Carla Abellana admits receiving offer from another network; says, "Ayoko! Siyempre, kasi GMA naman ako nagsimula."

IMAGE 0


Carla Abellana says boyfriend Geoff Eigenmann was a "consideration" in her decision not to leave GMA-7. She adds that he "won't stop me from deciding naman kung saan [ko gusto]."


Kakayanin ba ni Carla Abellana ang maging surrogate mother?

Ito ang papel na ginampanan ni Michelle Madrigal sa Kung Aagawin Mo Ang Langit, kung saan hindi magkaanak ang character ni Carla at ang asawang si Mike Tan.

"Depende talaga kung kilala ko ang tao," panimula ng aktres sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan sa taping ng pang-hapong serye sa Fairview, Quezon City.

Dugtong niya, "Kasi, kung hindi ko kilala, it takes a lot of courage.

"Kapag kilala ko ang isang tao at malapit siya sa akin at bilang desperate na rin [sila] at hindi nagkakaanak at lumapit siya sa 'yo..."

Biglang-bawi naman agad si Carla kapag ang sitwasyon ay ex-boyfriend ng babae ang lalakeng asawa niya.

Ang mabilis niyang sagot, "Actually, parang ayoko na! Ayoko na lang. Maraming puwedeng mangyari."

So, papayag lamang siya kapag malapit sa kanya yung babae?

Aniya, "Ayoko na rin. Maraming puwedeng mangyari, e.

"O, kaya pirmahan ng kontrata na after, ibibigay agad ang bata."

HAPPY HEART. Sa usaping personal, masaya raw ito sa takbo ng kanyang career, pati na rin love life.

"Okay naman. Masaya. Pasko na," aniya, sabay pakita ng kanyang dimples.

May naisip na ba siyang Christmas gift para kasintahang si Geoff Eigenmann?

"Wala pa. Tinatanong ko nga siya, sabi naman niya, wala naman daw siyang gusto.

"Mahirap din kasi yun, hindi naman nagsasabi kung ano ang gusto. Wala naman nang kulang sa kanya."

Excited din daw si Carla sa bagong teleserye ng boyfriend, kung saan balik-tambalan sila ni Heart Evangelista.

"It's a big cast. Kasi, makakasama rin niya si Lovi Poe.

"With Heart, I think it's a good thing, kasi nagkatrabaho na sila before at may mga fans na ang dalawang 'yan.

"So, maganda na mapapanood ulit sila."

Hindi ba niya nami-miss ang tandem nila ni Geoff?

"Okay lang yun. Nakaka-miss lang kasama [si Geoff] sa taping pero, okay lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, nagkikita naman kaming dalawa kapag walang taping."

SHE CAN ACT. Sa maikling panahon niya sa showbiz, napansin na ang kakayahan ni Carla sa larangan ng pag-arte.

Siya ang nanalo sa kategoryang Best Performance sa Young Critics Circle para sa Punerarya episode ng Shake Rattle and Roll.

Two and half years pa lang siya sa showbiz at wala sa panaginip raw niya na ma-recognize kaagad sa pag-arte.

Aniya, "Hindi, wala sa isip ko yun. Kahit noong nag-uumpisa ako hanggang ngayon, hindi ko naman naiisip yun.

"Hindi ko rin naman recognized ang lahat ng award-giving bodies."

Noong nag-uumpisa pa lang siya sa teleseryeng Rosalinda, may mga pumuna sa kanyang kakayahan sa pag-arte. Pakiramdam ba niya ngayon ay vindicated siya sa mga kritisismo ibinato sa kanya noon?

"Masaya kasi napapansin na nila.

"At least, kahit papaano, unti-unti, napapatunayan ko na kaya ko namang matuto. Na may kaya rin akong patunayan in terms of acting...

"So, nandito ako para patunayan na kaya kong matuto. Kaya kong gumaling. Kaya kong mag-improve. Napapansin na nila."

Aminado siyang may mga panahong pinanghinaan siya ng loob?

Ang kuwento ng dalaga na anak ng aktor na si PJ Abellana: "Noong bago ako siguro, noong nag-uumpisa...Pero, parang nalagpasan ko na yun.

"Nandoon na ako sa stage na imbes na gamitin ko yung mga criticism to pull you down, gamitin mo to your advantage para maging malakas ka.

"Para mas motivated ka to prove na mali sila."

TWO ENTRIES. Kasama sa dalawang entries sa Metro Manila Film Festival ngayong 2011 si Carla.

Isa siya sa leading ladies ni Governor ER Ejercito sa Asiong Salonga, na kamakailan lang ay nakumpirma ang pagpasok sa MMFF.

Masaya raw ang Kapuso star dahil finally ay pasok ang pelikula.

"Kasi sobrang ganda ng movie. Sobrang pinaghirapan namin at super proud ako sa pelikulang yun.

"Akala ko, either hindi ipapalabas dito sa Pilipinas, or late na lang. So, na-sad ako kaya sabi ko, 'Masyadong maganda 'yan para hindi mapanood ng mga Filipino.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ilalaban kasi nila sa Berlin [film festival] at saka sa Korea.

"Kaya sabi ko, 'Paano naman dito, dapat mapanood din nila?'

"Kaya natuwa ako na nagkaroon ng vacant slot sa MMFF," dagdag ni Carla.

Kasama rin siya sa Yesterday, Today and Tomorrow at sa sasakay daw siya sa float ng Regal Films entry na ito during the parade.

LEAVING GMA-7? Sa isang banda, malapit na raw mag-end ang contract ni Carla sa Kapuso network.

Hindi nito itinanggi na may offers siyang natatanggap sa ibang network. Pero wala pa raw silang napag-uusapan ng manager niyang si Arnold Vegafria.

"Hindi ko alam kung anong network. Well, wala pa kaming pinipirmahang kontrata.

"Hihintayin na muna namin ang contract na i-o-offer ng GMA."

Pabiro itong umaktong iiyak halimbawang ilipat daw siya sa ibang network tulad ng ABS-CBN.

"Waaah! Ayoko! Siyempre, kasi GMA naman ako nagsimula," ang hirit niya.

Paano kung mas maganda ang offer ng ibang network?

"E, kasi kung pera lang ang pag-uusapan, walang problema kung mukha lang akong pera.

"Pero, siyempre, ang GMA ang nagbigay ng break sa 'yo."

May impluwensiya ba si Geoff, na isang Kapuso, sa magiging desisyon niya?

"Iba naman yun. Pero siyempre, oo naman, isa rin yun sa consideration.

"But you know, Geoff won't stop me from deciding naman kung saan [ko gusto]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN