Carla Abellana on settling down with boyfriend Geoff Eigenmann: "Wala pa, hindi pa. Kasi feeling ko bata pa kami."

IMAGE 0


Carla Abellana says she and boyfriend Geoff Eigenmann have a great relationship. Do we hear wedding bells? "Well, madaling mag-imagine. Pero ayaw ko pa, parang hindi pa kami handa. Malayo," says 24-year-old Carla.


Magkahawak-kamay na dumating ang magkasintahan na sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana sa fan's day at birthday celebration ng aktor noong Sabado ng gabi, March 19, sa Scout Gandia, Quezon City.

Si Geoff ay 26 years old na.

Ayon kay Geoff, masayang-masaya siya sa estado ng buhay niya ngayon. At isang malaking rason ay si Carla.

Ngumiti naman ang dalaga at saka sinabi ang birthday wish nito para sa kasintahan: "Success, good health and more happiness."

Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Carla kung ano ang regalo niya kay Geoff, nagbigay lang ng hint ang dalaga.

"Wala akong gift na nababalot. Pero meron akong isang espesyal na gift. Hindi siya nalalagay sa lalagyan. Plinano ko siya, sana magustuhan niya," aniya.

Ayon kay Carla, bukod sa pagiging boyfriend, best friend din daw niya si Geoff.

"Geoff is like my best friend, e.... Pwede ko sabihin [sa kanya] lahat [ng] problema, sikreto... [Pwede] rin akong humingi ng mga advice," pahayag ng dalaga.

Masaya man sila sa relasyon nila ngayon, nagkakaroon din sila ng mga maliliit ng sighalot.

"Maraming mga bagay pero nag-uumpisa siya sa maliliit na bagay. Pero hindi naman lumalaki," ang sabi ni Carla tungkol sa madalas nilang napag-aawayan ni Geoff.

Dagdag pa niya, "Pareho kaming mataas ang pride, pareho kaming mahilig makipagkumpetensya. Pareho kaming mahilig magdebate pero pinag-uusapan naming mabuti kung ano man yung pinag-aawayan namin."

Kinamusta din ng PEP ang relasyon ni Geoff sa kaniyang pamilya, particular na sa tatay niyang si Rey "PJ" Abellana.

Nagkaroon ng isyu late last year ang kanyang tatay at boyfriend na naging dahilan ng pagkakaroon ng problema ng kanilang relasyon. (CLICK HERE to read related story)

"Never naman silang nag-away. Nagkaroon lang ng misunderstanding. Okay na," ang naging mabilis na tugon ni Carla.

Bago pa man matapos ang 2010, ay naayos na nila ang mga dapat ayusin at nakasama pa ni Geoff ang pamilya ni Carla noong Pasko (CLICK here to read related story).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ngang mukhang maayos na ang relasyon ni Geoff sa kaniyang pamilya, nakikita ba niya ang posibilidad ng kasal?

"Sa totoo lang hindi pa. Well, madaling mag-imagine. Pero ayaw ko pa, parang hindi pa kami handa. Malayo," sagot ng 24-year-old na aktres.

However, she wants a church wedding.

"Gusto ko sa simbahan... Katoliko ako. Kahit saan man yan basta ang importante sa simbahan," aniya.

May dagdag pa ba siyang plano sa kanyang magiging kasal?

"Wala pa, hindi pa. Kasi feeling ko bata pa kami. Ang layo, hindi pa. I'm really not ready for that," pagdidiin ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN