Pinoy Big Brother Double Up Big Five will grace Baguio's Panagbenga festival

IMAGE 0


The Big Five of Pinoy Big Brother Double Up—(from left) Tibo Jumalon, Jason Francisco, Melai Cantiveros, Paul Jake Castillo and Johan Santos—will grace the famous flower festival of Baguio this weekend.


Siguradong magiging mainit ang pagtanggap ng mga taga-Baguio sa limang pinaka-in demand na TV personalities ngayon—ang kalalabas lamang ng bahay ni Kuya na PBB Big Five, plus ang mga nagse-seksihang sina Angelica Panganiban a.k.a. Rubi, Dance Princess Maja Salvador, at ang funny actress-singer na si Cacai Bautista.


Ang mga nabanggit na Kapamilya stars ay mamumukadkad sa "Flower Festival" o Panagbenga, kung saan maaaliw ang lahat sa kagandahan ng mga bulaklak na ipaparada sa February 27, 4:00 p.m., sa SM Baguio.

Ang Big Five ay binubuo nina "dad of steel ng Cagayan de oro" na si Tibo, "cutie server ng quezon city" na si Johan, "boy astig ng Mindoro" na si Jason, "negosyo prince ng Cebu" na si Paul Jake at ang Big Winner na si "Inday kengkay ng Gerneral Santos" na si Melai.


Siguradong magpapakita ng alindog at charm si Rubi kasama ang Dance Princess sa isang production number, habang walang dudang sasakit naman ang mga tiyan ng mga Ilocano sa katatawa sa mga jokes at hirit ni Cacai.


Maraming sorpresa, games at freebies na nag-aabang kaya bisitahin ang very scenic na Baguio City para sa Panagbenga Festival. Ang Kapamilya Karavan na ito ay handog ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN