Carla Abellana brought boyfriend Geoff Eigenmann to her father Rey "PJ" Abellana last Christmas

IMAGE 0


"My dad was also happy, dinala ko si Geoff sa kanya...Wala naman yun, it's a misunderstanding. Nag-sorry din ang daddy ko. Sabi nga niya, it was blown out of proportion whatever the issue was. Sabi ko nga, huwag na lang pansinin yun, kalimutan na lang namin," says Carla Abellana about bringing along boyfriend Geoff Eigenmann to her father's house last Christmas.


Kakaiba sina Carla Abellana at Geoff Eigenmann sa karamihan ng showbiz couples na kadalasan ay nagde-deny sa una tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, at aamin na lang kung kailan wala ng lusot para magsinungaling pa.

Mula sa panliligaw hanggang sa mauwi sa totohanang relasyon ay naging bukas na sina Carla at Geoff sa publiko.

Pero tulad ng ibang relasyon na dumadaan din sa mga pagsubok, isa sa mga intrigang nadaanan ng relasyong Carla at Geoff ay ang paglabas ng balitang tutol daw ang ama ng aktres na si Rey "PJ" Abellana sa anak nina Gina Alajar at Michael de Mesa.

ALL IS WELL. Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Carla sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival Awards (MMFF) noong December 26, masaya niyang ibinalita sa amin na nagkita na ang kanyang ama at ang kanyang kasintahan noong Pasko.

Kuwento ng young actress, "We spent Christmas in my dad's place, kumpleto sila. Tapos yung tito ko in Japan, na ang tagal kong hindi nakita, umuwi siya.

"Excited kaming lahat, we celebrated it with his family. Geoff was there also. Okay naman, masaya ang lahat.

"My dad was also happy, dinala ko si Geoff sa kanya."

As for the story that her dad was against Geoff, Carla said, "Wala naman yun, it's a misunderstanding. Nag-sorry din ang daddy ko.

"Sabi nga niya, it was blown out of proportion, whatever the issue was. Sabi ko nga, huwag na lang pansinin yun, kalimutan na lang namin."

Carla was also able to spend Chrsitmas with Geoff's family.

"After midnight na, after nung Noche Buena sa bahay, nag-celebrate kami with his family naman," banggit niya.

EXCHANGE GIFT. Dalawa raw ang naging regalo sa kanya ni Geoff noong Pasko—kuwintas at cell phone.

"Yung necklace, pasalubong niya na rin from the States," banggit ni Carla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang nakakatawa, yung second gift niya sa akin. Para kaming nag-exchange gift. Pareho yung ibinigay naming cell phone sa isa't isa!"


TOO EARLY TO TELL. Sa palagay kaya ni Carla ay sa kasalan na mauuwi ang relasyon nila ni Geoff?

"Parang it's early to tell. But so far, he's okay, we're okay.

"He's good to me as always, he cares for me so much, he's very sweet, and very honest na tao," sagot niya.

WELCOME 2011. For Carla, 2010 was a lucky and blissful year.

"Ito na yung pinakamaraming blessings na year for me. Finally I bought a house, I won an award in PMPC [as best New Female TV Personality].

"Siyempre, Geoff was there to celebrate with me, so very special ang Christmas."

Hinihiling din niya na maging maganda ang tatakbuhin ng lahat sa kanya for 2011.

"2011, sana ganun pa rin, sana successful pa rin."

May New Year's Resolution ba siya?

"I don't believe in New Year's Resolution, but I guess if there's one goal I have for next year, it's gonna be to work hard lang.

"Ganun pa rin, pagsisipagan ko pa rin ang mga trabahong ibibigay sa akin," saad ng magandang artista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN