John Lapus's new object of desire is Tom Rodriguez

IMAGE 0


Inamin ni John "Sweet" Lapus na may malisya siya kay Tom Rodriguez, na kasama niya sa pelikulang Temptation Island. Lagi nga raw pumaparada sa harap niya si Tom na naka-red briefs lang. Ang naturang red underwear ang suot ng aktor sa maraming eksena sa pelikulang shot on location sa Ilocos.


Inamin ni John "Sweet" Lapus na may malisya siya kay Tom Rodriguez na kasama niya sa pelikula ng GMA Films at Regal Entertainment, Inc., ang Temptation Island.

"Oo naman! [May malisya din ako] kay Mikael Daez!" ang pabirong sinabi ni Sweet tungkol sa dalawa niyang male co-stars sa pelikula.

Sa shooting nga nila ng pelikula sa Laoag, Ilocos Norte, sila pa ni Tom ang roommates sa hotel na tinuluyan ng mga artista.

At lagi pa nga raw pumaparada sa harap niya si Tom na naka-red briefs lang. Ang naturang red underwear ang suot ni Tom sa maraming eksena sa Temptation Island.

Anong pagpipigil ang ginawa niya at sa iisang kuwarto daw sila natulog ni Tom? At kahit noon sa shooting ng Here Comes The Bride, roommates din daw sila ng aktor.

"Aba siyempre at the end of the day, friendship will prevail," ang sabi ni Sweet.

"Bago pa naman kami... especially in the case ni Tom, bago pa man kami magsama sa Temptation Island, magkaibigan na kami via Here Comes the Bride."

Halimbawa, given a chance na maging boyfriend ang isa, sino ang pipiliin niya; si Tom o si Mikael?

"Kung relasyon, malamang si Tom, bilang mas kilala ko na siya," ani Sweet.

TOM'S CRUSH. "At tsaka ano ba? Gets ako ni Tom, e. Pag inookray ko, binibiro ko, get!

"Kanina nakita ninyo naman, first time ko siyang nilaglag at binuking na crush niya si Solenn Heussaff among the girls, na hindi naman talaga malayong mangyari.

"Na actually, sinagot naman niya, kasi pareho silang foreigner ang tatay at Pilipina ang nanay at parehong painter." Nagpipinta sina Solenn at Tom.

Bukod kina Sweet, Tom, Mikael, Solenn, ang iba pang cast members ng Temptation Island ay sina Marian Rivera, Lovi Poe, Rufa Mae Quinto, Aljur Abrenica, at Heart Evangelista.

"Maski ako, dun ko na lang sa set na-realize na siyempre break na, kanya-kanyang ano na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami ni Marian, kami ni Rufa Mae, kami kasi talaga yung magkakaibigan.

"Marian at Lovi, si Heart kay Solenn, meron ding mga time na Heart at ako, Heart at saka Lovi.

"Nakita namin nasa sulok lang yung dalawa, si Tom at saka si Solenn, nagtsitsikahan. Dun ko na lang naisip na, 'Oo nga, 'no?'"ang sabi ni Sweet.

"'Pareho kayong painter, parehong foreigner ang mga tatay ninyo.'

"Ayun na, dun na nagsimula yung tuksuhan sa set. Tapos yung mga lalaki nagbuking sa akin na si Tom nga, e, may something dito kay Solenn, na hindi mo naman masisisi."

MARIAN AND HEART. Hiningan naman ng PEP si Sweet ng opinyon tungkol sa isyu nina Marian at Heart.

Kaibigan ni Sweet si Marian.

"Oo naman!" sambit niya.

"Pero kaibigan ko rin naman si Heart. It's just one thing na nangyari, na wala talaga ako nung actual na nangyari.

"That was a Friday, rumampa ako sa Laoag. Apparently, akala nila may shooting pa ako ng Friday.

"Natapos ako ng Thursday, ang flight ko going back [to Manila] was Saturday.

"The whole day Friday tapos na tapos na ako sa pekikula. So, anong gagawin ko sa set?

"Panggulo lang ako dun... Yung mga anak-anakan kong bakla doon, nirampa ako sa Laoag. Inikot ako.

"So, wala akong kamalay-malay. The next morning, Saturday, bumalik na ako [sa Manila].

"Birthday ni Philip Lazaro sa The Library, may nagtanong sa akin tungkol sa isyu. E, wala naman akong kaalam-alam.

"Yun na, nag-text na ako sa mga tao, so Sunday lang ako nagkaroon ng idea. Pero vague pa rin, until si Raymond [Gutierrez], sinabi sa akin sa Showbiz Central.

"Hindi na ako nakapagsalita kasi nga, 'A, okay, kalat na pala.'"

Sila ni Marian napag-usapan ba nila ang isyu?

"Hindi, e. Si Marian, ano 'yan, she fights her own battle. She... I think we all know her, she's not the type na magsusumbong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami ni Popoy [Caritativo, Marian's manager], pinag-usapan namin 'yan. Ever since, si Marian is like that.

"She's not the type na magsusumbong, she's not the type na kukuha ng kakampi.

"She fights her own battle, she's a brave strong woman.

"So, iyon din naman ang ina-admire ko sa kaibigan ko na 'yan.

"Si Heart, kaibigan ko din. Pero yun na nga, hindi na namin siya nakita after the incident, e."

Sa presscon nga ng Temptation Island (na ipapalabas na sa July 6) ay wala si Heart; nasa Brazil ito kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

NO EFFECT ON MOVIE. Sa tingin ni Sweet, may negative effect ba ang isyu sa movie nila?

"Ay, wala naman siguro. Sa sobrang ganda ng pelikula namin, I don't think na any negative issue like this... to make our movie a big flop.

"Wala na, in the bag na ito.

"Kahit may lumabas pang sex video sa isa sa mga cast o... isa diyan mabuntis, may ganun... hindi. Kuha mo?

"Kahit anong nega, hindi matatabunan ang kagandahan ng pelikula namin," sabi niya.

Hindi siya gagawa ng move na pagbatiin sina Marian at Heart?

"Hindi, kasi wala naman pong lumalapit sa akin," sagot ni Sweet.

"Ako, happy ako na kaibigan ko silang dalawa at wala ni isa sa dalawa na nagsumbong sa akin.

"Siguro, in a way, ayaw din nila na maipit kami na mga kaibigan nila, iyon lang naman yun."

Palaisipan pa rin nga kung ano ang nakarating sa ina ni Heart kaya nagkaroon ng insidente sa airport.

"Maski ako clueless, e. Siyempre, hindi ko naman matanong kay Marian, malay din ba ni Marian?

"Promise, ako, pag nakita ko si Heart, tatanungin ko, 'Ano ba sinabi mo sa nanay mo para magdala ng pulis?'

"Iyon lang naman yun, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN