Geoff Eigenmann refuses to comment on his mom's intriguing Facebook message about Krista Ranillo

IMAGE 0


"Anuman yung gusto kong sabihin, somebody will take it in a different way and make a thing about that. So, as is na yun. Bahala na ang mom ko," says Geoff Eigenmann about actress-director Gina Alajar's intriguing message on Facebook about Krista Ranillo.


Bagama't nagbigay na ng pahayag si Manny Pacquiao at ang asawa niyang si Jinkee tungkol sa kontrobersiya ng pagkakaroon diumano ng kaugnayan ng Pambansang Kamao sa aktres na si Krista Ranillo, patuloy pa ring pinag-uusapan ang tungkol dito.

Lalo pa itong nagiging talk of the town dahil na rin sa paglabas ng iba't ibang komento at pahayag tungkol sa isyung ito. Katulad na lamang ng pagsusulat ng director-actress na si Gina Alajar sa kanyang Facebook status ng isang malamang mensahe patungkol kina Manny at Krista.

Ayon sa Facebook account ni Gina, "If I am Jinkee Pacquiao I will not give up Manny... Krista Ranillo is not at all worth it!!!" May bulung-bulungan kasi na nagkaroon din daw ng relasyon si Krista sa dating asawa ni Gina na si Michael de Mesa, pero wala namang direktang sinabi si Gina tungkol dito.

Nagkataon namang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang anak ni Gina na si Geoff Eigenmann kaya inusisa namin ang aktor tungkol dito.

"I honestly would not like to say anything about that. Wala, yun na yun. No comment at all," pag-iwas ni Geoff. "Kasi lalaki na naman, e. Anuman yung gusto kong sabihin, somebody will take it in a different way and make a thing about that. So, as is na yun. Bahala na ang mom ko."

Pero ano ang feeling niya towards Krista?

"Well, nung bata ako, friends kami. Pero now 'pag nagkikita kami, hi and hello lang. I don't really know her as a person now. So, wala, I have nothing to say, nothing at all," sabi ng young actor.

CARLA ABELLANA. Dahil ayaw na ngang magkomento ni Geoff tungkol sa mainit na isyung pinag-uusapan ngayon ay hindi na namin siya kinulit tungkol dito. Bumaling na lang ang pagtatanong namin sa pagtatapos sa November 27 ng pinagbibidahan nilang teleserye ni Carla Abellana, ang Rosalinda. Magkahalong feelings daw ang nararamdaman ni Geoff ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, malungkot kasi matatapos na yung pinaghirapan namin. Pero happy rin ako kasi maganda naman yung naging resulta ng first team-up namin ni Carla. Maganda rin yung pagtanggap ng mga tao sa soap namin. Sana abangan ng mga manonood itong huling linggo ng Rosalinda dahil marami pang mangyayari, marami pang drama. Dapat ding abangan kung mapupunta pa rin ba kay Fernando Jose si Rosalinda."

Biniro namin si Geoff na hindi naman niya mami-miss si Carla dahil may mga susunod pa silang gagawing TV projects together. Magkasama rin sila ngayon sa SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen.

Totoo bang may gagawin din agad silang bagong soap pagkatapos ng Rosalinda?

"Ewan ko kung pwede nang sabihin, e. Pero alam ko, isa dun sa mga bagong ginagawa nila ngayon. I think for next year na siya. And alam ko magkasama pa rin kami ni Carla. It's actually somebody else's love- team show and ipapasok yung love team namin," banggit niya.

Yung Last Prince ba ito na ginagawa ngayon nina Aljur Abrenica at Kris Bernal?

"Yes, sinabi niyo na, e. Hindi na lang ako magbibigay ng iba pang details," pagkumpirma niya.

How about a movie, magkakaroon ba sila ni Carla?

"Yun ang hindi pa namin sure. Naririnig naming may mga usapan na meron, pero wala pang story."

Ano ang feeling na hindi pa pinaghihiwalay ang love team nila ni Carla?

"Very thankful kasi happy naman kami sa tandem namin. We enjoy working with each other. Parang basa na namin ang isa't isa. So, alam na namin kung ano yung mga dapat at hindi namin dapat gawin sa mga eksena. Very happy naman kami," sagot ni Geoff.

So, nasaang level na ang relationship nila ni Carla?

"Ganun pa rin. We're still good friends. Hindi muna magbabago 'yan any time soon. Kasi we have to focus on our jobs first, on our careers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit parang mas controlled ang pagpapahayag ng damdamin niya ngayon para kay Carla kumpara noon na kulang na lang ay ligawan na niya si Carla?

"Ganun ba? Hindi naman. Binubuko mo ako, e!" tawa niya. "Siyempre, kailangan may pakilig. Basta nag-e-enjoy kaming magkasama. And that will stay muna as that."

PANDAY. Masaya rin si Geoff na matutuloy na ang pagpapalabas ng Ang Panday, na entry ng GMA Films at Imus Productions sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre. Ginagampanan ni Geoff ang role ni Celso, na makakasama ni Panday, played by Sen. Bong Revilla, sa paglalakbay nila para iligtas si Iza Calzado.

"Very happy, siyempre. Nung malaman ko nga na tuloy siya for filmfest, naging masaya talaga ako. Kasi we expect it talaga for filmfest. And siyempre 'pag time ng filmfest, time for the family 'yan, e. And bagay na bagay yung Panday kasi for the whole family talaga siya. It's something to look forward to this Christmas."

First filmfest movie daw ito ni Geoff kaya talagang excited siya.

"Excited na akong makasakay sa float at makasama sa parade."

How is it working with Sen. Bong Revilla?

"Okay naman. Very professional siya. Masaya kami sa set. At saka nag-e-enjoy kami sa ginawa namin, puro fight scenes."

Si Rhian Ramos ang katambal niya sa Panday. May mga lumabas na isyu na kaya raw hindi matuluy-tuloy ang panliligaw niya kay Carla ay dahil kay Rhian. Totoo ba ito?

"Ganun?" sabay tawa ni Geoff. "Ganun naman talaga, e, pag artista ka, mali-link ka kung kani-kanino. People can say anything they want. Kung makita lang nila kasi kaming magkasama, ile-label na nila agad 'yan. Basta Rhian and I are good friends. Parang kami ni Carla, good friends."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN