Geoff Eigenmann realizes having a girlfriend from showbiz is not that easy

IMAGE 0


"Actually, akala ko it would be different because we're both from show business... Akala namin maiintindihan namin agad kasi we're both from the same business. Pero, hindi pala," says Geoff Eigenmann about his relationship with girlfriend Carla Abellana.


Nagbunga rin ang panunuyo ni Geoff Eigenmann sa ka-love team niyang si Carla Abellana nang sagutin siya nito.

Pero aminado ang young actor na hindi pala ganun kadali ang magkaroon ng relasyon sa kapwa niya artista.

"Actually, akala ko it would be different because we're both from show business.

"Akala namin maha-handle namin yung... Hindi naman pressure, but schedule-wise.

"Akala namin maiintindihan namin agad kasi we're both from the same business. Pero, hindi pala.

"Once na nangyari na sa 'yo yun, iba pa rin ang actual na nangyayari.

"May adjustment pa rin talaga kahit na expected mo na ganito, it doesn't turn out that way.

"So, may adjustment pa rin here and there," sabi ng anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Geoff sa Christmas party ng PPL Entertainment para sa press last December 1 sa Eivissa bar and restaurant sa Timog Ave., Quezon City.

IT MUST HAVE BEEN LOVE. Biro naman namin kay Geoff, it must have been love talaga dahil from day one na nagkasama sila ni Carla sa Rosalinda ay nagustuhan na niya ang dalaga.

"Yes, siyempre naman, the best thing in life comes in the most unexpected time!" natatawa naman niyang pagsang-ayon.

Ano ang mga bagong na-discover niya kay Carla?

"Siyempre marami," sambit ni Geoff.

"Nakikita ko on how alaga she can really be with someone she really loves, and how she prioritize her thing.

"Kung ano ang number one sa kanya, ipinapakita niyang talaga.

"Ipinaparamdam niya sa 'yo kung ano ang importante talaga."

Seloso ba sila pareho?

"Ako sa kanya, wala akong nakikita sa kanyang jealousy," sabi ng Kapuso actor.

"Siguro ako, aamin ako, when I was younger, I was very, very seloso.

"Kasi ngayon, hindi na.

"Kasi it would only show na hindi ka fully trusting doon sa partner mo if you're jealous over something. Kung hindi mo papaniwalaan kung ano talaga ang totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, you believe what you just see."

BEING TOGETHER. Ayon pa kay Geoff, in a way, naipakita nila ni Carla na hindi lang gimik ang closeness nila o anumang meron sila. And he intends na mapangalagaan ang relationship nila ngayon.

"Ang sa akin naman, ang magagawa lang naman talaga namin is to show the people who we really are and what's going on," sabi niya.

Kung sakaling mabibigyan daw sila ulit ng project together, isa raw si Geoff sa matutuwa.

"Iba, e, iba siyempre yun.

"Minsan sa taping, may time na wala kang kausap. Alone time dahil nag-iisip ka.

"And siyempre ngayon, hindi kami magkasama.

"Usually, kami, napag-uusapan namin ang mga bagay-bagay.

"Like in Grazilda, hindi kami magkasama.

"May time na alone, mag-isa lang ako.

"Kahit nag-iisip ka lang, wala kang makausap."

CARLA'S DAD. Sa past interviews ng ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana, nasabi nito na hanggang't maaari ay ayaw niya munang makipagrelasyon ang anak. Na ang lumalabas ay hindi ito pabor sa relasyon ng anak kay Geoff.

Apektado ba si Geoff sa sinabing ito ng ama ni Carla?

"Siyempre naapektuhan din dahil, of course, parents pa rin," pag-amin niya.

"As much as possible, dapat happy lahat and all that.

"Siguro kasi, she [Carla] said that I'm out of that.

"Kung may pag-uusapan, mas mabuting sila na muna.

"Of course, if there's a chance for us to talk, it would happen."

Wala ba siyang plano to initiate talks with Carla's father?

"I don't think that I'm in the place to initiate things. But, yeah, I'll be willing to," sabi ni Geoff.

SPECIAL CHRISTMAS. Samantala, naniniwala si Geoff na ang darating na Pasko ang isa siguro sa pinaka-espesyal at pinakamasayang Pasko niya.

"Yes, of course, kahit ako, when we were talking earlier, sinasabi kong hindi ko masyadong nararamdaman ang Pasko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But now, with how things are going, this is definitely something to look forward to," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN