Matteo Guidicelli says Maja Salvador is a "perfect girlfriend," but insists they're just "special friends"

IMAGE 0


"I really like her as a friend. She's very, very nice. I like Maja but she's really concentrated on her career now," says Matteo Guidicelli about Maja Salvador.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actor-TV host na si Matteo Gudicelli kanina, June 30, sa compound ng ABS-CBN pagkatapos ng Happy Yipee Yehey!.

Nilinaw ni Matteo na walang katotohanan ang napabalitang umamin siya na may relasyon sila ng aktres na si Maja Salvador.

Ayon kasi sa lumabas na report, bigla raw umamin si Matteo dahil nagselos siya nang makarating sa kanya na biglang hinalikan ni Coco Martin si Maja nang mag-duet ang dalawa sa kanilang mall show para sa serye nilang Minsan Lang Kita Iibigin.

"Hindi naman. Hindi naman ako nagseselos. Wala namang selos," tanggi ni Matteo

Dagdag pa niya, "Hindi naman ako umaamin po. Wala po akong inaamin.

"Ang sinasabi ko lang, we're special friends. Close na close na kami.

"Siya ang pinaka-close na babae sa akin ngayon."

Pero puwedeng humantong 'yun sa mas mataas na level?

"Puwede...pero hindi ngayon," sagot niya.

"Siyempre, ang ganda-ganda ni Maja. Ang sinasabi ko talaga si Maja is a perfect girlfriend."

Bakit perfect girlfriend? Ano yung qualities na yun?

"Talented, mabait sa lahat ng mga tao. Blessed. Respectful...

"Number one yung trabaho. Kapag may trabaho 'yan, 100 percent ibibigay niya, sobra."

Hindi ba siya natatarayan kay Maja? May image daw kasing ganoon ang young actress.

"Hindi. Sa totoo lang po, wala akong nakikitang ganoon.

"Mga tao-tao lang ang nakaka-misunderstood sa kanya. Marami namang taong malapit sa kanya."

Baka hindi siya natatarayan dahil special din siya kay Maja?

"Hindi naman," nakangiting sagot ni Matteo.

COCO-MAJA TANDEM. Hindi ba siya natatakot na patuloy ang pagkaka-link ni Maja kay Coco? Paano kung ma-develop silang dalawa?

"E, di sila na! Wala naman tayong magagawa diyan!" tumatawa niyang tugon.

Pero malabo bang mangyari yun?

"Baka hindi!" tawa niya ulit.

Bakit nasabi niya na hindi puwedeng maging sina Maja at Coco?

"Hindi, joke lang yun," sabi ni Matteo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAJA IS SINGLE. Pero sinasabi rin ni Matteo na sigurado siyang walang boyfriend ngayon si Maja.

"Oo, sigurado ako na walang boyfriend si Maja.

"Close kami, e. Pag nag-hang out kami, kasama si Kim Chiu...dami kami na magkakaibigan. Palagi kaming magkasama.

"Atsaka kilala ko si Maja."

Pero bakit kapag si Maja ang tinutukso ng mga kaibigan nitong press, hindi nagdi-deny pag nakikita silang magkasama ni Matteo?

"Hindi ko alam...siya!"

Pero hindi ba siya yung tipo ng artista na aamin na lang pag break na?

"Hindi, malalaman nila pag kami na talaga before pa na mag-break up."

Ano ang hinihintay niya gayong bagay naman sila ni Maja?

"Talaga? Sabihin mo nga sa kanya," biro nito sa amin.

"I really like her as a friend. She's very, very nice.

"I like Maja but she's really concentrated on her career now.

"Tapos ako rin, may soap with Kim [Binondo Girl], so kailangang i-focus ko talaga, di ba?

"Gusto ko ibigay ang 100 percent ko."

Ano yun, dahil may ibang partner sila kaya hindi dapat umamin?

"Hindi naman po," sabi niya.

"She's very, very busy sa Minsan Lang... Busy siya sa loveteam nila ni Coco.

"Ako naman, may HYY at bagong soap."

MATTEO AS A SINGER. Maraming nagsasabi na maganda ang boses ni Matteo at puwede siyang maging recording artist.

Hindi naman ito kataka-taka dahil kumuha siya ng musical theater sa Chicago, Illinois.

Hindi nga lang niya natapos ang kurso niya dahil na-homesick siya at gusto na niyang pasukin ang showbiz.

Wala raw musical theater course dito sa Pilipinas, pero next year ay gusto niyang tapusin ang college niya ng kursong Communication Arts.

Pero nahahasa naman ang kanyang pagkanta dahil sa regular stint niya sa musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP Rocks.

Bukod dito, magkakaroon ng show si Matteo sa Zirkoh Tomas Morato titled Pagdating ng Moment sa Sabado, July 2. Makakasama niya rito sina Aiza Seguerra, Erik Santos, Princess Velasco, at Ate Gay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Excited daw si Matteo na makasama sa isang special show sina Aiza, Princess at Erik.

"Sa ASAP lang kami nagkakasama ni Aiza. Si Erik, nakasama ko siyang kumanta sa ASAP nung Linggo. Si Princess, nakasama ko sa ASAP Boracay, pero sa live show, ngayong Sabado lang," sabi niya.

Ano ang feeling na puro singers ang kasama niya sa show?

"Oo, masaya. Sobrang excited," sambit ni Matteo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN