang sasabihin sa akin. Wala pa nga akong ginagawa, sinasabihan na akong nanggagamit. Wala naman akong magagawa talaga."

MAJA SALVADOR. Si Maja Salvador ang hindi pa nali-link kay Rayver sa mga naging leading ladies niya. Sila ang magkapareha sa May Bukas Pa, na humahataw pa rin ng ratings para sa ABS-CBN.

"May mga balita, pero 'pag may nakakakita sa amin ni Maja, talagang magkaibigan lang ang dating. At saka marami ring pumoporma sa kanya. Kumportable kami ni Maja sa isa't isa, pero hindi ko rin masasabi, e. Tingnan na lang natin," nakangiting sabi ni Rayver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN