Maja Salvador asks devoted suitor Carlo Aquino to cool off while her career grows hot

IMAGE 0


"Marami po kasing ibinigay na bagong show sa akin ang management ng ABS-CBN 2, kaya dapat lang pong mag-focus talaga nang husto sa trabaho. Kinausap ko siya na hindi na muna ako makakapag-reply [sa text niya], hindi ako makakasama sa kanyang lumabas."


Naloloka si Maja Salvador sa intriga sa kanila ni Angel Locsin pagkatapos niyang lumipat sa JellyBean mula sa dati niyang clothing endorsement na Folded & Hung.

Totoo raw bang feeling ni Maja na nasasapawan siya ni Angel dahil mas marami itong billboard sa kanya, kaya siya umalis ng F&H at lumipat sa JellyBean?

"Naku, hindi po!" mariing tanggi ni Maja. "Kasi po yung designs ng mga damit ng JellyBean mas bagets po at saka mas Maja. Yung kasi F&H, mas sexy yung mga designs ng clothes nila na bagay naman po talaga kay Ate Angel. Hindi ko pa kaya kasing mag-backless or magpa-sexy. Ito pong JellyBean mas young...

"Naku, huwag naman kaming intrigahin ni Ate Angel, love ako n'on. Nakakahiya naman po sa kanya," nag-aalalang sambit ni Maja.

"Pero babalik din naman po sa F&H, sabi po ni Mr. Ronald Pineda, pag kaya ko nang magsuot ng mga mas sexy na damit. Sila rin po ang nag-decide na ilipat ako kasi sister company din naman ng F&H ang JellyBean," paliwanag ni Maja.

Yun nga lang, kay Megan Young naman na endorser rin ng JellyBean ang iniintriga sa kanya ngayon. Sabi-sabing baka raw magkaroon sila ng rivalry o patalbugan.

"Naku, wala pong gano'n. Walang mangyayaring gano'n. Kasi po kami ni Megan parehong Kapamilya, wala pong gano'n. Actually, halos magkaparehas nga kami ni Megan dahil ngayon lang kami nagiging conscious sa pagdadamit namin. Dati kasi hindi naman kami puma-fashion. Ngayon kasi medyo nao-orient na po sa ganitong mundo," esplika ni Maja.

Inamin niya na pinagsasabihan raw sila ng mga taga-ABS-CBN na lagi silang mag-ayos kahit saan sila pumunta para masabing artista sila. Kaya nagi-effort na ngayon ang young actress na magbihis nang maganda.

COOL OFF WHILE CAREER HOT. Samantala, ibinalita ni Maja na apat na buwan na silang hindi nag-uusap at nagkikita ng manliligaw niyang si Carlo Aquino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May kinalaman raw ito sa pagiging busy ni Maja ngayong marami siyang projects sa ABS-CBN.

Pangawalang beses nang ginawa ni Maja na patigilin muna si Carlo sa pagdalaw-dalaw at pagti-text sa kanya.

"Marami po kasing ibinigay na bagong show sa akin ang management ng ABS-CBN 2 kaya dapat lang pong mag-focus talaga nang husto sa trabaho. Nag-usap naman po kaming dalawa. Parang bastos naman po ako kung isang araw ay hindi ako magri-reply sa text niya o sa mga tawag niya at bigla ko na lang siyang dedmahin.

"Kinausap ko siya na hindi na muna ako makakapag-reply, hindi ako makakasama sa kanyang lumabas," paliwanag niya.

Maging ang katatapos na birthday ni Carlo ay nakalimutan ni Maja. Kahit birthday greetings sa text ay hindi man lamang pinadalhan ni Maja.

Inirason ni Maja ang magdamagang taping niya para sa bagong soap na Nagsimula Sa Puso, kasama sina Jason Abalos, Coco Martin at Nikki Gil. Alas-onse na raw nang umaga no'ng biyernes siya natapos.

"Masyado po kasing mahirap yung new soap na ginagawa namin. Kakaiba po kasi. Masyado po akong nagpu-focus sa mga pagbabasa ng script, ng mga lines. Ibang Maja po ako dito," kuwento niya.

Inamin naman ni Maja na nagi-guilty rin siya sa nakalimutang birthday ni Carlo pero babatiin rin raw niya ito sa text kahit tapos na ang kaarawan nito.

NO DATES WITH SAM. May bali-balitang si Sam Milby na raw ang pinagkakaabalahan ni Maja ngayon. Mas gusto pa raw nitong makipag-text kay Sam kaysa kay Carlo, na itinanggi naman ng magandang aktres.

"Oy, hindi naman po. Kahit itanong ninyo kay Sam, hindi naman kami madalas mag-text sa isa't isa."

Itinanggi ni Maja ang balitang nanliligaw sa kanya si Sam. Lalong hindi rin sila madalas lumabas.

"Hindi po kami dalawang beses lumabas. Sinong nagsabi niyan? Paano naman kami lalabas kung busy ako sa trabaho at siya rin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga nakakita raw sa kanilang nagkakape sa isang coffee shop.

"Ha? May oras pa ba si Sam na magkape? Hehehe! Parang busy naman siya sa trabaho niya, di ba?' patuloy na tanggi ni Maja.

Ayaw nang sagutin ni Maja ang iba pang balita na siya raw ang mas madalas mag-text kay Sam. Itinuturo niya ang singer-actor na magsalita at sabihin kung totoo ngang madalas siyang mag-text dito.

WORK IS PRIORITY. Wala pa raw sa isip ni Maja ang magkaroon ng boyfriend dahil mas priority niya ang magtrabaho.

Wala rin raw dapat na sumulpot na isyu sa kanila ng ex-girlfriend ni Sam na si Anne Curtis dahil wala raw anumang namamagitan sa kanila ng actor-singer.

"Wala pong ligawan, wala pong kahit ano sa amin ni Sam. Nagti-text siya dati, nakakapag-reply naman ako dati, pero hindi iyon nagtuluy-tuloy. Magkaibigan lang po kami. Magkapatid po kami sa ABS-CBN 2. Tapos nag-tour pa po kaming mga kasama niya sa Star Magic."

Natuturete si Maja sa mga isyu sa kanila ni Sam at hindi niya tuloy maisip kung paano ba sila nagkaroon ng communication at naging magkaibigan.

"Bakit ba si Sam ang natatanong sa akin? Hindi ko nga alam kung paano kami naging close. Kasi iniisip ko kung may show ba kaming pinagsamahan na soap? Wala naman po. Pero kung yung mga provincial shows po, last pa po yun, ang tagal na. Hindi ko nga po alam kung bakit kami nali-link na dalawa."

CARLO'S WAITING STATUS. Waiting list pa rin ang status ni Carlo sa buhay ni Maja. Kung willing pa rin raw na maghintay sa kanya ang actor, hindi niya ito pipigilan. Pero kung magsasawa na ito sa kahihintay, wala siyang magagawa kundi tanggapin ang desisyon nito.

Sabi nga namin kay Maja, baka makarma siya? Kung kailan mahal na niya si Carlo ay saka naman hindi na siya mahal nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga po sa last interview ko, if ever na ready na ako at siya naman ay meron nang iba, kasalanan ko ito at pinili ko ang sobrang pagpapahalaga sa work. Sobrang napaka-importante po sa akin ang work."

Simple lang ang wish ni Maja sa birthday ni Carlo, yun ay ang magkaroon raw ito ng mas marami pang projects.

"Deserve niyang magkaroon pa ng maraming projects, mas maraming trabaho kasi sa totoo naman talaga napakagaling niyang artista.

Inaamin ni Maja na kasalanan rin niya kung bakit umasa sa kanya si Carlo at pinatigil na naman niya ang actor sa panunuyo sa kanya sa pangalawang pagkakataon.

"Masyado lang kasing iniisip ko po yung work ko. Ang mali ko rin, na-entertain ko siya. Tapos, mapupunta rin sa wala."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN