Carla Abellana says her dad against her having a boyfriend; dad says Carla should've told him herself

IMAGE 0


Carla Abellana says she is old enough to have a relationship with Geoff Eigenmann and doesn't have to ask anyone's permission. "Para sa akin, hindi ko kailangan ipaalam lahat kasi I'm old enough, wise enough. and responsible enough to make my own decisions without anybody's advice."


May bali-balitang hindi raw boto si Rey "PJ" Abellana sa boyfriend ng anak niyang si Carla Abellana.

Siyempre ang boyfriend na iyon ay si Geoff Eigenmann, kaya palakas nang palakas ang mga balitang diumano na nag-break na daw ang dalawa.

Sa isang segment ng Showbiz Central kahapon, November 21, 2010, ininterview ng SC si Carla para alamin kung totoo ba na kontra ang ama niya kay Geoff.

"Not at all," sabi ni Carla. "Hindi siya kontra kay Geoff. He's just against me having a boyfriend in general."

Sa hiwalay na pahayag ni PJ sa SC ay sinabi din niya na hindi siya kontra sa boyfriend ni Carla.

"Ang concern ko is strictly sa anak ko lang," paliwanag niya. "Ang relasyon sa show business, lalo na kung baguhan ka ay, para sa akin, e, disadvantage.

"Alam ng anak ko iyan at nasabi ko sa kaniya iyan beforehand... na as much as possible, iwasan muna iyan."

Para kay Carla, importanteng bagay ang relasyon nila ni Geoff, pero "para sa akin lang, hindi ko kailangan ipaalam lahat kasi I'm old enough, wise enough, and responsible enough to make my own decisions without anybody's advice."

Ngunit sa ganitong bagay ay nasabi pa rin ng kaniyang ama na sana ay nasasabihan siya ng anak.

Inamin ni PJ, "Sa mga bagay na dapat na malaman ng magulang mula sa anak at nalaman ng magulang sa ibang tao, e, nakakasama din ng loob iyon.

"Nakaka-discourage, nakaka-disappoint. Hindi pa kami nakakapag-usap tungkol diyan, so kakausapin ko muna ang aking anak at doon ko malalaman ang katotohanan."

(Ayon sa Showbiz Central, wala pang kumento sa oras na ito sina Geoff Eigenmann o ang ina nitong si Gina Alajar.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN