Maja Salvador wants to end up with Matteo Guidicelli; says Matteo's family wasn't reason behind their two-week breakup

IMAGE Noel Orsal

Maja Salvador denies that Matteo's family was the reason why she and her boyfriend broke up for two weeks: "Kung nagkaroon man po kami ng problema, hindi dahil sa family niya, [o] family ko. Sa bawat relasyon po talaga, may pagdadaanan na ganoong problema. Pero at least, ang maganda po. Naayos namin, hindi kami nagpatalo sa kung anuman."


Walang kagatul-gatol na sinabi ni Maja Salvador na, kung sakali, si Matteo na raw ang gusto niyang makatuluyan.

Nangyari ang pahayag ni Maja noong Sabado, January 14, sa press conference ng movie nila ni Matteo Guidicelli na My Cactus Heart, na ginanap sa Dolce Latte restaurant, Quezon Avenue, Quezon City.

Ayon pa kay Maja, "Yun nga, sinasabi ko na gusto ko, si Matteo na.

"Kung may gawin pa siya na mali, e, hindi ko na alam. Baka maging 'cactus heart' na ako," nakangiting sabi pa niya.

BAD HEART? Ikinuwento ni Maja ang character niya sa movie at kung bakit ito ginamit na pang-describe sa heart.

"Ang character ko po rito, hindi naman masamang puso.

"Kumbaga, kapag may manliligaw sa kanya at alam na niya na mai-in-love na siya, uunahan niya.

"Uunahan niyang tusukin. Uunahan niyang tinikin.

"Kasi, yung character ko po, takot siyang magmahal at takot siyang masaktan.

"Hindi dahil nagkaroon na ako ng boyfriend dati, pero may nangyari sa aking pamilya kaya naging takot ako na magmahal."

Sa totoong buhay ba naranasan na raw ba niyang ang magkaroon ng "cactus heart"?

Aniya, "Dumating po ako sa napagod na ako."

Sino naman ang pumagod sa kanya?

"Marami sila," natatawang sabi nito.

E, si Matteo ba, hindi ba siya pinapagod?

"Hindi siya nakakapagod magmahal."

MATTEO'S MORE IN LOVE? Sa kanila, si Matteo ang nakikitaan na very obvious daw sa pagmamahal sa girlfriend

Hindi raw ba siya super in love katulad ni Matteo?

"Hindi po ba halata sa aura ko?" balik-tanong ni Maja.

"Siguro, hindi lang po ako sanay [mag-announce ng emotions].

"Pero sabi ko nga, hindi lang din naman sa salita dapat sinasabi kung gaano mo kamahal ang isang tao.

"Si Matteo, alam niya yun. At alam niya kung gaano ko iparamdam."

Ngayon lang nagkatambal sina Maja at Matteo sa isang pelikula. Mas madali ba, o mas mahirap kung ang leading man niya ay real-life boyfriend niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap!" ang mabilis niyang sagot. "Ako, akala ko noong una, madali kasi, nandoon na ang kilig.

"Pero kasi, habang ginagawa namin ang pelikula, para sa akin, yung characters namin, hindi si Maja at hindi si Matteo.

"Kaya parang hirap pa kami. Paano ba hindi magpakilig? Paano bang hindi ako kiligin?

"Paano ba ipakita na hindi ko mahal ang isang tao? Yung natsa-challenge kami.

"Mabuti na lang, nandoon si Direk [Enrico Santos], na alalayan kami kung paano ang tamang reaction.

"Kung papaano namin tamang ibigay sa mga eksenang ginagawa namin.

"Pero bandang huli, masaya na magkasama kami together sa isang movie at nagtutulungan kaming dalawa."

PROBLEM SOLVED? Napabalitang naghiwalay sila ni Matteo ng dalawang Lingo. Sinasabing naging problema sa relasyon nila ang pamilya ni Matteo.

"Wala po, ang totoo, very supportive naman ang family ni Matteo."

Hindi nga ba pabor sa kanya ang pamilya ni Matteo?

"A, hindi po. Pasok ang beauty ko," natatawa pa niyang sabi.

"Kung nagkaroon man po kami ng problema, hindi dahil sa family niya, [o] family ko.

"Sa bawat relasyon po talaga, may pagdadaanan na ganoong problema.

"Pero at least, ang maganda po. Naayos namin, hindi kami nagpatalo sa kung anuman."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN