Carla Abellana names six actors as her wish list for leading man

IMAGE 0


Surpisingly, the beauteous actress has never been courted by an actor. Probably because dad Rey "PJ" Abellana is reputed to be strict. "Ay, sobra! Kulang na lang maglabas ng baril," Carla laughingly agreed.


Sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), tinanong namin si Carla Abellana kung sino ang top five actors na gusto niyang maging leading man sa pelikula man o sa telebisyon.

Of course, hindi na dapat kasali si Geoff Eigenmann sa listahan dahil nakapareha na niya ito sa Rosalinda at sa SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen.

"Hmmm, anim e. Siguro sina Dingdong Dantes, Richard Gutierrez, Dennis Trillo, Jake Cuenca, JC De Vera and si Mark Anthony Fernandez.

Sa mga aktres naman, sino ang mga gusto ni Carla na makatrabaho sa harap ng kamera?

"Kahit sino, wala akong favorite... ay, lola ko, favorite ko."

Ang lolang tinutukoy niya ay walang iba kundi ang sikat na bituin ng 1950s na si Ms. Delia Razon.

Uso ang mga artista search, pero hindi naisip ni Carla na sumali sa mga ganitong uri ng contest para makapasok sa showbiz. Pero noong bata pa siya, may nag-offer na sa kanya na mag-artista.

"Offers na mag-Ang TV, offers na mag-movie."

Pero at that time, ayaw pa ni Carla at ng kanyang mga magulang na mag-showbiz siya. Mas gusto kasi nila na mag-aral muna siya.

STRICT FATHER. Tinanong ng PEP kung sa edad niyang 23 ay nagka-crush pa siya, at kung meron ay sino?

"Hindi ako masyadong ma-crush, e," ang sagot ng dalaga. Pero ang qualities na hinahanap niya sa isang lalaki ay, "Basta mabait, basta ang sa akin naman ang importante ay yung personality, yung ugali."

Napag-alaman ng PEP na mahigpit daw ang amang si Rey "PJ" Abellana pagdating sa mga manliligaw.

"Ay, sobra! Kulang na lang maglabas ng baril," natatawang sinabi ng dalaga.

Pero meron pa ring nakakapag-akyat ng ligaw "kahit papaano," inamin ni Carla. "Malaki na ako and binibigyan ako ng space ng daddy ko, nag-a-adjust na rin siya."

Kinakaliskisan ba ng daddy niya ang mga manliligaw niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi naman, he's nice naman."

Wala pa palang artistang nanligaw kay Carla. "Never pa."

Dalawa pa lang ang naging boyfriend niya na parehong hindi taga-showbiz.

"My first BF lasted for two and a half years, then my second lasted for five years."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN