Carla Abellana celebrates birthday with sick children and Dr. Dogs

IMAGE Rizza C. Benedicto

Carla Abellana and Dr. Dog "Ginger" gave love to ward patients on the former's birthday.

"Sana mai-share ko lahat lahat-lahat ng blessings ko sa mga tao. Wala na 'ko mahihiling pa, sobrang 'etong birthday ko was the best birthday that I’ve ever had 'tapos eto yung pinaka-blessed ako in my life."


Noong June 21, ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ambassador na si Carla Abellana ay nagdiwang ng kanyang ika-26 kaarawan sa (Philippine Children’s Medical Center (PCMC), Quezon Avenue, Quezon City.

Dumalo ang ilan sa mga PAWS Volunteers, ang program director ng PAWS na si Anna Cabrera, kasama ang mga "Dr. Dogs," na maituturing na innovative animal therapy program kung saan layunin nitong maibigay ang isang pangangailangan ng tao—isang best friend.

Ang masayang bungad ni Carla, "Naniniwala kami sa PAWS na ang gamot, hindi lang 'yan yung nabibili o sinasaksak sa katawan.

"Puwede ding makagamot ang pagmamahal siyempre. 'Di ba, love is the best medicine?"

Dagdag pa ni Carla, "Sa family natin, parents, pati yung mga aso, nagbibigay ng pagmamahal. So kahit pagod ka na, makita mo lang sila na napasaya yung mga bata, yung pagmamahal na maibigay namin, pati nun mga aso, nakakatuwa...

"Kasi kahit mga aso, nakakagamot din yun..."

Hindi rin daw matatawarang ang reaksiyon ng mga bata pag nakikita ang mga aso.

"Nakakatuwa at nakakalambot ng puso kasi bukod sa nakikita mo na mahilig sila sa mga aso. Nakikita mo na lumalaki yun mga mata nila, ngumingiti sila, napapangiti sila kahit sandali lang kasi alam mong nagsa-suffer sila.

"May karamdaman sila, they are in pain so kahit sandaling-sandali lang, kitang-kita mo na nag-glow at nag-light up yung mga mata nila, yung mukha nila.

"Nakakataba ng puso, nakakaiyak talaga. 'Tsaka may ibang bata, nakikikanta nakikisayaw sa amin, very responsive sila, game na game naman talaga sila,” ang masayang kuwento ng 26-year-old actress.

Bakit mo naisipan na ganitong celebration ang gawin?

“Kasi hindi ko pa nagagawa ito, and pag nagse-celebrate ako, laging kasama mga fans.

"This year, sabi ko, maiba naman, bakit di tayo bumisita sa mga batang may mga sakit para pasayahin sila, para maiba naman.”

“Minsan lang ‘to, e! Minsan lang magkaroon ng opportunity na ganito na magsama-sama. Tinulungan pa kami ng North Park. Ang laking pasasalamat ko sa kanila, nagsama-sama kaming lahat para bumisita dito, minsan lang ‘to. Napakaraming blessings, dapat i-share mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oras pa lang, malaking bagay na, presence pa lang, malaking bagay na. Nakakatuwa, naghanap ako talaga ng time na free ako, free din sila (PAWS), pati ang mga Dr. Dogs.”

REAL AND REEL LOVE. Nadako ang usapan sa lovelife. Kumusta na sila ni Geoff?

Sagot niya, “Hiwalay kami ngayon habang siya nagtatrabaho, ako nag-e-enjoy. Nasa Palawan... May trabaho siya doon, kakaalis niya lang kaninang lunch time.”

Sumunod namang pinag-usapan ang kanyang reel love na si Richard Gutierrez, na kasama niya sa Makapiling Kang Muli na mapapanood gabi-gabi tuwing weekdays sa Primetime Telebabad sa GMA-7.

May balita kasing mas napapalapit daw ito kay Sarah lahbati, ang isa pang leading lady ng aktor sa TV series.

Habang nakangiti at nakalabas ang dimples, aniya, "Di niyo lang kami maintriga ni Richard, sila naman ni Sarah?

"I wouldn’t know kasi nakakailang taping days palang kami na magkakasama kaming lahat. 'Tsaka wala pa naman ako napapansin at mahina ako sa ganyan, mahina ang vibes ko sa ganyan.

"Ako pa ang pinakahuli na makaalam ng balita.

"So, ako, if you ask me, wala ako napapansin or whatsoever sa set. Si Richard is very maginoo, so ganoon din naman yung turing niya kay Sarah.

“Wala pa 'ko napapansin, pero sasabihin ko sa inyo kung meron na."

Tungkol naman sa mismong serye, excited ang dalaga ni Rey PJ Abellana dahil "paganda na ng paganda yung story."

Dugtong ni Carla, "Kasi lalo na mas nagiging intense, mas makikilala nila si Leilani, mas magiging abogado na siya, makikita na yung palaban side ni Leilani....

"Sobrang emotional ng scenes, iyakan, galit, samapalan. 'Di sila puwede bumitaw talaga, di puwede kasi paganda nang paganda."

BIRTHDAY WISH. Balik sa kanyang birthday, na ang actual date ay sa June 12, heto ang kanyang wish:

"Sana mai-share ko lahat lahat lahat ng blessings ko sa mga tao. Wala na 'ko mahihiling pa, sobrang 'etong birthday ko was the best birthday that I’ve ever had 'tapos ';eto yung pinaka-blessed ako in my life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana lang mai-share ko iyon sa mga tao, mabalik ko sa kanila yun!" pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN