Bianca Gonzales admits dating cager JC Intal, Carla Abellana's ex-boyfriend

IMAGE 0


"Mabait naman. At saka sa mga naririnig ko namang kuwento from other people, mabait naman din daw. So, kaya gusto kong pahabain yung getting-to-know time. Siyempre, kapag una kayong magkakilala, natural lang yung palagi kayong happy," says Bianca Gonzales about suitor JC Intal.


Natutuwa si Bianca Gonzales na marami ang nakakapansin at pumupuna sa pananamit at hitsura niya gabi-gabi sa showbiz talk show ng ABS-CBN na Showbiz News Ngayon (SNN).

"Kapag umuuwi ako or nag-check ako, natutuwa ako na kapag nag-check ako ng Twitter, ang daming taong nagsabi ng magandang bagay na yung looks, yung makeup, yung sapatos, kung anu-ano napapansin. Napa-flatter ako.

"Kahit na it sounds superficial, pinaghihirapan namin yun every day. Kinakarir.

"Cheesy as it may sound, pero parang opportunity talaga ang SNN of a lifetime. So, gusto kong ibigay ang best ko," pahayag ni Bianca nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng SNN noong Huwebes, January 13.

Hindi kaya dahil sa kanyang nababalitang "bonggang love life" kaya inspirado siyang mag-ayos nang husto sa show?

"Hindi naman bongga ang love life, steady lang ang love life," nakangiti niyang sabi.

"Yun lang ang masasabi ko, steady and ano, enjoying... Kasi, I'm single naman."

Kung steady at nag-e-enjoy siya sa kanyang love life ngayon, bakit niya nasabing "single" siya?

"Yes, I'm single naman. I'm seeing someone, but we're not together officially. Yun lang," paliwanag ni Bianca.

Bakit hindi pa niya sinasagot ang napapabalitang manliligaw niya?

"Ano lang, parang as you get older, nalalaman mo na parang dapat mas mahaba yung getting-to-know-you time."

Dahil ba napaso na siya sa previous relationships niya?

"Yes," pag-amin ng TV host.

"Ay naku, maraming beses talaga! Kaya gusto mong maging sure."

BIANCA'S SUITOR. Napag-alaman ng PEP na ang bagong masugid na manliligaw ni Bianca ngayon ay ang basketball player na si JC Intal. Si JC ang ex-boyfriend ng Kapuso actress na si Carla Abellana.

Ayon kay Bianca, medyo bago pa lang ang pagkakakilala nila ni JC.

"It's just a few months. Siguro mga October lang, gano'n...

"Mabait naman. At saka sa mga naririnig ko namang kuwento from other people, mabait naman din daw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kaya gusto kong pahabain yung getting-to-know time. Siyempre, kapag una kayong magkakilala, natural lang yung palagi kayong happy.

"Pero kapag magkakilala kayo after a few months, siguro magkakakitaan ng mga totoong ugali na hindi pala kayo magkakasundo. Parang gusto ko lang makita yun," sabi niya.

TONI & MARIEL. Kinumusta rin ng PEP kay Bianca ang friendship nilang tatlo nina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga pagkatapos magkaroon ng alitan sa pagitan ng dalawa niyang kaibigan.

"Okay naman talaga sila. Except na sa kabisihan, hindi pa sila nagkikita," sabi ni Bianca.

Dahil sa alitan nina Toni at Mariel, tila si Bianca ang ang naiipit. Nararamdaman ba niya ito?

"I never felt that way because parang, lagi ngang sinasabi ng mga tao, 'You're in the middle, you're in the middle.'

"Ako, for me, maiipit ka lang naman sa gitna kung masyado mong pinapagitna ang sarili mo. Kung nagpapaka-epal ka.

"E, for me, sa kanilang dalawa yun, e. Labas ang kahit na sinong tao do'n na whether na-mention ang name or what, labas e.

"That's between Mariel and Toni and I never felt na naipit ako. Noong nangyayari yun, support lang ako sa kanilang dalawa," saad niya.

Aware si Bianca na tila maraming nakabangga si Mariel. Pero sila naman daw ay walang naging isyu.

"Hindi talaga. Although noong nangyari lahat yun, ang dami rin na nagta-try na mag-message sa akin na, 'Hindi mo lang alam, si Mariel ganito-ganito ang sinabi sa 'yo.'

"Pero, hindi ko ini-entertain. Hindi na rin ako na-curious alamin kung ano yun, kung totoo yun.

"Doon na rin siguro pumasok yung trust sa friendship."

Hindi naman itinanggi ni Bianca na nandoon ang panghihinayang niya if ever masira ang friendship nilang tatlo.

"Sobrang nanghinayang kasi ang dami sanang Christmas dinner together.

"Pero alam mo yun, yun nga, like I've said before, never akong nag-doubt na magbabati silang dalawa. Time and space lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung may time, ang wish ko, kahit hindi out-of-the country, kahit out-of-town lang, makalabas. Magandang goal yun."

COLORFUL YEAR. "Makulay" naman kung i-describe ni Bianca ang taong 2010 para sa kanya.

"Maraming nangyari... May heartbreak. May happy heart. May breaking up of friendship. May catching up of friendship.

"Ang daming nangyari... May ending ng ELive, pero may start ng SNN.

"Sobrang colorful. Pero all in all, yung end ng 2010, masaya naman," sabi ni Bianca.

Looking forward naman daw siya sa taong ito.

"Gusto ko mas exciting!" sambit niya.

"Actually, one of the things that I'm really looking forward is PBB [Pinoy Big Brother].

"Kasi, hindi lang siya pagbabalik ng show na mahal ko. Pero if ever, hopefully, it's the chance that Toni, Mariel and I will work together again.

"So, yun siguro ang isa sa pinakalu-look forward ko this year."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN