Geoff Eigenmann more inspired to work because of Carla Abellana

IMAGE 0


"It's hard to choose one specific one...madami. I guess the attention she gives me. Kasi doon ko nararamdaman, doon ko nakikita kung gaano niya talaga ako kamahal, how much I really need her," replies Geoff Eigenmann on what he likes best about girlfriend Carla Abellana.


Motivated si Geoff Eigenmann pag pupunta siya sa taping ng Magic Palayok. Malaking dahilan nito ay ang kapareha niya—at girlfriend niya sa totoong buhay—sa primetime series na ito ng GMA-7 na si Carla Abellana.

"Masaya kasi alam mo kung sino ang daratnan mo sa taping na will make you smile, that will make your day bright. Masaya kaya naman pag may taping next day, maaga akong natutulog dahil looking forward ako to work with her," pahayag ni Geoff nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, April 12.

Maganda pa rin ba si Carla sa kanya?

"Yeah! Always. Hindi nagbabago. Gumaganda pa lalo every day!" natatawang sabi ng aktor.

Nagpaplano ba sila sa araw-araw na gagawin?

"Depende. Ako kasi yung more of the spontaneous type. But there are days na nakaplano ang gagawin ko. Yeah, we plan our day together para magawa yung dapat gawin," sambit niya.

Ano ang pinakagusto niya kay Carla?

"It's hard to choose one specific one...madami. I guess the attention she gives me. Kasi doon ko nararamdaman, doon ko nakikita kung gaano niya talaga ako kamahal, how much I really need her," deklara ni Geoff.

Malaking factor ba yung relasyon nila kaya consistent na top-rater ang Magic Palayok?

"I guess, siguro maganda talaga ang chemistry namin. That's why people are following us even though they know the real score between us. Nag-e-enjoy pa rin sila sa bagong napapanood sa amin. That's always a good thing. They can expect something new every time they see us. It's always a plus point," sabi niya.

Hindi ba sila natakot nang tapatan din sila ng malaking show ng ABS-CBN?

"Of course it's tough dahil malaki rin ang cast ng katapat namin. Blessed lang kami dahil tuluy-tuloy ang magandang nangyari. We're still on top and that's always a good thing," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CO-STARS. First time nakatrabaho ni Carla ang Tita Cherie Gil ni Geoff dito sa Magic Palayok.

"Enjoy siya. So, ibang side ni Tita Cherie ang nakikita niya. So, happy siya. Actually, they're close. Textmate sila. Nagtatawagan. Good thing," kuwento ni Geoff.

Pinagsabihan ba niya ang kanyang tita na huwag masyadong "apihin" si Carla?

"Before pa naman when they got to meet each other na, nung bago pa kami, I got to take her to the house at ipinakilala ko siya," sabi niya.

May criticisms na lumalaki raw ang katawan niya. Ano ang masasabi niya rito?

"Alam ko naman 'yon. I know my faults and I know what I have to take care. Mahirap lang talaga to focus when you're doing so many things. I know it's not really a valid reason, pero masaya ako, e.

"It's really hard to stop something that's really so good. Nag-e-enjoy lang ako. I'm really happy. Nadadala lang talaga!" natatawang paliwanag ni Geoff sa paglapad ng katawan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN