Sam Milby does not want to be dragged into the rumored Angel-Luis breakup

IMAGE 0


"Hindi naman ako kasali sa anumang naging problema nila. I don't know why I'm being involved. Maybe I'm one of the love team [partners] of Angel in her last show [Only You], but I don't think I should be dragged into this issue. I can say there's no reason why I should be involved sa breakup nila," says Sam Milby.


Sa nakaraang presscon ni Maja Salvador para sa isang clothing line, naungkat ang tungkol sa pagte-text nila ni Sam Milby at ang balitang muntik-muntikan na raw na panliligaw ng Fil-Am actor sa young actress.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Sam sa nakaraang mock-up contract signing ng Star Magic para Star Magic World Tour, na gaganapin sa November 13 sa Araneta Coliseum, agad niyang itinanggi ang nabalitang panliligaw kay Maja. Pero hindi naman niya ipinagkaila na totoong may crush siya sa young actress.

"We're good friends naman. There are times na we hang out, but never naman nag-date or anything," paglilinaw ni Sam. "I didn't also make any ligaw. I just want us to be friends. And I don't think there's anything wrong with that.

"I won't deny I have a crush on Maja before, alam niya yun. I find her very, very nice. She's really nice, she's very beautiful, and she's talented. Up to now, I still admire her. I know she has a show coming out, and I'm happy for her."

Huminto na rin daw sa pagte-text sina Sam at Maja sa isa't isa. Ayon sa usap-usapan, ang aktres daw mismo ang nagsabi sa aktor na huminto na ito sa pagtete-text sa kanya, lalo na't nai-intimidate daw ito sa estado ngayon ni Sam as one of the hottest male stars ng bansa. Ano ang reaksiyon dito ni Sam?

"It don't make any difference, so there's no reason to be intimidated," sagot niya. "We just stopped texting. Wala, wala namang dahilan."

ANGEL-LUIS RUMORED BREAKUP. Nadadawit naman ang pangalan ni Sam sa balitang breakup nina Angel Locsin at Luis Manzano. Sinasabing si Sam daw ang "third party" sa hiwalayan diumano ng dalawa.

Itinatanggi ito nang madiin ni Sam.

"It shouldn't be, it really shouldn't be," diin niya. "Hindi naman ako kasali sa anumang naging problema nila. I don't know why I'm being involved. Maybe I'm one of the love team [partners] of Angel in her last show [Only You], but I don't think I should be dragged into this issue. I can say there's no reason why I should be involved sa breakup nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SM CINEMAS. Pinanghinayangan ng marami na hindi naipalabas sa SM Cinemas ang huling pelikula ni Sam with Bea Alonzo and Derek Ramsay, ang And I Love You So, dahil sa gulo noon sa pagitan ng Star Cinema at SM Cinemas. Ngayong naayos na ang problema between Star and SM, masaya siya na ipapalabas na ang In My Life nina Vilma Santos, John Lloyd Cruz, at Luis Manzano sa SM Cinemas.

Aniya, "Happy ako for them. I don't think SM would want to miss out on Vilma's comeback movie. Siyempre mas maganda kung yung movie namin ni Bea, nai-showing sa SM. Pero happy pa rin kami na ang daming nagsasabi na maganda at happy sila sa movie namin. Bea also announced in ASAP na naka-100 million [pesos] kami. So, happy kami. Pero siyempre sana nag-show pa rin kami sa SM, para mas marami sana ang nakapanood."

After ng success ng And I Love You So, magkakapareha uli sina Sam at Bea sa isang episode ng weekly drama anthology na Your Song.

Nasa cast din ng pelikulang Ang Tanging Pamilya si Sam, kung saan kasama rin sina former President Joseph Estrada, Ai-Ai delas Alas, at Toni Gonzaga.

A LOSS IN THE CREW. Matatandaang ang isang camera man ng pelikula nila, si Fernando Estrada, ang nasawi sa paglubog ng SuperFerry 9 noong September 6. Galing noon ang staff and crew ng Ang Tanging Pamilya sa General Santos City upang kunan ng ilang eksena si Mommy Dionisia Pacquiao, na kasama rin sa pelikula. Pero sa kasawiang-palad, pagbalik nila sa Maynila ay naganap ang malagim na trahedya kung saan namatay ang sampung pasahero, kabilang na nga si Estrada o "Kulot."

Isa si Sam sa nakikiramay sa pagkamatay ng kanilang camera man.

"Nakakalungkot siyempre na namatay si Kulot, but very, very thankful ako na mas majority nakaligtas. But I'm just sorry for Fernando. Naaawa nga rin ako sa ibang mga survivors 'cause some of them waited six to nine hours yata para sa rescue boat. Dumalaw ako sa wake niya in Bulacan," saad ni Sam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon sa actor-singer, nag-resume na sila ng shooting last Friday, Sept. 11, pagkatapos maantala ito ng ilang araw bilang pakikiramay ng grupo ng Ang Tanging Pamilya kay Kulot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN