Geoff Eigenmann on Carla Abellana's rumored transfer to ABS-CBN: "The answer is up to her. Siya na ang bahala. And you'll hear the answer soon."

IMAGE Noel Orsal

Geoff Eigenmann on upcoming Valentine's date with girlfriend Carla Abellana: "As a legit couple, this is going to be our second Valentine's together pa lang. Pero kung isasama 'yong before na naging kami, this is our fifth.'


Kahit gaano ka-busy sa kani-kanilang career, talagang sinisiguro ng magkasintahang Geoff Eigenmann at Carla Abellanana may oras pa rin sila sa isa't isa.

Sa Valentine's day nga, nakaplano nang manonood ang dalawa ng isang foreign stage performance na gaganapin sa Quirino Grandstand.

"As a legit couple, this is going to be our second Valentine's together pa lang. Pero kung isasama 'yong before na naging kami, this is our fifth," sabi ni Geoff nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Party Pilipinas noong Linggo, February 5.

May iba pa ba silang plano sa mismong Araw ng mga Puso bukod sa panonood ng nasabing stage performance?

"'Yong panonoorin namin, hindi lang show kundi isang event din, e.

"Na after no'ng performance, parang may party. So the people who are watching are gonna be participating also.

"So, we'll probably just be there all night.

"Kasi, kasama din 'yong kapatid ko, at saka mga cousins ko. Madami kaming manonood."

Ano ba ang sikreto at smooth sailing ang takbo ng relasyon nila ni Carla?

"I guess, communication lang talaga. We make it a point that we get to talk to each other every day.

"At kung may problema man kami, or may hindi pagkakaintindihan, we really talk about it as soon as possible. Hindi na namin pinapatagal pa."

Boto naman sa kanila pareho ang kani-kanilang pamilya?

"We're very happy na gano'n nga ang kinalabasan.

"Kasi alam naman ng mga tao na show business is really a very tough business to survive in.

"And maganda kasi may suporta kaming dalawa from our families."

CARLA'S RUMORED TRANSFER. Malapit nang matapos ang kontrata ni Carla sa GMA-7.

Maugong ang usap-usapang lilipat na raw ang aktres sa ABS-CBN na maganda umano ang offer sa dalaga.

Nahihingan ba siya ng advice ni Carla tungkol sa dapat na maging career move o desisyon nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, we've talked about it," sabi ni Geoff.

"Pero hindi ko naman talaga siya binigyan ng advice. She knows naman what she wants to get.

"So, ano 'yon, the answer is up to her. Siya na ang bahala.

"And you'll hear the answer soon."

Sakaling matuloy ang paglipat ni Carla sa ABS-CBN, susunod kaya siya dahil patapos na rin ang kontrata niya sa Kapuso network?

"We'll see. We'll see," nangiting sagot lang ni Geoff.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN