Carla Abellana talks about recent collapse on set of Rosalinda

IMAGE 0


"Na-feel ko lang na yung blood, nag-rush pababa ng katawan ko, tapos, nawalan na 'ko ng control over my body at nag-collapse na 'ko," described the neophyte actress, who still has to get used to the grueling schedule of a telenovela.


Among Marian Rivera's guests sa kanyang birthday party na ibinigay ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde sa Imperial Palace Suites last August 20 ay si Carla Abellana.

Noong unang lumabas ang balitang si Carla ang gaganap na bidang babae sa Rosalinda ay agad na inihalintulad siya kay Marian dahil pareho silang gumanap ng role ni Thalia sa dalawang Mexican series na sumikat sa bansa. Pero kung inaakalang magiging issue ito sa dalawa, they proved their detractors wrong, dahil si Marian pa ang unang nagpapakita ng suporta sa baguhang si Carla habang si Carla naman ay patuloy ang pasasalamat kay Marian.

Carla who is always smiling ay mas lalo pang napapangiti ngayon dahil sa mataas na rating na ine-enjoy na ng Rosalinda.

Aniya, "Ay naku, masayang-masayang-masaya! Every taping day, may motivation kami to do better. Gusto naming ibalik sa mga fans ang suportang ibinibigay nila sa amin. Talagang thankful kami na finally, ang taas na ng rating and hopefully, maging consistent siya."

DARNA EFFECT. Tanggap naman ni Carla na dahil nga raw sa pagpasok ng Darna na nagtala agad ng mataas na rating, tila nahatak nito pataas ang iba pang primetime show ng GMA.

"Oo naman! Okey naman, di ba? Wala namang problema!" nakangiti pa rin niyang sabi. "Anything naman that could help the show, siyempre, team effort pa rin 'yan, GMA pa rin 'yan, okey lang, yes."

Since she's at the birthday party of Marian, does it show na wala talagang dapat iintriga sa pagitan nila?

"Wala naman, wala naman. I'm always here to support her at isa akong tagahanga ni Ms. Marian Rivera at masaya ako na nandito ako."

May birthday wish ba siya para kay Marian?

"Good health, happiness and a more successful career."

COLLAPSED ON SET. Dahil na rin siguro sa sobrang pagod at puyat at masasabing hindi pa rin sanay ang katawan niya sa trabahong showbiz, kailan lang ay nag-collapse raw siya sa taping ng Rosalinda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-feel ko lang na yung blood, nag-rush pababa ng katawan ko, tapos, nawalan na 'ko ng control over my body at nag-collapse na 'ko."

Dugtong din niya, "I guess, nag-uumpisa pa lang ako. Medyo nag-a-adjust pa rin ang katawan ko at medyo mabigat din kasi yung mga eksena na ginagawa namin."

Two days lang daw siyang nagpahinga at okey na raw siya. Ayon sa doctor kunsaan isinugod sa hospital si Carla at nilagyan ng dextrose, na-trace na meron siyang tachycardia, hypoglycemia at dehydrated din daw siya although minor lang naman daw at magagamot din.

Sa lahat daw ng yun, hindi nga siya iniwan ng kanyang leading man na si Geoff Eigenmann who stayed beside her hanggang sa maubos daw ang laman ng dextrose niya.

Natatawang umamin si Carla, sabay sabi nang, "Never naman talaga niya akong iniwan. Palagi naman siyang nandiyan. He's always concerned at palaging nag-aalaga. I'm thankful for that."

TREATMENT. Anong pag-iingat naman ang ginagawa niya ngayon?

"May mga gamot na ibinigay yung doctor. Nagpahinga 'ko ng two days. Sa house lang ako, hindi ako natutulog. Kumakain ako ng maraming banana at maraming energy drinks, Gatorade, ganyan."

Sa ngayon daw, mas lalo niyang nakikita kung gaano nga kahirap ang buhay artista and it's not at all glamour lang...

"Mahirap, mahirap ang buhay artista. Nakikita ko na siya at mas lalo kong naa-appreciate. Pero siyempre, tuloy-tuloy lang ang trabaho at ibabalik namin sa lahat ng manonood... my goodness, yung suportang ibinibigay ng mga fans."

Nararamdaman na rin daw niya ngayon ang ginagampanang role na Rosalinda dahil kahit nasaan siya, yun na ang tawag sa kanya.

"Makikita mo talaga na iba-iba yung age group na nanonood, so, varied siya. Ang daming sumusporta. Ang tawag sa akin Rosalinda. Napakasarap ng feeling na ang daming sumusuporta sa show at sa aming dalawa ni Geoff. Very thankful naman kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HONEYMOON SCENE. Sa ngayon, looking forward raw sila if ever nga na mabigyan din sila ng chance ni Geoff na gumawa ng movie.

"Why not?! That would be great, di ba?"

On their next project, wish daw niyang sana nga, sila pa rin ang magka-loveteam.

"Why not? Okey na naman kami kaya sana, magtuloy-tuloy siya."

After ng honeymoon scene nila, kunsaan ipinakita nga ang love scene nila, ano na nga ba ang talagang napi-feel nila sa isa't isa ngayon?

"Ako, thankful ako na nandiyan si Geoff. Never talaga niya akong iniiwan. Palagi niya akong tinutulungan. Palagi niya akong inaalagaan, so, thank you, thank you to him."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN