Carla Abellana: "Between my work and Geoff, mas pipiliin ko ang trabaho."

IMAGE 0


"Maganda ang relationship namin ni Geoff. Nagtutulungan kami, e. Walang selosan, walang commitment, promises to each other. So kapag naging kami, pumasok na yung selosan or anumang away 'yan, puwede talagang magulo ang trabaho at ayokong i-risk," says Carla Abellana about her working relationship with Geoff Eigenmann.


Hindi naman siguro masisisi ang entertainment press kung paulit-ulit na tinatanong sa magka-love team na sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann kung sila na nga ba sa totoong buhay.

"Hindi pa," ang consistent na sagot ng dalawa. Pero iba naman kasi ang nakikitang sweetness nilang dalawa tuwing nakikita sila ng press people.

Kaya nang muling makaharap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carla sa presscon ng pinagbibidahan nilang Sine Novela ni Geoff, ang Basahang Ginto, noong Miyerkules ng gabi, May 20, sa 17th Floor ng GMA Network Center, ay kinumusta naming muli ang estado ng kanilang relasyon ng young actor.

"Ganun pa rin. Tawagan pa rin kami. Nagte-text kami. We go out on dates. Although medyo ngayon, dahil busy kami sa Basahang Ginto, hindi na kami masyadong nakakalabas. Kung magkasama man kami, it's because of work," sagot ni Carla.

Giit ng dalaga, hindi pa talaga sila magkasintahan ni Geoff.

Aniya, "Hindi pa, hindi pa talaga. Hindi pa kami mag-boyfriend. Hindi ko pa siya sinasagot. Sabi ko nga, wala naman sa tagal 'yan, bakit ba? Hindi naman kami nagmamadali. Nanliligaw pa rin siya and nandun yung constant effort niya na mapabilib niya ko."

Hindi ba siya nape-pressure sa paulit-ulit na tanong kung sila na nga ba ni Geoff?

"Sa totoo lang, nape-pressure kasi," pag-amin ni Carla. "Palaging 'yan ang tanong kung kami na. Kasi alam kong okey lang naman si Geoff. Hindi siya nagmamadali. Okey lang sa kanyang patagalin ng konti. Kasi, di ba, okey naman? Kung hindi man maging kami, at least we share something special already."

What's stopping her?

"I guess, ayoko na kahit ano to get in the way with my work. Kasi, seryoso, between my work and Geoff, mas pipiliin ko ang trabaho," deklara ni Carla.

Makakasira ba si Geoff sa work niya kung sakali man?

"Puwedeng magulo ang trabaho dahil sa lovelife bilang pareho kaming nasa show business. Ayoko lang talagang i-risk ang trabaho ko lalo na ngayong maganda ang takbo. Puwedeng maging sagabal, pero not necessarily naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tingnan mo ngayon," patuloy niya, "maganda ang relationship namin ni Geoff. Nagtutulungan kami, e. Walang selosan, walang commitment, promises to each other. So kapag naging kami, pumasok na yung selosan or anumang away 'yan, puwede talagang magulo ang trabaho at ayokong i-risk."

WELCOME TO THE FAMILY. There's no doubt na welcome na welcome si Carla sa pamilya ni Geoff at gusto siya ng mga ito. Ano ang masasabi ni Carla dito?

"Kaya nga, e...nakakatuwa. Pero alam ko naman na hindi lang towards me kasi ganun na sila towards everybody. Kasi, napansin ko kung sinuman ang kaibigan ni Geoff, or ni Ryan [Eigenmann, Geoff's elder brother], welcome talaga sa family nila," saad niya.

Sa hiwalay na panayam ay sinabi ni Geoff na kapag wala si Carla sa family gatherings niya ay siguradong hahanapin ito ng mga kamag-anak niya. Ano ang reaksiyon dito ni Carla?

"Well, what I'm trying to say is everybody's welcome pagdating sa family niya," sabi niya. "And I'm very thankful for that kasi iba ang trato nila sa akin, e. Napaka-sweet nilang lahat. Parang kaibigan yung turing nila sa akin."

SURPRISE DINNER FOR GEOFF. Noong nakaraang birthday ni Geoff sa Bohol, may napakabonggang effort daw na ginawa si Carla para sa young actor. Ano ba ang ginawa niya?

"Hindi naman bonggang effort!" natatawang sabi ni Carla. "Nag-plan ako ng dinner for him and his family and he didn't know about it. So, dinala ko siya sa isa sa pinakapaborito kong lugar sa Pilipinas."

Totoo bang ginawa ito isa sa maituturing na pinakabongga at pinakamamahaling resorts sa Pilipinas?

"Pinakabongga?" tawa ulit ni Carla. "Well, pinakabongga kasi favorite ko yun, e. So, nag-dinner kami sa resort na yun. Nag-enjoy kami. Ang pinakamaganda dun, na-surprise ko talaga siya [Geoff] nang husto."

Totoo bang naiyak si Geoff sa ginawa niya?

"Naiyak daw...siguro na-touch siya. Hindi niya ine-expect yun, e. It was really a surprise. He didn't see it coming and siguro, hindi rin nangyayari ng madalas yun sa buhay niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagulat daw ang pamilya ni Geoff sa pagiging generous niya?

"Hindi naman.... Ganun lang talaga ako kapag espesyal sa akin ang tao. Kahit kaibigan naman na mahal na mahal ko, kahit relatives," sabi ni Carla.

Generous din ba siya sa kanyang past relationships?

"Ganun kasimple, pero bongga. Ganun ako ka-all-out kapag malapit sa akin ang tao. Kapag special sa akin ang tao, ibibigay ko sa kanya ang lahat. Kung ano ang ibinigay mo sa akin, ibabalik ko lang sa 'yo."

For her to do such a big thing, ibig sabihin ay ganun kaespesyal si Geoff sa kanya?

"Ganun naman talaga siya kaespesyal sa akin and it was all worth it," nakangiting saad ni Carla.

Sabi namin kay Carla, ito ang dahilan kaya marami sa entertainment press ang hindi makapaniwalang hindi pa sila.

"Kung sabagay, sino ba naman ang lalakeng gagastusan ko ng ganun, di ba?" natatawa niyang sagot. "Pero hindi talaga..."

Sa June 12 naman ay ise-celebrate ni Carla ang kanyang 24th birthday. What if si Geoff naman ang magbigay ng sorpresa sa kanya?

"Ayokong mag-expect kasi siyempre meron na akong pinaplano for myself sa birthday ko," sabi ni Carla. "Kasama naman, pero maliit na gathering lang sa bahay. Wala naman akong ine-expect from him. Ang alam ko nga, may trabaho pa ako on my birthday, so we'll see na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN