Geoff Eigenmann on Carla Abellana: "Very special siya sa akin ngayon."

IMAGE 0


"We're very close friends," said Geoff of Rosalinda leading lady, Carla. "Kasi, yung bond na pinagsasamahan namin, it's something na hindi mo nakukuha with just anyone else. Of course, may mga emotion na rin that are invested na dahil sa ginagawa namin. At yung friendship namin, yung bond namin, mas lumalalim."


Masayang-masaya si Geoff Eigenmann dahil habang tumatagal, tumataas ang rating ng kauna-unahang primetime series nila ni Carla Abellana, ang Rosalinda. Pareho kasi nilang alam na kung anuman ang kahihinatnan nito, maaaring mag-reflect sa kanilang dalawa dahil tila pareho silang sinubukan ng network by giving them lead roles na pang-primetime.

"I'm very happy. Pinag-isipan talaga namin kung ano ang puwedeng gawin to make the show better. Kung ano ang sabihin ng director, sinusunod namin. And of course, for the better siya and everything's turning out good, very happy."

Natawa si Geoff nang sabihin namin na mukhang nagki-click na sa manonood ang Rosalinda simula nang nagpakita na sila ni Carla ng intimacy sa isa't isa.

"I guess so, pero totality naman, ang buong istorya, nagpi-pick up du'n. Fast-paced, ang daming nangyari. Biglaan. So, very happy with the total outcome of the show. Basically, ginagawa lang naman namin what roles asked for us. Kumportable naman kami sa isa't isa kaya nagagawa namin."

Even offscreen daw ay nade-develop na siya nang husto kay Carla.

"We're very close friends," nakangiti niyang sabi. "Very special siya sa akin ngayon. Kasi, yung bond na pinagsasamahan namin, it's something na hindi mo nakukuha with just anyone else.

"Marami naman times na we're together and of course, may mga emotion na rin that are invested na dahil sa ginagawa namin. At yung friendship namin, yung bond namin, mas lumalalim."

TAKING CARE OF CARLA. Marami ang nakakapansin, lalo na ng mga taong nakakasama nila sa taping, kung gaano siya maalaga sa leading lady niya. Obvious raw ang matinding attraction niya kay Carla.

Anong masasabi niya rito?

"Ganu'n?" natatawa niyang sabi. "One thing I can say right now, I'm very happy with what's happening in my life. Sa lahat, in all aspects, very happy ako. I couldn't ask for anything anymore."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanliligaw na nga ba siya?

"Nothing formal... nothing formal. Ano lang talaga, we're both focused on work. Pagandahin pa ang show para marami pang tao ang manood. So, bahala na lang siguro."

Itinanggi ni Geoff ang balitang nag-cut na raw ang director nila during their love scene, pero sila raw ni Carla ay tuloy-tuloy pa rin...

"Actually, nagulat nga kami when we found that. Very professional naman kami. We did everything na take one lang. Isang tuloy-tuloy na eksena. At noong nag-cut, we stop. Nag-hug lang kami. Parang good job. Ganu'n lang."

Noong magkasakit daw si Carla, siya raw ang nag-alaga at nagbantay rito?

"Inalagaan ko siya, not just because she's my leading lady but she's also someone special din naman. Sa taping siya nagkasakit and everyone naman is busy sa kanya-kanyang scene, so, habang wala akong ginagawa, nagbabantay ako sa kanya."

Yung rumored non-showbiz boyfriend daw kaya ni Carla ang dahilan kung bakit napipigilan siyang ligawan talaga ang dalaga?

"No, no... she's very focused on work talaga and nothing's hindering her from doing what's [she's] doing."

Naniniwala ba siyang single and free nga si Carla?

"Yes, I do, I do... she is."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN