Carla Abellana, shooting on location for a new movie, gets a surprise visit from Geoff Eigenmann

IMAGE 0


Carla Abellana admits that Geoff Eigenmann is courting her. "It's been several months [already]. Okay naman. Very sincere naman po siya and serious about me."


Grateful. That's how Carla Abellana feels about her career which GMA-7 has nurtured these past two years. Enjoy raw ngayon ang young actress sa kanyang showbiz stint.

"Yes, definitely!" sabi ni Carla nang ma-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Thursday, October 14, sa Pinaglabanan, San Juan, sa location ng Shake, Rattle & Roll XII ("Punerarya" episode).

Directed by Jerrold Tarog, ito ang entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival sa December.

"At first, it was very difficult," sabi niya. "There were times when I wanted to give up [acting] na talaga, kasi it's harder than I thought... harder than I expected and imagined. Pero I've learned to love my job, so it's worth it, lahat ng pagod at puyat."

Sanay si Carla sa puyatan sa set, matapos magbida sa tatlong malalaking teleserye (Rosalinda, The Last Prince, at Basahang Ginto), isang weekly series (SRO Presents... Carinderia Queen), at isang full-length comedy, Mamarazzi, na dinirek ni Joel Lamangan.

But what interests fans of Carla Abellana these days ay ang team-up niya with young actor Geoff Eigenmann matapos silang magtambal sa SRO Presents... Carinderia Queen.

Lately, usap-usapan ang umano'y masugid na panliligaw ng binatang anak ni Gina Alajar sa dalagang aktres na si Carla Abellana, who is in her early 20s and a graduate of Psychology from De La Salle University (DLSU) in Manila.

Tulad ni Geoff, artista rin sa telebisyon at pelikula ang mga magulang ni Carla. Her dad is former matinee idol, Rey "PJ" Abellana, while her mom, the former Rhea Reyes, is the daughter of veteran actress, Delia Razon, Carla's grandmother.

GEOFF'S COURTSHIP. So, how's Carla and Geoff, as a love team, at kumusta rin ang balitang panliligaw sa kanya ng binatang aktor?

"Okay naman po ako... [Geoff] is courting me," simpleng pag-amin ni Carla. "It's true that he's courting me. It's been several months [already]. Okay naman. Very sincere naman po siya and serious about me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Geoff is a good person. He only has good intentions for me, so okay naman po."

Nabanggit ni Carla ang mga ito sa isang interview with PEP, habang hindi pa dumarating sa set ang kapwa niyang Kapuso actor. Within 30 minutes, namataan na ng PEP si Geoff sa tabi ng nililigawang aktres, who was waiting for her cue sa susunod na kukunang eksena.

COPING WITH HEARTBREAKS. If ever, si Geoff na kaya ang magiging una niyang boyfriend?

"Hindi naman po," matapat na pag-kumpirma ni Carla hinggil sa kanyang love life. "Nagkaroon na po ako non-showbiz [boyfriend]. Nung nasa high school and college po ako."

Kabilang dito ang isang basketbolista ng PBA na hindi na binanggit ni Carla sa interview.

"I wouldn't say they were puppy love," sabi pa niya. "They were serious relationships and they lasted three years. Okay naman. Marami akong natutunan.

"I've experienced my own share of heartbreaks... pero gano'n talaga. It's part of life."

Was it easy to recover from a broken heart?

"Hindi naman po madaling maka-move on sa kahit anong heartbreak, pero posible naman."

Ayon pa kay Carla, nakatulong sa kanyang pag-cope ang Psychology, na kanya ngang tinapos, bago magtuluy-tuloy sa show business.

DINA BONNEVIE LOOK-ALIKE. "Opo, marami pong nagsasabi," nangiti si Carla nang mabanggit sa kanya ang pagkakahawig nila ng veteran actress.

Dina Bonnevie is also known for speaking her mind. She's articulate and frank, and considered by many to be "mataray."

Is Carla like Dina in looks and character?

"Well, if I say something, I mean it," sabi ni Carla. "Hindi ako bolera. Hindi ako pa-cute. If I say something, it's not to make a person feel better, I say it because it's the truth."

Mataray din ba siya?

"Walang place for being mataray in this business. Hindi naman ako brutally frank. I don't say anything naman that will hurt [other people]..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARIAN RIVERA'S OPPOSITE. Walang pinatutungkulang sinuman si Carla, pero ito ang madalas ibatikos sa isa pang popular actress ng Siyete na si Marian Rivera, who is said to be mataray at pala-away.

"Marian is good to me," banggit naman ni Carla. "And she's very beautiful. Hindi pa kami nagkaka-trabaho. Naging part na ako ng Show Me Da Manny [na bida sina Marian at boxing champion, Manny Pacquiao]. Nag-guest na ako once, pero other than that, hindi ko pa siya nakaka-trabaho for a show or a movie.

"She's nice to me. Whenever I see her, she greets me. I greet her also. I'm looking forward to working with her," sabi pa niya.

As to the negative criticisms about Marian, heto naman ang masasabi ni Carla: "Well, siyempre, we hear about them pero wala akong experience [na negative] sa kanya. I've nothing against her. I've nothing bad to say against her.

"Wala naman akong karapatan para i-judge siya, kasi hindi ko pa siya talaga nakikilala, hindi ko pa siya nakaka-trabaho. Pero mabait siya sa akin."

OTHER 'KAPUSO'. Wala naman naging problema si Carla sa pakikitungo at pakikipag-trabaho niya with other artists of the Kapuso network.

"Not at all," paniniyak niya. "Sabi ko nga, suwerte ako, kasi ang sarap ng pagtanggap nila sa akin, ang init ng pagtanggap nila sa akin, from the moment I was launched as Rosalinda... till now.

"Ang maganda pa, like in my case sa GMA-7, kung sino pa 'yung mga veteran [actors at actresses], sila pa 'yung pinaka-mabait. Nakaka-inspire. Kung sila na pinakamatagal sa industriya mabait, dapat ikaw din na baguhan," aniya.

'KAPAMILYA' ACTORS. When asked who among the present crop of actors, aside from Geoff Eigenmann (her leading man in Rosalinda and Basahang Ginto) and Aljur Abrenica (The Last Prince) she would want to work, nag-enumerate si Carla ng ilan, including actors from ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I would love to work with Dennis Trillo again. Nakapag-trabaho na kami for Love Bug at Starstruck. Maganda siguro if I can do a romantic comedy or another drama series with him.

"Coco Martin, even if he's from another network. [Maski] sa indie [film], why not? Du'n naman siya nag-umpisa. He's one of my favorite actors now.

"Piolo Pascual. I would love to work with him!" banggit din ni Carla.

While it's not possible for Carla to work with Kapamilya stars Coco or Piolo on TV, posible naman magka-projects sila sa pelikula o sa iba pang medium.

"Ang show business, maliit na mundo lang naman 'yan, e. At bukod sa TV, may pelikula. Puwede ko silang maka-trabaho, sa pelikula."

ON SID LUCERO. Neither a Kapuso nor a certified Kapamilya, at hindi rin kapatid, kundi pinsan ni Geoff Eigenmann ang kasamang bida ni Carla Abellana sa Shake, Rattle & Roll XII ("Punerarya" episode) na si Sid Lucero.

"Ay, okay kami ni Timi," pagtukoy ni Carla. Sid is Timothy Eigenmann in real life, anak nina Mark Gil at Bing Pimentel, former actress-model.

"I've known him for a while, kasi nga, pinsan siya ni Geoff. Masaya, pero napaka-kulit!"

Does she get peeved with Sid's kakulitan on the set?

"It's good kasi at least, nagiging-light 'yung trabaho. It's bad kasi minsan, mahirap mag-concentrate 'pag nangungulit siya."

At best, hindi naman nagka-clash ang dalawa.

"Wala naman po," nangiti na lang ang young actress. "Pero hanga ako sa galing niya sa pag-arte! Nominated [siya] for an Emmy Award, my goodness!"

Ito ang International Emmy nomination ni Sid Lucero, para sa teleseryeng Dahil May Isang Ikaw ng ABS-CBN. Gaganapin ang awards ceremonies sa U.S. sa Nobyembre.

Nangangarap din ba si Carla na ma-nominate sa Emmys o alinmang international acting award balang araw?

"Hindi na!" natawa lang ang aktres. "Hindi na! Basta, pagbubutihan ko [na] lang 'yung trabaho ko dito sa Pilipinas, okay na 'yon. I've a lot to learn and experience pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN